Jolina Magdangal and Mark Escueta are now engaged!

Rivermaya drummer Mark Escueta: "Noong mga nakaraang linggo, dumating na po ang pinakamasayang araw sa buhay ko. At ang simula ng bagong bahagi ng buhay namin ni Jolina. Kaya sa unang pagkakataon, gusto ko pong ipakilala sa inyo ang akin pong magiging butihing...butihing maybahay. Ang tanging anghel na dumating sa buhay ko. Ang akin pong magiging asawa—si Jolina Magdangal."


Kasabay ng selebrasyon para sa 21st anniversary sa showbiz ni Jolina Magdangal sa Party Pilipinas kahapon, June 5, ay ang announcement ng wedding proposal sa kanya ng boyfriend niyang si Mark Escueta.

Ilang linggo na ang nakararaan mula nang mag-propose ang drummer ng bandang Rivermaya kay Jolina, pero kahapon lang nila ito ipinaalam sa publiko.

Pero sa Facebook account nina Jolina, 32, at Mark, 35, hindi napigilan ng dalawa na magpahayag ng kanilang kaligayahan nang mag-post sila noong May 21 na posible pala na makaramdam ng ganoong happiness.

Although, walang binanggit na anumang dahilan o bagay na tinutukoy nila tungkol sa happiness na yun.

FUTURE WIFE. Sa Party Pilipinas, pagkatapos kumanta ni Jolina kasama ang kanyang loyal fans at co-hosts sa show na sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jaya, Rachelle Ann Go, at Kyla, pati na ang mga kaibigan niya simula pa sa Ang TV days na sila Roselle Nava at Jan Marini, ay lumabas na sa stage si Mark.

Dito na inihayag ni Mark na si Jolina ang kanyang magiging "butihing maybahay."

"Bago ang lahat, gusto kong magpasalamat kay Tito Jun at Tita Paulette [Jolina’s parents] dahil trinato nila akong part of the family. Maraming-maraming salamat po.

"Siyempre, sa parents ko rin, maraming-maraming salamat.

"Bago ang lahat, gusto kong mag-congratulate sa ’yo [Jolina]. Talagang hindi po biro ang tumagal ng 21 years.

"Lalo na ang mga fans niya. Alam n’yo kung bakit. Alam n’yo kung bakit tumagal si Jolina ng 21 years.

"Congratulations, mahal. Alam mo na ako ang pinaka-proud sa ’yo sa lahat.

"Alam ko na ang episode natin ngayon sa Party Pilipinas ay tungkol sa mga movies.

"Yung tunay na pag-ibig pala ay hindi lang nangyayari sa mga pelikula.

"At noong mga nakaraang linggo, dumating na po ang pinakamasayang araw sa buhay ko.

"At ang simula ng bagong bahagi ng buhay namin ni Jolina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya sa unang pagkakataon, gusto ko pong ipakilala sa inyo ang akin pong magiging butihing...butihing maybahay.

"Ang tanging anghel na dumating sa buhay ko.

"Ang akin pong magiging asawa—si Jolina Magdangal."

Dito ay hindi na napigilan ng mga tao sa loob ng studio—hosts, staff, at audience—na maging emosyunal dahil sa mga binitiwang salita ni Mark.

Kitang-kita rin sa mukha ni Mark at sa kanyang mga pahayag kung gaano niya ipinagmamalaki at kung gaano niya kamahal ang girlfriend.

BIG BLESSING. Nang si Jolina naman na ang magsalita, magkahalong luha at ngiti ang mababanaag sa kanyang mukha.

"Hindi ko alam kung paano ko ie-explain," simula niya.

"Pero noong time na ginawa niya [Mark] ’to, sobrang hindi ko talaga akalain na mangyayari ’to sa buhay ko and hindi ko akalain...

"Sa totoo lang, hindi ko talaga alam na may magmamahal sa akin ng ganito. Na walang judgment, walang anything.

"At kahit na, siyempre, kapag matagal ka na sa showbiz, nagiging moody ka na, pero siya ang taga-uplift sa akin.

"At saka, siya ang tagasabi na, minsan naiisip ko nega, siya ang nagsasabi ng positive na ’baka ganito, baka ganyan.’

"Marami siyang naituturo sa akin.

"And gusto ko rin mag-thank you sa mga friends naming dalawa na winelcome kami pareho.

"At saka promise ko sa inyo, pati sa parents ni Mark, na mamahalin at aalagaan ko siya habambuhay.

"Akala ko, mararanasan ko lang ’to at may sisigaw na ’cut!’ Pero ito, totoo na."

Ang tinutukoy rito ni Jolina ay ang wedding proposal scenes sa mga pelikula at teleserye niya.

Ipinakita rin ni Jolina ang suot-suot na engagement ring na ibinigay sa kanya ni Mark.

"At ito pong singsing na ito, hindi na po ito accessories!" bulalas niya.

Sinuklian naman ni Mark ang sinabi ni Jolina.

Aniya, "Ako naman, mahal, mamahalin kita hindi lang habambuhay kung hindi araw-araw."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Jolina, "Ito naman ang ise-share ko, naalala ko ang sinabi ni Ate Jaya sa akin dati.

"Malalaman mo na yun na ang taong gusto mong makasama habambuhay kapag lahat ng nasa paligid mo, minsan, sobrang gulo ng mundo mo... Alam mo na meron kang best friend, meron kang kakampi para intindihin ka kahit isandal mo lang ang ulo mo para ma-relax ka.

"Nakita ko yun kay Mark.

"Isa siyang napakalaking blessing sa akin na hindi ko makakalimutan.

"Thank you, Lord."

Wala pang detatlye kung kailan at saan magaganap ang kasal nina Jolina at Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN