AJ Dee gets affected by negative issues against brother Enchong; reveals Enchong has a girlfriend now

AJ Dee plays Paratawag in GMA-7’s epicserye, Amaya. "Ako ang general ni Rajah Mangubat [Gardo Versoza]," he says about his role.


Maganda ang pangangatawan ngayon ng aktor na si AJ Dee, although hindi siya nakakapag-workout lately dahil sa appendectomy procedure na ginawa sa kanya three months ago.

Kaya nga hindi siya nakapag-training para sa fight scenes bago sinimulan ang epicserye ng GMA-7 na Amaya.

"Yun, hindi ako nag-training, nanood lang ako," banggit ni AJ nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa actual fight scenes, hindi ba siya nahihirapan?

"Hindi naman... Actually, mahirap kasi mabigat kasi yung espada. Totoong bakal, e, pero kaya ko naman.

"Basta alalay lang sa fight scenes."

Gumaganap si AJ sa Amaya bilang si Paratawag.

"Ako ang general ni Rajah Mangubat [Gardo Versoza]," banggit niya.

ON BROTHER ENCHONG. Masayang-masaya naman si AJ dahil bonggang-bongga ang career ngayon sa ABS-CBN ng kanyang younger brother na si Enchong Dee.

"Siyempre naman!" bulalas niya.

"Kasi like nung naoperahan ako, siya yung nag-ano sa akin, siya ang nagbayad sa ospital, sa Cardinal.

"Kasi yung sa akin inano pa, CT scan, e, kaya nadoble-doble.

"Bale 135 [thousand pesos], mabigat din. Yung iba, si Papa."

Magkano ang inabono ni Enchong?

"Mga eighty [thousand] yata," banggit ni AJ.

Mabait bang kapatid si Enchong?

"Oo, tsaka hindi ko hiningi iyon, kusa niya," sabi niya.

GENDER ISSUE. Aminado si AJ na naapektuhan o nagagalit siya kapag iniintriga si Enchong, tulad ng gender issue against him.

"Oo! Kaya nga nung sumagot ako, pinagtulungan kami, may umano sa amin, e, may mga nangtira, e," sabi niya.

Ano ba ang isinagot niya?

"Hindi ko maalala, e. Basta sinabi ko na kung hindi naman sigurado, huwag magsasabi ng mga ganun.

"Tapos binalikan kami, dinamay pa ako."

Nang tanungin kung writer ang tinutukoy niya, ngumiti si AJ bago sumagot ng, "Sa TV, host siya.

"Sinabi niya na ano... Sa kabila ito, ha, hindi rin sa...sa kabilang-kabila."

Na ang ibig niyang sabihin ay taga-TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano siyang binalikan? Siniraan siya?

"Oo, na, ’Kung hindi n’yo kaya, huwag na kayo dito sa showbiz dahil hindi kayo bagay dito.’"

Sa kapipilit kay AJ na sabihin kung sino ito, isa lamang ang sinabi ni AJ: "Lalaki siya."

Hindi na daw siya sumagot sa isyu.

"Hindi na, hinayaan na namin.

"E, kasi siyempre, makakatulong pa sa kanila yun, so hinayaan ko na lang."

Galit siya sa TV host na ito?

"Oo, masama ang loob ko kasi..."

Never pa niya itong nakita?

"Nakita ko siya, pero iniwasan ko na lang."

Dahil?

"E, baka kasi lumaki pa, e. Para iwas lang," sabi ni AJ.

So, wala siyang planong kausapin ang taong ito?

"Hindi na, okay na yun."

BROTHERHOOD. Nagbibigay ba siya kay Enchong ng advice kapag may intriga?

"Nung una, kasi bago pa lang siya, humihingi pa siya ng tulong pag masama ang loob niya, so binibigyan ko ng advice.

"Pero ngayon hasang-hasa na siya, e. Hindi na niya pinapansin, e."

May girlfriend ba si Enchong ngayon?

"Hindi siya nagkukuwento, e, pero alam ko meron siya ngayon," pambubuko ni AJ.

Close sila, bakit hindi ito nagkukuwento sa kanya?

"Actually sa magkakapatid, kami yung hindi masyadong close, e.

"Yung pangatlong lalaki yung ka-close ko talaga," sabi niya.

Panganay si AJ at pangalawa si Enchong sa tatlong magkakapatid na lalaki.

Dagdag niya, "I mean... lalo na ngayon kasi busy siya, pero ang time lang namin together pag Sunday, kasi family day yun, e.

"Dun kami nakakapagbiruan, bonding ’yon."

Si AJ naman ay may girlfriend of three years na isang Norwegian na nagngangalang Olga Havran, na nakilala niya noon sa Boracay.

Gusto na niyang si Olga ang mapangasawa someday?

"Oo naman," sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN