Christian Vasquez still waiting on his five-year old divorce

"Gusto ko talaga yung divorce... yun yung inaantay ko." Ito ang naging pahayag ng aktor na si Christian Vasquez nang kamustahin siya tungkol sa divorce case nila ng kanyang non-showbiz wife, na limang taon na niyang hinihintay.


Limang taon na din nilalakad ng aktor na si Christian Vasquez ang kanyang divorce sa dati niyang asawang hindi taga-showbiz.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ng aktor na sa U.S. na naninirahan ang dati niyang asawa, at kasal na ito sa isang American citizen.

"Tumawag siya sa mga bata, nagpaalam.

"Sabi nya, she’s going to get married tapos may mga pictures [na]."

Ano naman ang reaksyon niya dito?

"Wala naman akong pakialam, e," bulalas niya.

"I think siguro na-mention niya [na ikakasal na siya] pero ako naman, hindi ko na matandaan, e.

"Kasi parang, siyempre nung mga time na ’yon, wala na kong pakialam, e.

"Bahala ka sa buhay mo," ang salaysay ni Christian.

Ang nasabing divorce case ay naka-file sa U.S. kung saan naninirahan ngayon ang kanyang asawa. Sa loob ng limang taon ng paghihintay, nabalitaan niya na nagpakasal na ang kanyang asawa

Madami nang pinagkuhanan ng payong legal si Christian nang makarating ang balita sa kanya. Pero ganun pa man, mas ginusto pa din niya na hintayin ang kalalabasan ng divorce nila.

"Gusto ko talaga yung divorce... yun yung inaantay ko.

"Annulment, ang mahal, e. Pag dumating yung divorce niya, ganoon din yung mangyayari.

"Pag nag-file siya ng divorce according to the law, automatic na pwede na rin ako magpakasal.

"Parang hindi na nag-e-exist yung marriage namin."

Bata pa si Christian nang ikasal sila ng kanyang dating asawa. Siya ay 21 years old, samantalang 18 years old naman ang kanyang napangasawa.

Sa tagal na din niyang naghihintay, minsan ay nagkakaroon din ng mga pagdududa ang aktor.

"Honestly, napapaisip din ako, ano na ba talaga ’to?

"Totoo ba talaga yung sinasabi niya (ex-wife) o parang gusto lang nila talagang pahirapan ako?

"Napapaisip ka ng gano’n, e."

Bagamat pwede naman siyang mag-file ng annulment, mas gusto niya daw na pareho nilang maisip ang kahalagahan ng divorce na ito sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para sa akin kasi, annulment pwede kong gawin ’yon na hindi siya mag-cooperate.

"Ang gusto ko, alam naming pareho ’yon. Alam niya na kailangan ko ’yan, alam niya na kailangan niya rin ’yan."

Ayon sa asawa ni Christian, muling na-move ang hearing ng kanilang divorce sa March 12, 2012.

Bagamat naiinip na din sa proseso, ayaw naman ng actor pumunta sa U.S.

"Kaya nga iniisip ko, bakit siya married na? Married na siya tapos walang divorce?

"Pero ayoko naman mag-isip nang mag-isip ng masama sa kanya, kasi baka mali ako," ang sabi ni Christian.

MOVING FORWARD. Kahit pa matagal ang proseso ng divorce, suportado naman daw si Christian ng kanyang dalawang anak.

"Nakikita naman ng kids ko na OK ako, [na] wala namang problema," nakangiting sagot ng aktor.

Dagdag pa dito ang magandang takbo ng four-year relationship niya sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Four years ago lang daw nang ipinakilala ni Christian sa kanyang mga anak ang kanilang magiging bagong mommy.

Kasalukuyan kasi ay nagli-live-in na sila ng kanyang girlfriend kasama ang kanyang mga anak.

"Mahirap yung anak na malalaki na at i-introduce mo doon sa isang tao na mag-aalaga sa [kanila].

"Mahirap, pero natutuwa ako kasi everything’s OK, wala talagang problema."

Dati pa man daw ay nauunawaan na ng kaniyang mga anak ang sitwasyon nilang mag-asawa.

"Since bata sila, lagi naman naming ine-explain na ganoon; na ganito yung mommy niyo at nasa States."

Nakilala na rin ni Christian at ng kanyang mga anak ang bagong pamilya ng dati niyang asawa.

"Two summers ago, dumating yung mommy ng kids dito. Kasama yung husband niya saka yung dalawa nilang anak.

"Ngayon ang sabi ko, para masaya, mag-beach tayo. Tayong lahat. Pumunta kami sa beach sa Iloilo.

"Isang resort tapos meron silang cottage, meron din akong kasama at kasama ko yung mga bata."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging masaya naman daw ang nangyaring outing na ito na magkasama ang dalawang pamilya. They got to know each other and became close.

"Ka-inuman ko yung asawa niya!" natatawang kwento ni Christian.

"Kwentuhan kami. Sabi ko, ’Ok [na] nandito ka, mag-usap tayo kasi darating yung time na yung mga bata pupunta sa inyo sa States.

"’At least, alam mo kung ano ako, alam ko rin kung ano ka, kasi kung hindi, hindi ko [sila] papayagan. Baka saktan mo yung mga bata, di ba?’"

Pero kahit pa hindi sila pormal na hiwalay ng kanyang dating asawa isa lang ang masasabi ni Christian sa ngayon, "Wala namang problema, happy naman ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN