Pilar Pilapil visits CIDG office to discuss stabbing incident case

CIDG Chief Superintendent Samuel Pagdilao told the media that veteran actress Pilar Pilapil was in "tip-top condition" during their brief meeting held earlier today, June 1, at Camp Crame in Quezon City.


Personal na nagtungo ang beteranang aktres na si Pilar Pilapil ngayong araw, June 1, sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), na matatagpuan sa Camp Crame, Quezon City.

Ang CIDG ay nasa ilalim ng Philippine National Police (PNP), at ang pangunahing katungkulan ng nasabing grupo ay mag-imbestiga at mag-monitor ng mga kasong kriminal katulad ng armed robbery, kidnap-for-ransom, illegal possession of firearms, at pagbebenta ng mga armas.

Layunin din ng nasabing grupo ang magbigay ng suporta sa kapulisan sa pamamagitan ng mga imbestigasyon at pagsisiyasat na makakatulong para mabilis na maresolba ang malalaking kaso.

Matatandaang nalagay sa alanganin ang buhay ni Pilar matapos na magtamo siya ng maraming saksak sa katawan nung April 15. (CLICK HERE to read related article.)

Carjacking ang naunang angulo na nakita ng mga imbestigador, na kung saan ay puwersahan diumano na inagaw ng dalawang armadong kalalakihan ang kotse kung saan nakasakay ang aktres nung gabi ng April 14, sa Riverbanks, Marikina City.

Iniwan ang sugatan na si Pilar sa bakanteng lote ng Piedra Blanca Homes sa Antipolo.

Mabuti na lang at tinulungan ang aktres ng dalawang residente sa nasabing lugar at naisugod siya sa Antipolo Medical Center, bago inilipat sa Medical City, sa Pasig City. (CLICK HERE to read related article.)

SHORT MEETING. Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sandaling nakipagpulong si Pilar sa direktor ng CIDG na si Chief Superintendent Samuel Pagdilao.

Ayon kay Pagdilao, nasa mabuting kundisyon ang aktres nang kanyang makausap.

Malinaw raw na ipinahayag ni Pilar ang kagustuhan niya na maparusahan ang mga taong may kinalaman sa krimen.

Sinabi ni Pagdilao na nakatuon pa rin ang atensiyon nila sa suspek na nakilala sa pangalang Rosel Rosalem Peñas.

Pamangkin ng asawa ni Pilar si Peñas, at kasama niya ito sa loob ng sasakyan noong gabing mangyari ang pananaksak.

Si Peñas ay naisama bilang suspek matapos makita umano siya sa Metro Manila na minamaneho ang gold Kia Carens, na may plakang CIZ-888, isang araw matapos ang insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman nagawang arestuhin ng mga awtoridad si Peñas nung panahon na iyon sa dahilang walang pinanghahawakang arrest warrant galing sa korte ang mga pulis.

Samantala, nakatakda ang preliminary investigation sa kaso ni Pilar itong darating na Martes, June 7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN