Diether Ocampo: "Sa kasaysayan ng aking lovelife, ito na ang pinakamatagal na wala akong girlfriend."

Diether Ocampo answers issues involving women being linked to him—past (Kristine Hermosa and Rima Ostwani), present (Kris Aquino?), and future (Maxine Syjuco?).


Live na nag-guest si Diether Ocampo sa The Buzz kahapon, May 29. Si Toni Gonzaga ang nag-interview sa actor sa segment nitong "Toni Gonzaga Intriga Statement."

Kaugnay na rin ng bagong primetime series ni Diether ang pagge-guest niya, ang Guns and Roses, na magsisimulang mapanood sa June 6. Kasama niya rito sina Robin Padilla at Bea Alonzo.

"Ito ang pinaka-astig na teleserye sa balat ng telebisyon," pagbibida ni Diet tungkol sa kinabibilangan niyang serye.

"Makasama mo ba naman si Mr. Robin Padilla at si Bea Alonzo, mga malalaking artista.

"At talagang ito na ang simula ng digmaan-digmaan ng mga puso."

First actionserye raw ng ABS-CBN ang Guns and Roses.

"Iba ito. Maraming bagong ipapakita.

"Pero hindi ko puwedeng sabihin dahil mawawala ang element of surprise."

Love triangle daw silang tatlo rito nina Robin at Bea. Kaya isang malaking karangalan daw na napasama siya sa serye.

Demanding din ang soap nila, sabi ni Diet.

"Nag-training kami. Siyempre, required ’yan.

"Dito, ituturo yung mga technical aspect kung paano kapag may operation.

"Gina-guide lang nila at pinag-aaralan din namin ang buhay ng pulis," sabi ni Diet.

KRISTINE HERMOSA’S PREGNANCY. Pagkatapos nito ay sinimulan na ang pagsagot ng aktor sa intriga statements.

Ang unang intriga statement ay mula kay Kristine Hermosa: "Yes po, I’m six weeks pregnant!!! God is really good...more to come! Ha ha ha!"

"Parang kilala ko yun, a!" nagbibirong sabi naman ni Diether tungkol sa dati niyang asawa.

Noon lang daw nalaman ni Diether na buntis si Kristine sa una nitong baby kay Oyo Sotto.

"I’m very happy for her. Siyempre, alam ko na parang ibang level na ’to para sa kanya.

"So, I’m very happy at sana magpatuloy ang maganda nilang pagsasama," saad ng aktor.

May plano ba siyang i-congratulate si Kristine personally?

"Dito na lang!" tawa ni Diether.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Congratulations sa inyo. I’m very happy."

RIMA HAS MOVED ON. Ang pangalawang intriga statement ay galing naman sa veteran columnist na si Aster Amoyo: "Sa nakita namin kay Rima, mukhang naka-move on na ito sa breakup nila ng actor."

Si Rima Ostwani ang dating girlfriend ni Diether.

"Hindi pa kami nagkikita. Matagal na," sabi niya.

Pero kailan ba sila nag-break?

"About a year ago."

Wala na silang komunikasyon?

"Minsan nagkakamustahan. Through BBM.

"Magkaibigan naman kami. Wala namang problema.

"She’s okay and I’m happy sa balita ni Tita Aster na naka-move on na siya."

Happy ba siya and does he know if Rima’s dating anybody right now?

"I’m not sure," sagot ng aktor.

Sa part ni Diether, single pa rin ba siya?

"Still single and ready to mingle!" tawa niya.

"Actually ngayon lang ako... pinakamatagal na.

"Sa kasaysayan ng aking lovelife, ito na ang pinakamatagal na wala akong girlfriend."

Kasunod nito, hiniritan ni Diether si Toni na pahawak daw ng kamay nito saka tumayo pa ito at niyakap ang host.

Na-detect din ni Diether kung ano ang gamit na pabango ni Toni, which is Burberry.

"Alam n’yo, ito ang mami-miss n’yo kapag matagal kang walang girlfriend," sabi niya.

MAXINE SYJUCO. Ang ikatlong intriga statement ay mula kay "Hollaback" ng Online Pinoy Forum: "Is Maxine Syjuco dating Diether Ocampo?"

Si Maxine ay isang poet at visual artist.

"Hindi po totoo yun," tanggi ni Diether.

"I think, may isang event kaming pinagsamahan or nagkita kami.

"Alam n’yo naman minsan, siyempre may mga photo ops.

"Sa pagkakaalam ko, isa siyang poet, magaling actually.

"Dahil yung family nila, mga ano talaga, artists. Pagdating sa ano, very passionate sila."

Niligawan niya ba si Maxine?

"No, no, nakakahiya nga sa kanya," diin ni Diether.

"Siguro nagkataon lang na meron kaming photo taken together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko na alam kung saan kuha yung picture. Matagal na ’to.

"Actually, na-meet ko na sila. Magkapatid ’yan.

"Meron siyang isang kapatid, sa fashion naman.

"Siya naman, sa larangan ng poetry.

"Yung art form niya, kakaiba. I saw some of her performances, ang galing!"

Hirit naman ni Toni kay Diether, wala ba siyang planong manligaw dahil parang ang dami na nitong sinabi at alam tungkol kay Maxine.

"Hindi talaga, pero siguro kung magkakaroon kami ng pagkakataon na magkakilala, bakit naman hindi?" nakangiti niyang sabi.

KRIS AQUINO. Ang pang-apat na intriga statement ay mula sa isang tweet sa Buzz Official: "Diet, pinakilala na si Kris sa family. True? Wow level up na ang friendship. Ibig sabihin kaya mapupunta ito sa serious na relasyon?"

"Natanong n’yo na dati sa akin ’to. Pero sige, sasagutin ko ulit para rito sa The Buzz."

Natuloy ba ang deal nila ni Kris na every Saturday, magkikita sila, magdi-dinner?

Ani Diether, "Noong binitawan niya ang salitang ’yan, noong mga first few months, consistent.

"Pero noong nitong naging busy kami pareho, hindi natin maiiwasan, yung schedule natin. We still keep in touch.

"Pero gaya ng pahayag ko, matalik kaming magkaibigan.

"Nagsisimula pa lang ako sa industriya, nakakasama ko na siya.

"Nagkaroon lang kami ng time na hindi masyadong nagkikita or communicate dahil, siyempre, may sarili siyang ginagawang mga proyekto, ako ganoon din.

"Ito lang na nagkasama kami sa proyekto sa Dalaw. At maganda dahil marami kaming nadiskubre na, ’A, ganito na pala tayo.’

"Nakakatuwa lang isipin na nandoon pa rin yung pagkakaibigan namin. Mas nadagdagan pa."

MASKULADO. Ang huling intriga statement ay galing sa Philstar.com: "Tila robot na ang mga kilos ni Diether Ocampo dahil sumobra na ang kanyang pagiging maskulado."

"Baka si Carlos Agassi po ang nakita niyo, hindi ako!" natatawa niyang sabi.

Sabi naman ni Toni, para raw sa kanya, hindi maskulado si Diet kung hindi toned lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag na pahayag ni Diether, "Alam mo Toni, mahirap ’yan sa trabaho namin.

"Bilang actor, minsan lumalabas ka sa mga fashion event. Siyempre, modelo rin tayo sa mga retail branch.

"Like sa Guns and Roses, kailangan din."

Nagpapa-tone lang daw siya like sa taping, kailangan daw physically fit siya.

Sabi pa niya, "Na-appreciate ko rin kasi napansin nila.

"I guess, it should be part of our life, staying fit and healthy—healthy lifestyle."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN