Direk Soxie Topacio explains decision to axe Danielle Castaño from Iskul Bukol

Director Soxie Topacio, along with Dante Garcia, will call the shots this Sunday, June 5, for Tunog Wunderground—a free concert organized to boost Puerto Princesa Underground River’s bid to be included in the New 7 Wonders of Nature list.


Malaking karangalan para kay Soxie Topacio ang maatasan para tumayong direktor ng Tunog Wunderground—ang concert na naglalayong matulungan ang kampanya ng Puerto Princesa Underground River para mapabilang sa New 7 Wonders of Nature. (CLICK HERE to read related article.)

Ang Tunog Wunderground ay gaganapin itong darating na Linggo, June 5, alas-kuwatro ng hapon, sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.

Lalahok sa nasabing free concert ang ilan lamang sa mga naglalakihang pangalan sa local entertainment scene katulad nina Jim Paredes, Ogie Alcasid, Nina, Gloc 9, Franco, Rocksteddy, Rivermaya, Dingdong Avanzado, Bituin Escalante, Lolita Carbon, Noel Cabangon, at marami pang iba.

"Ang pinaka-highlight din kasi nitong concert is yung pagboto.

"We will ask everybody to get their cell phones, and sabay-sabay tayong magpe-place ng vote para makatulong sa ranking ng Puerto Princesa Underground River," saad ni Direk Soxie nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Quezon Memorial Circle nung Miyerkules, June 1.

HELPING THE CAUSE. Ang singer-songwriter na si Noel Cabangon ang personal na kumausap kay Direk Soxie para pangasiwaan ang concert, kasama ang isa pang direktor na si Dante Garcia.

Tubong-Puerto Princesa si Direk Dante, samantalang aminado si Direk Soxie na hindi pa niya napapasyalan ang ipinagmamalaking Underground River ng lalawigan na itinuturing na capital ng Palawan.

"Ako, I’ve not seen the place, although I want to see it now.

"Sabi niya [Noel Cabangon] sa akin, ’Maganda ’to, Direk, ilaban natin na manalo ’to.’

"Sabi ko, ’Sige, sige, wala akong problema diyan.’

"Ako naman, I think we really need to improve our tourism.

"Malaking bagay ’yan para sa ating bansa, kaya all out ang suporta ko diyan," sabi ni Direk Soxie.

Umaasa si Direk Soxie na malaki ang maitutulong ng concert para makalikom ng dagdag na boto para sa Puerto Princesa Underground River.

Marami pa rin kasi sa mga taga-Metro Manila ang hindi nakakaalam at nakakapunta sa sikat na tourist destination na kinilala ng UNESCO (United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization) bilang isang World Heritage Site nung 1999.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon ko nga lang narinig ’tong Underground River, nung kinausap ako ni Noel. Sabi ko, ’A, meron pala tayong ganun.’

"Tsaka nominated tayo sa New 7 Wonders of Nature! Hindi ba maganda ’yan for us?

"Kaya importante sa akin na makatulong to spread the word through this concert," paliwanag ni Direk Soxie.

TIMESLOT CONCERNS. Kinumusta rin ng PEP kay Direk Soxie ang performance ng sitcom na Iskul Bukol, na nag-debut nung May 24 sa TV5.

"Yung aming pilot, maganda ang response—maraming nagpadala ng e-mail.

"Of course, meron ding nagsabi o nag-comment ng hindi maganda. Pero ganun talaga, e.

"So far, of course, ang worry namin, hinahanap nila yung old. In fact, hinahanap nila, ’Asan si Miss Tapia? Sino si Miss Tapia?’" banggit ni Direk Soxie sa dating role ni Mely Tagasa.

"Sabi namin, ’We want something new at iba ito.’

"Kasi ang hirap niyan if we try to copy, magpe-fail kami.

"Kasi yung tatlo [Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon] naman talagang magbabarkada na ’yan bago ginawa ang [original] Iskul Bukol.

"So kami, iniba namin siya."

Kagaya ng maraming naunang komento galing sa press, nagpahayag ng concern ang direktor sa late-evening timeslot ng Iskul Bukol bunga na rin ng mahabang oras na kinakain ng primetime variety-game show na Wil Time Bigtime.

"Wala na akong magagawa dun kasi ’yan ang stake ng TV5, si Willie Revillame, e.

"Ang problema pa nga, ang nangyayari, hindi sigurado yung time.

"And yung artista pa ako sa Hapi Together, ’yan din ang problema namin kasi we come after the two teleserye [Babaeng Hampaslupa and Mga Nagbabagang Bulaklak].

"May time talaga na, minsan nga alas onse y medya na yata kami pumasok.

"Ewan ko, we’ve been complaining that to the administration of TV5. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nilang solution.

"Sabi ko nga, ’E, di ilipat ninyo na lang kami sa Channel 13 since they [TV5] got it na. So, lahat na lang dun para masaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi supposedly, comedy ka and a lot of people want to see it, especially the young people.

"E, kung masyadong late na, wala rin," may panghihinayang na sabi ni Direk Soxie.

CHEMISTRY ISSUES. Hiningi na rin ng PEP ang panig ni Direk Soxie kaugnay sa pagkakatanggal ng former beauty queen na si Danielle Castaño sa regular cast ng Iskul Bukol.

Nabanggit namin kay Direk Soxie na nung dumalaw ang PEP sa story conference nila noong Pebrero ay nakausap pa namin sa Danielle at ang ibang cast members ng sitcom. (CLICK HERE to read related article.)

Subalit sa grand press conference ng Iskul Bukol sa Metro Bar nung May 16, kapansin-pansin na wala si Danielle sa ipinakilalang cast members ng programa. (CLICK HERE to view gallery.)

Sa isang artikulo na lumabas dito sa PEP, nagpahayag ng kanyang saloobin si Danielle tungkol sa nangyari. (CLICK HERE to read related article.)

"After taping 8 days plus doin’ a photoshoot with them [Iskul Bukol], for press releases and for the show, they told me that I will be ireg [irregular] and my role in the show wasn’t working that’s why they had to change the characters of the cast now," kuwento ni Danielle sa pamamagitan ng text message.

"But they didn’t change mine, instead told me that I will not be part of the cast," dagdag pa ng former beauty queen.

Nabanggit namin kay Direk Soxie ang ilang mensahe ni Danielle at naging maingat naman siya sa pagsagot tungkol sa isyu.

"Well, I had a hard time and I guess ganun din si Dante [Garcia].

"Ang feeling namin, hindi siya mag-jell dun sa grupo," diretsong tugon ni Direk Soxie.

Paliwanag pa niya, "In fact, ginawa namin, nagpatawag na kami ng workshop, tapos dinala namin sila sa isang resort para lang mag-jell yung group.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Apparently, hindi siya mag-jell. I don’t know if may personal problem siya with the group.

"Makikita mo sa episode na ginamit na kakaiba siya dun sa grupo. So we have decided na humanap na lang muna tayo ng iba."

Ang management na raw ang nakipag-usap kay Danielle para ipaalam ang naging desisyon na tanggalin siya sa regular cast members ng programa.

"In fairness to her, nandun naman siya sa beginning nung show. So magge-guest pa rin naman siya dun," pahabol ni Direk Soxie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN