Mar Roxas finally concedes defeat to Rodrigo Duterte: "Digong, I wish you success."

May 10, 2016
<p>Kahit na sumuko sa laban sa pagka-presidente, nanawagan naman si Liberal Party standard-bearer Mar Roxas sa lahat upang bantayan ang mga boto ng kanyang ka-tandem na si Leni Robredo. Neck and neck kasi ang laban ni Leni sa katunggaling si Senator Bongb

“Digong, I wish you success.”

Ito ang pinakabuod ng talumpati ni Liberal Party standard-bearer Mar Roxas ngayong tanghali ng Martes, May 10.

Dito ay pormal nang tinanggap ng dating DILG secratary ang pagkatalo niya sa presidential race ngayong 2016 elections.

Halos anim na milyong boto ang lamang ng PDP-Laban standard-bearer na si Mayor Rodrigo Duterte sa latest partial and unofficial count ng Comelec-GMA Mirror Server.

Pahayag ni Mar, “Galangin at tanggapin natin ang pasya ng ating mga kababayan.

“Ayon sa unofficial count ng Comelec, malinaw na si Mayor Rodrigo Duterte ang magiging susunod na pangulo ng Republika ng Pilipinas.

“Digong, I wish you success.

“Ang iyong tagumpay ay tagumpay ng ating sambayanan at ng ating bansa.”

Kahit na sumuko na sa laban, nanawagan pa rin si Mar sa lahat ng Pilipino na maging vigilant para sa kanyang ka-tandem na si Leni Robredo.

Neck and neck kasi ang laban ni Leni sa kanyang mahigpit na katunggaling si Senator Bongbong Marcos.

Continue reading below ↓

Sabi ni Mar, “Ngayon, hindi pa tapos ang laban ni Leni. Angat siya, lumalaban siya.

“Patuloy tayong magbantay, manalig at sumuporta.

"Siguraduhin natin na mabibilang nang tama ang kanyang boto.

“At habang ginagawa natin ito para kay Leni, simulan na natin ang pagbuo sa minamahal nating bansa.”

Nauna nang nag-concede kay Duterte ang Team Galing at Puso presidential candidate na si Senator Grace Poe kaninang madaling-araw.

“I’M VERY GRATEFUL.” Hindi rin kinalimutan ni Roxas na magpasalamat sa lahat ng kanyang mga tagasuporta at mga nakasama sa kampanya sa loob ng ilang buwan.

Aniya, “Gusto ko pong magpaabot ng taus-pusong pasasalamat sa mga kababayan natin.

“Sa mga kababyan natin na kumaway, nakipagkamay at kumupkop sa amin ni Leni nangg bumisita kami sa inyong mga lugar, maraming salamat po sa inyong lahat.

“Sa mga nagtiwala, hindi lang sa akin pero pati na rin sa mga prinsipyo na ipinaglaban natin, maraming-maraming salamat po.

Continue reading below ↓

“Sa mga kababayan natin na habang kinakawayan ako, tiningnan ako sa mata sa mata at sinabihan ako na 'God bless you, ipaglaban mo kami, or huwag niyo kami pababayaan,' maraming-salamat sa inyong lahat.

“Salamat sa Pangulong Noynoy Aquino at sa kanyang pamilya, sa ating partido, Partido Liberal at sa kanyang mga kaalyadong partido.”

Nagpasalamat din si Roxas sa kanyang volunteers at sa kanyang asawa na si Korina Snachez.

Sabi pa ni Mar, “Nanindigan kayo, sinamahan ninyo ako hanggang sa dulo, for that I’m very grateful.”

DIWA NG PAGIGING PILIPINO. Sa huli, nais ni Mar na magkabuklod-buklod muli ang mga Pilipinong maaaring nahati-hati nitong nakaraang kampanya.

“Mga kababayan, higit pa sa pagiging supporter o kapartido ng kahit sinong kandidato, Pilipino tayo, maka-Diyos, may pakikitungo at malasakit sa kapwa.

“At naniniwalang lahat ng mahalaga sa buhay ay pinaghihirapan.

“Patuloy nating ipaglaban ang mga prinsipyong ito.

“Ibigay natin ang lahat ng ating makakaya para makamit natin ang ating kolektibong mithiin.

Continue reading below ↓

"Ipakita natin sa bawat salita, sa bawat gawa, sa bawat kilos natin ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino.

“I read somewhere that it is not the battle nor the conquest that we remember most, but the soldier who stood beside us.

“Na tumutuos sa atin who we treasure the most.

“Sa inyong lahat, maraming-maraming salamat po. Hindi ko po kayo makakalimutan.

“Mga kababayan, isang walang kapantay na karangalan na maging tagawagayway ng ating… ng inyong bandila.

“To have carried our flag, to have fought a good fight, to have kept the faith, to have finished the race.

“Maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Mabuhay ang Pilipinas.

“I love you all.”

Read Next
Read More Stories About
Mar Roxas
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Kahit na sumuko sa laban sa pagka-presidente, nanawagan naman si Liberal Party standard-bearer Mar Roxas sa lahat upang bantayan ang mga boto ng kanyang ka-tandem na si Leni Robredo. Neck and neck kasi ang laban ni Leni sa katunggaling si Senator Bongb
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results