PEP EXCLUSIVE Aljur Abrenica on Kylie Padilla: "Lumalabas kami, pero walang commitment."

"Kahit ano pa rin naman, kung ano ang ibibigay sa akin ng network. Although kung mapagbibigyan ako, gusto ko sana drama muna. Yung totoo, na-miss ko yung ganoon, sobra," says Aljur Abrenica about his next project on GMA-7.


Pagkatapos ng Machete, pahinga muna si Aljur Abrenica sa paggawa ng teleserye hangga’t hinihintay pa niya ang kasunod na project niya sa GMA-7.

Pero dalawang pelikula ang tinatapos ngayon ng Kapuso actor—ang Temptation Island at Ang Panday 2.

In fact, babalik si Aljur sa Laoag, Ilocos Norte para sa pagpapatuloy ng shooting ng Temptation Island doon.

Dagdag pa niya, "Yung sa Panday, nakaka-isang shooting pa lang ako do’n.

"Ngayong wala pa akong show, hindi ko naman pinapalampas ang oras. Hindi ako nagsasayang.

"Kung ano ang puwede kong gawin sa isang araw, ginagawa ko lagi, tulad ng pagdyi-gym. Hindi mawawala yun."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur nang aksidente namin siyang makita sa Tomas Morato last Wednesday, June 1.

DRAMA PROJECT. May naririnig na raw siyang next series na gagawin niya, pero hangga’t hindi pa sigurado, ayaw muna niyang isipin ito.

Pagkatapos ng Machete, ano ang gusto niyang gawin ngayon kung siya ang mabibigyan ng chance na mamili?

"Ang gusto ko sana, drama.

"Kasi yung The Last Prince, Ilumina, Machete, puro fantasy na.

"Ang gauge ko kasi ng drama, yung sa Dapat Ka Bang Mahalin?" banggit ni Aljur sa afternoon soap nila noon ni Kris Bernal.

"Pero kahit ano pa rin naman, kung ano ang ibibigay sa akin ng network.

"Although kung mapagbibigyan ako, gusto ko sana drama muna.

"Yung totoo, na-miss ko yung ganoon, sobra.

"Yun naman talaga ang typical na nangyayari."

Kung babalik siya sa drama, ang original ka-loveteam pa rin ba niyang si Kris ang gusto niyang makapareha?

"Kahit sino naman," sagot ni Aljur.

"Pero open ako for new loveteam para naman makapag-explore ako, marami pa akong makilala, at makita ko kung hanggang saan ako."

KYLIE PADILLA. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mamatay-matay ng balita na sina Aljur at Kylie Padilla na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero walang pag-amin at consistent sila pareho na "friends" lang sila tuwing tinatanong ng press tungkol dito.

Diretsahang tinanong muli ng PEP si Aljur: Ano na ba talaga ang status ng closeness nila ni Kylie?

"Magkaibigan lang talaga," mabilis pero nakangiti niyang sagot.

Dinadalaw niya sa taping, dinadalhan ng pagkain, kaibigan lang talaga?

"Kami po ni Kylie, well, minsan binisita ko siya sa set... Matagal na yun. Nasulat nga yun.

"Lumalabas din kami. Kumbaga, lumalabas kami, pero walang commitment.

"At saka, kapag lumalabas kami, palaging marami kami.

"Family ko...madalas kasama ang mommy ko."

So, type ng mommy niya si Kylie?

"Yung Mama ko, gusto siya ni Mama. Minsan, siya pa ang nag-iimbita," banggit ni Aljur.

Masasabi ba niyang mag-M.U. o may mutual understanding na sila ni Kylie?

"Hindi, e, hindi talaga," sagot ni Aljur.

"At saka, open ako. Dating...hindi rin kami exclusively dating.

"Magkaibigan lang kami. Kumbaga, kinikilala ko pa rin silang lahat."

Naipakilala na rin daw siya ni Kylie sa ama nitong si Robin Padilla.

"Nailapit na po ako ni Kylie kay Tito Robin. Nagkausap na po kami.

"Mabait po si Tito Robin, very understanding," sabi ng young actor tungkol sa action star.

May mga naglalabasang balita na tila hindi pabor o hindi boto sa kanya si Robin para kay Kylie.

Naramdaman niya ba yun?

"Hindi, e," sagot ni Aljur.

"Noong magkita kami, wala po akong naramdamang ganoong tension."

Pero kung sakali, gusto ba niya makasama si Kylie sa isang project as leading lady?

"Okay, puwede, bakit hindi?" sabi naman ng young actor.

Tinanong namin si Aljur kung nanonood ba siya ng Blusang Itim, ang pinagbibidahang afternoon soap ni Kylie.

"Oo, minsan, nakakapanood," sagot ng binata.

"Mahusay siya. Magaling siya.

"Nakakagulat kasi hindi ko ine-expect na ganoon siya.

"Alam naman natin na Padilla si Kylie, pero siyempre bago pa lang kaya nakakagulat din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro maganda rin na magkasama kami kasi magkakilala na kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN