Valerie Concepcion leaves Mga Nagbabagang Bulaklak to concentrate on 100 Days To Heaven

"Honestly, ako, I wanna get married siguro three to five years from now. I’m turning 24 sa December at yun, mga three to five years pa. Pag hindi kami ang nagkatuluyan, dadagdagan ko pa!" says Valerie Concepcion about her plan to marry boyfriend Dondon Hontiveros.


Papatayin na ang ginagampanang role ni Valerie Concepcion sa primetime series ng TV5 na Mga Nagbabagang Bulaklak.

Binigyan na kasi siya ng taning ng ABS-CBN na hanggang June na lang siya kailangang mapanood sa serye ng TV5 dahil iniere na rin ang 100 Days To Heaven ng ABS-CBN. Kasama rin sa cast ng programang ito si Valerie.

Hindi raw pumayag ang ABS-CBN management na sabay napapanood ang isang artista sa dalawang primetime shows na nasa magkaibang channel. Baka raw kasi masilip ito at pamarisan ng ibang artista.

"Respeto na rin. Para na rin wala nang mga issue," sabi ni Valerie.

"Everytime kasi na magtu-tweet ako ng ’Thanks for watching 100 Days to Heaven and Mga Nagbabagang Bulaklak,’ hindi puwedeng walang magtu-tweet sa akin ng ’Ano ka ba talaga, 2 or 5?’ Parang ganun.

"So, para hindi na rin malito ang tao, kung may project sa 2, 2 na lang muna. Kung sa 5, 5 na lang muna."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Belissimo restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

PHILLIP SALVADOR. How true na nagustuhan daw siya ni Phillip Salvador na ka-partner niya sa Mga Nagbabagang Bulaklak?

"Saan? Nagustuhan ako as an actress o as a person? Liwanagan mo ’yan!" tawa ni Valerie.

"Sige, pareho na lang. Nagustuhan niya ako both!

"Sinabi niya sa akin, gusto niya ako as a person dahil sweet daw ako, at hindi naman like gustong ligawan, di ba?

"Gusto niya ako dahil mabait daw ako, tapos masayang kasama at magaan katrabaho.

"Gusto rin niya ako as an actress dahil pag may mabibigat na scenes, binibigyan niya ako ng pointers sa mga ginagawa ko.

"Tapos pag nagawa ko, yayakapin niya ako at sasabihin ’very good.’

"Sobrang proud na proud siya na nagawa ko yung pinapagawa niya," kuwento niya.

May malisya ba yung pagyakap ni Phillip sa kanya?

"May ganoon? Teka lang naman!" tawa niyang muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DONDON HONTIVEROS. Totoo bang nagseselos ang boyfriend niyang si Dondon Hontiveros sa love scenes niya sa Mga Nagbabagang Bulaklak, lalo na yung sa kanila ni Richard Gomez?

"Hindi naman," tanggi ni Valerie.

"Kahit nga sa 100 Days, puro kami smack ni Dom [Dominic Ochoa].

"Hindi naman seloso si Dondon.

"Meron lang siyang ibang sineselosan, pero pagdating sa trabaho, hindi."

So, ano ang pinagseselosan ni Dondon?

"Kunwari may nag-tweet sa akin na may crush sa akin, tapos ni-reply-an ko, ’A, kailangan talaga mag-reply?’

"Nagre-react ng ganun. Pa-cute lang, hindi naman talaga nagagalit," paliwanag niya.

NEW BABY. Matagal-tagal na rin ang relationship ni Valerie sa basketball player na si Dondon Hontiveros, kaya naman marami ang nagtatanong sa kanya kung wala pa ba silang planong lumagay sa tahimik.

"Honestly, ako, I wanna get married siguro three to five years from now," sagot niya.

"I’m turning 24 sa December at yun, mga three to five years pa.

"Pag hindi kami ang nagkatuluyan, dadagdagan ko pa!"

Dati raw, ang ideal age niya to marry ay 25 years old.

Pero na-realize daw niya na parang hindi pa niya kakayanin dahil marami pa raw siyang gustong gawin.

Two and a half years na sila ni Dondon at mukhang okay na rin ang magkabilang partido nila para sa isa’t isa.

Maging ang anak niyang si Heather Fiona ay "Tito" na ang tawag sa basketbolista na dati naman daw ay "Kuya" lang.

Nanghihingi na ba ng kapatid si Fiona?

"Oo, pero sabi niya, I have to get married first.

"Sabi ko kasi, ’O, you want to have a baby sister na or baby brother?’

"Sabi niya, ’Yes, but you have to get married first.’

"Akala mo kung sinong matanda!" natatawang kuwento ni Valerie.

ACTING OR HOSTING? Saan siya nag-e-enjoy ngayon—sa acting o hosting? Alin ang mas mataas ang talent fee?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ano ang ibigay sa akin na project, hindi naman ako magrereklamo, di ba?

"Actually, lahat ng bagay may advantage at disadvantage, e.

"Ang advantage ng hosting, monthly dire-diretso.

"So, kahit maliit yung TF mo, dire-diretso ka at sigurado ka na may ganitong darating.

"Unlike sa taping, hindi mo alam kung six months lang ba yung show o three months lang ba.

"Mas malaki yung TF mo kasi per day ka, pero hindi mo rin alam kung twice a week ka ba magti-taping o thrice a week.

"Wala siyang definite na kikitain mo monthly.

"Hindi gaya nung nasa noontime show ako, alam ko na heto lang ang gagastusin ko kasi heto lang ang papasok.

"Parang ganoon," paliwanag niya.

Hindi ba siya kinabahan nung mawala ang huling noontime show niya, ang Pilipinas, Win Na Win?

"Hindi," mabilis niyang sagot.

"Si Tita Becky [Aguila, her manager] ang kinabahan nang bonggang-bongga!

"Ako kasi, after giving birth, sobrang lakas ang faith ko na parang hindi ako natatakot.

"Na parang yung nawala yung Pilipinas, Win Na Win, hindi ako nakaramdam na baka mawalan ako ng project.

"Bakasyon pa nga ako nang bakasyon noon, e, di ba?

"Nag-Bora ako, nag-Cebu ako, nag-Bohol ako, nag-Tagaytay ako na wala pang sinasabing project sa akin.

"Pero malakas ang loob ko kasi hindi nga ako natatakot.

"Si Tita Becky yung tarantang-taranta na na parang kailan ba ako magkaka-project.

"Sabi ko, ’Tita, relax, magdasal tayo at darating ’yan.’

"So, nung dalawang shows yung dumating, like Nagbabaga, biglang dumating din yung 100 Days.

"Sabi ni Tita Becky, ’Oo nga, Val, tama ka nga.’

"Niloloko ko nga, ’Ikaw kasi Tita walang tiwala sa akin at wala kang tiwala kay Lord.’

"Nag-agree naman siya sa akin," kuwento niya.

Pero nami-miss ba niya ang paghu-host?

"Nami-miss ko naman, pero okey lang kasi sobrang ganda naman ngayon ang feedback ng 100 Days to Heaven.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m so lucky na part ako ng show.

"Parang ini-enjoy ko pa yung pagiging nasa primetime ng ABS," sabi ni Valerie.

Hindi ba pumasok sa utak niya na nalaglag siya dahil sina Pokwang at Mariel Rodriguez ay magkasama na ngayon sa Happy Yipee Yehey? Dati niyang kasamahan ang dalawa sa Wowowee at Pilipinas, Win Na Win.

"Hindi naman," sambit niya.

"Simula kasi nung mawala ang Win Na Win, sinabi naman talaga sa amin na hindi muna kami pagsasama-samahin.

"Kaya nga ako, ilalagay raw muna sa soap. Gusto nila mag-concentrate ako sa soap, parang ganoon.

"Hindi na ako umasa na ibinalik na si Pokwang, ibabalik na rin ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN