Piolo Pascual reveals his "promises" to KC Concepcion

"Sa buhay naman natin, you only live once, so you gotta have the right decision, you gotta have the right action in life. But you know, tao lang tayo, nagkakamali. But one thing is for sure, you always pick up the pieces, you always strive for... You always wanna grow and give the best in whatever you do. At yun ang promise ko na gagawin ko till the end," says Piolo Pascual in his interview with girlfriend KC Concepcion.


Sa kauna-unahang pagkakataon, ininterbyu ni KC Concepcion ang boyfriend niyang si Piolo Pascual sa The Buzz, kahapon, May 29.

Although sa dating show ni KC, ang Simply KC, may isang episode doon na si Piolo ang guest niya at ini-interview niya rin doon ang aktor. Yun nga lang, hindi pa sila noon.

Pero sa umpisa pa lang ay may tanong na si Piolo: "Kailangan bang seryoso tayo rito? Hindi naman, di ba?"

Sagot naman ni KC, "Hindi... Pero dati kasi, parang hindi pa kita masyadong kilala. Parang ngayon mas nakilala na kita."

Natatawang hirit naman ni Piolo, "Kilala mo na ba ang totoong ako?"

Na sinagot ni KC ng: "Sa tingin ko, oo. Pero kunwari na lang, hindi pa kita ganoon kakilala.

"Kasi feeling ko, may mga bagay sa pagka-mysterious mo na hindi ko pa alam.

"So, let us use this opportunity for you to tell me more about yourself."

GIFTS. May box na naka-prepare kunsaan may mga words na bubunutin si KC at doon magde-depend ang mga tanong na ibabato niya sa boyfriend.

Ang unang word na nabunot ni KC ay "gifts."

Tanong ni KC: "Sa lahat ng gifts na ibinigay ko sa ’yo, gusto ko lang malaman, ano do’n ang pinaka-important or pinaka-meaningful sa lahat?"

"Well, honestly, lahat naman ng regalo mo, meaningful sa akin," sagot ni Piolo.

"Just like you, I give more value with what’s written sa card.

"I know that you’re a good writer at ang mga isinusulat mo talaga, galing sa puso.

"So, I appreciate that more than the material things.

"Pero, siyempre, paborito ko mag-photography... Sasabihin ko ba?" tanong ng aktor sa kasintahan.

Hirit naman ni KC, "Kunwari ka pang ayaw mong sagutin. Ang dami mong sagot!"

"Oo nga, e," pagsang-ayon naman ni Piolo.

"Kasi, naisip ko lang, I love taking photos, so one of the best gifts last Christmas that I didn’t expect was the camera that you gave me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sosyal, ’no? Sa’n ka?

"Whenever I use that camera, naaalala kita.

"Wow! Showbiz! Gusto mo yun?" tanong ni Piolo kay KC.

"Hindi!" natatawa namang sagot ng TV host-actress.

Ayon pa kay KC, ang camera raw na ibinigay niya kay Piolo ay isa sa camera na ginamit nila sa movie kaya ganoon daw ito kaganda.

Sabi naman ni Piolo, "Paborito ko yun. Thank you."

TAMPO. Paano naman magtampo ang isang Piolo Pascual?

"You just saw it, remember?" sabi ni Piolo kay KC.

"I’m very quiet. I hate arguments. You know that.

"So, one of the things I do, nagsa-shut down talaga ako bukod sa tumatahimik ako.

"Ayokong may masabing hindi maganda. Ayokong makipag-away.

"So, tahimik na lang ako.

"Bakit mo ko sinisipat ang reaction ko? Uma-anggulo ako rito!" tanong ulit ni Piolo sa girlfriend.

Sabi naman ni KC, "Kapag tumatahimik ka, hindi rin naayos ang problema."

"Patay ako rito!" bulalas ni Piolo.

Paliwanag niya, "No, kinakausap mo naman ako, di ba? Napag-uusapan naman.

"Sinabi mo nga, kapag kumalma ka na, or after na mawala na yung surge ng emotion, napag-uusapan naman."

Sabi ni KC, may pinag-usapan daw sila two days ago...

Dugtong ni Piolo, "Huwag matutulog nang dilat ang mata. Kasi, hindi ka makakatulog talaga no’n.

"Nang bagong kain kasi babangungutin ka."

FEAR. Ano naman ang pinaka-kinatatakutan ni Piolo?

"Happy camper ako," sambit niya.

"Siguro sa ngayon, ha, sa estado ko sa buhay, ayokong mag-dwell doon sa takot.

"Ayokong mag-dwell doon sa mga bagay na makakapagbigay sa akin ng thought para mag-isip ng hindi maganda.

"I’d rather dwell on the things na makakapagpasaya sa akin.

"Kasi, ang takot din naman nakaka-stress."

Tanong ni KC: "So, ano ang top three things na nakakapagpasaya sa ’yo?"

"Kasama ka ba dapat?" buwelta naman ni Piolo.

"Hindi. Given na yun," sagot ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wow! Ang haba ng bangs mo!" biro naman ng aktor.

"Pahaba na talaga nang pahaba ito," hirit ni KC.

Ani Piolo, "Nakakapagpasaya sa akin—ang pagka-seksi-seksi mong hitsura ngayon. Yun naman!"

BEACH. Ano naman ang pumapasok sa isipan ni Piolo kapag sinabing beach?

"Pahinga, dive, nature, KC," sagot ng matinee idol.

"Alam mo naman yun. I enjoy going to the beach because that’s the only time I get to rest, to really enjoy.

"Parang hindi mo kailangan na... I don’t know, mas loose kumbaga."

Ayon kay KC, napuntahan na raw ni Piolo ang Palawan at Anilao.

Kung may isang beach sa bansa na gusto niyang puntahan at dalhin ang importanteng tao sa buhay niya, saan yun?

"May nagbigay sa akin ng DVD ng Pacific Exploration na nakita ko lang kanina," sabi ni Piolo.

"Sa Pilipinas?"

"Sa Pilipinas, gusto kong pumunta sa Bohol... Nakapunta ka na sa Bohol?

"Hindi pa."

"Punta tayo ng Bohol next week."

"Tatapusin ko muna ang shooting ko, ha, may pelikula pang ilalabas," sabi naman ni KC.

Ang tinutukoy ni KC ay ang pelikulang Forever and A Day nila ni Sam Milby.

PAGOD. Nagamit ito ni KC para pasalamatan si Piolo na sulit na raw ang pagod niya dahil nai-promote ng boyfriend ang movie nila.

"We’re so active in life," saad ni Piolo.

"Kung hindi nagtatrabaho, kumakanta.

"Kung hindi nag-a-acting, nagho-host...ikaw. Nagko-commercial.

"Everything that we do, so kailangan natin ng booster."

PROMISE. "Promise, I hate that word," sabi pa ni Piolo.

Paliwanag niya, "You know promises are meant to be broken.

"You don’t promise, you just do it. So, when you say yes, it’s a commitment."

Hirit naman ni KC kay Piolo, "PJ, ikaw ba ’yan? Nagbago ka na! Joke!"

Pinansin din ni KC kung bakit daw namumula si Piolo.

Natatawang sagot naman ni Piolo, "E, ano ba yung promise? Ano ba ang promise mo sa akin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailangang sabihin mo kung ano ang promise mo na hindi mo ibi-break sa akin.

"’Yan naman!"

Sabi naman ni KC, "Hindi, ganito na lang, ngayon na nasa buhay na natin ang isa’t isa, ano ang pangako mo or promise mo sa pamilya ko? Promise mo sa mga taong sobra kang mahal?"

"I promise to be with you," sagot ni Piolo.

"I promise to be honest and always sincere with whatever.

"Sa buhay naman natin, you only live once, so you gotta have the right decision, you gotta have the right action in life.

"But you know, tao lang tayo, nagkakamali.

"But one thing is for sure, you always pick up the pieces, you always strive for...

"You always wanna grow and give the best in whatever you do.

"At yun ang promise ko na gagawin ko till the end," saad ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN