Mia Pangyarihan looks back on her Sexbomb dancing days; says she and Rochelle Pangilinan remain good friends

Former Sexbomb dancer Mia Pangyarihan plays the role of an alabay (apprentice) of a babaylan (priestess) played by Perla Bautista in the epicserye Amaya.


Kahit na raw wala na sa management ni Joy Cancio na Focus E si Rochelle Pangilinan, hindi naman nawawala ang pagkakaibigan nila ng dati niyang kasamahan sa Sexbomb Girls na si Mia Pangyarihan.

Kuwento ni Mia na magbarkada pa rin sila ni Rochelle kahit na iba na ang nagma-manage dito. Wala naman daw nabago sa kanilang pagkakaibigan.

"Hindi naman affected ang friendship namin ni Rochelle. Walang mababago sa pagkakaibigan namin," ang sabi ni Mia sa naging panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong press launch ng Amaya sa Studio 7 ng GMA Network Studio.

"Maayos naman siyang nagpaalam kay Ate Joy at para rin naman sa ikagaganda ng kinabukasan niya ang ginawa niyang iyon.

"Okey naman sila ni Ate Joy at kelan lang magkakasama kami. Si Ate Joy kasi sobrang busy sa trabaho niya sa kabilang channel. Mabuti nga at naisama niya ako rito sa Amaya kaya magkakasama pa rin kami nila Rochelle."

Gumaganap si Mia bilang alabay or apprentice ng isang babaylan (priestess). Ang sinasamahan niyang babaylan ay si Perla Bautista.

Si Rochelle naman ang nemesis ni Marian Rivera, who plays the title role in the epicserye.

Nananatili si Mia sa management ni Joy at wala naman daw siyang reklamo rito dahil tuluy-tuloy naman ang trabaho niya.

"Kung may reklamo naman ako, ipinapaalam ko agad kay Ate Joy. Hindi yung ibang tao pa ang nakakaalam, ’di ba?

"Ako nga ang inakala nilang unang mawawala sa management ng Focus E dahil sa katarayan ko. Pero nasa poder pa rin niya ako. Wala naman akong nakikitang rason para iwan siya," dagdag pa niya.

Inamin ni Mia na nami-miss na raw niya ang dating samahan nila ng original na Sexbomb Girls. Every three months daw kasi ay may bago silang season ng Daisy Siete sa GMA-7. Pero after ng 24 seasons ay nagpaalam na ang afternoon drama show nilang iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat naman kami ay nami-miss ang show na iyon. Kasi doon kami nakilala lahat. Halos lahat ay nakakapanood ng Daisy Siete.

"Doon kami natutong umarte at hindi lang pagkanta at pagsayaw ang alam naming gawin. Kahit na napupuyat kaming lahat, masaya kami kasi sama-sama kaming mga Sexbomb. Isang malaking family kami talaga.

"Oo may panghihinayang na natapos na ang show, pero okey na rin kasi umabot kami ng 24 seasons. Sa six years namin sa show na iyon, nagawa na namin ang lahat, e. Tsaka wala namang ibang show ngayon na umabot ng gano’ng katagal. Kaya happy memories na lang ang hawak naming lahat from Daisy Siete," pag-alala pa ni Mia.

Ngayon raw ay may kanya-kanya na silang mga ginagawa. Inaasahan din naman daw ni Mia na balang-araw ay magkakahiwalay din sila.

"Siyempre naman, lahat ng tao ay nagkaka-edad, ’di ba? Hindi kami exempted doon. Hindi naman buong buhay namin ay sumasayaw kami ng ’Spaghetti’ at ’Bakit Papa.’ Okey iyon kasi bata-bata pa kami noon. E sa edad namin ngayon, parang hindi na cute, ’di ba? Kaya kailangang mag-move on na kami sa ibang mga gawain.

"Tulad nga ni Rochelle, kahit na nagda-drama na siya sa Amaya, may Party Pilipinas pa rin siya. Si Sunshine (Garcia) naman, concentrated siya sa kabilang channel at may drama series siya. Si Izzy (Trazona) naman, nag-asawa na siya at iba na ang gusto niyang gawin. Ako naman, lumalabas pa rin ako sa mga drama series at may negosyo naman akong inaasikaso rin," ani Mia.

"Sila Evette (Pabalan) at Weng (Ibarra), may sarili na silang pamilya at happy na sila sa mga dyowa nila. Si Aira (Bermudez), nagtuturo naman siya ng mga sayaw sa sarili niyang dance studio. Si Jopay (Paguia) lang ang matagal ko nang hindi nakikita at nakakausap. Last ko siyang nakausap ay noong nagde-Daisy Siete pa kami. Pero balita ko ay okey ang business nila ni Joshua (Zamora). Payaman na nang payaman si Jopay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nag-move na kaming lahat talaga. May ibang batch na ng Sexbomb at sila ang nasa kabilang channel ngayon. Okey naman dahil nabibigyan ng chance ang ibang mas bata na sa amin na makilala bilang Sexbomb Girls."

Natutuwa si Mia dahil natupad ang dream ng kaibigan niyang si Rochelle na magkaroon ng sariling bahay. Nakabili si Rochelle ng bahay sa Don Antonio Heights sa Quezon City na nagkakahalaga ng 5.5 million pesos.

"Masayang-masaya ako para sa kanya. Kasi noong active pa kami sa Eat Bulaga! noon, parati niyang nababanggit na balang-araw bibili siya ng magandang bahay. Matagal na nga raw niyang pangarap iyon.

"Natupad naman, ’di ba? Sobrang sipag kasi ’yang si Rochelle. Kahit na may sakit ’yan, sumasayaw pa rin. Kaya hindi malayong matupad niya ang mga gusto niya.

"Ang ganda nga ng bahay niya. Nandoon kami noong house blessing niya tapos birthday pa niya. Sabi ko nga sa kanya na hindi kami dapat paghinaan dahil may kapalit lahat ng mga kasipagan namin.

"Pero kinabog ako ni Rochelle, eh. May bonggang bahay na, may bonggang lovelife pa!" natatawang patukoy ni Mia sa nababalitang karelasyon ni Rochelle na si Arthur Solinap.

"Saan ka pa, ’di ba? Bongga na ang career mo tapos may lalake ka pa! Sino naman ang hindi maiinggit sa kanya, ’di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN