Rufa Mae Quinto on her next relationship: "Open ako sa kahit kanino, basta magiging serious."

"Parang natamad na ako, napagod, parang ayoko na muna. Kung sa trabaho nabe-burnout tayo, ganoon din siguro sa puso, hindi ba? Tapos kailangan pa ako ng pamilya ko ngayon," says Rufa Mae Quinto about not falling in love again.


Isang espesyal na birthday party ang ibinigay ni Dr. Manny Calayan sa sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto last June 3.

Ginanap ito sa 7th High sa Bonifacio Global City, Taguig at dito’y nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang manunulat upang alamin ang mga bagong kaganapan kay P-chi (nickname ni Rufa Mae).

Paano ba in-offer sa kanya ni Dr. Calayan na magkaroon ng party, hindi ba’t ayaw niya ng party?

"Nakakatawa nga, sa Twitter lang kami nag-usap. Kasi nga nawala ang cell phone ko.

"Biglang sa tweet-tweet lang, tapos dun nga nag-communicate... Kahit yung iba, dun ko lang in-invite.

"Buti naman dumating kayo!" nakatawang panimula ng 33-year-old actress.

Ikinuwento rin ng aktres kung paano nawala ang kanyang cell phone.

"Nagsu-shooting kami ng Temptation Island, nawala...may kumuha siyempre.

"Nakakahiya mang sabihing ninakaw niya, may kinuha siya," seryosong esplika niya.

Kasama ba nila sa shooting ang kumuha?

"Hindi ko alam kung sino, hindi ko alam kung sino talaga," umiiling na wika niya.

Ano naman ang drama sa outfit niya ngayon, dyosa-dyosahan?

"Wala, parang gusto ko lang gamitin ito. Sabi ko, okey itong effect na ito.

"Tapos, binigyan ako ng lola ko ng kuwintas.

"One hundred years na ito, e, galing pa ito sa Mamang ko, tapos sa lola ko. Then, sa akin, ayun.

"Sabi niya ’wag kong iwawala, ito lang ang ibinigay niya, galing pa sa baul niya.

"Tambourine tawag dito, tapos ito ibinigay niya, kaya thank you," saad niya habang ipinakikita ang antigo niyang kuwintas.

LOLA LUCING. Kinumusta rin ng PEP ang kanyang Lola Lucing.

"Okey na naman siya, she’s very, very strong. Kumbaga, parang...

"Masaya siya, e, naririnig ko nga ingay niya o ang saya-saya niya, nagpa-party.

"Actually, itong birthday party ko, pangatlong beses na ito, e.

"Actually, para sa kanya [Lola Lucing] talaga itong party na ito, e. Inaalay ko sa kanya, tribute.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Biglaan nga lang itong lahat kaya tweet-tweet lang...

"’Kahapon Lamang’ nga ang title ng party’ng ito, kasi nga biglaan ang lahat," pabirong saad pa niya ukol sa ura-uradang party niya.

Sinabi rin ni Rufa Mae na sa June 21 ay 86 na ang kanyang lola, subalit halatang iniinda ng aktres ang health condition nito.

Ano ba ang naging sakit ng lola niya?

"Tanungin n’yo na lang siya, ayokong manggaling sa akin.

"Pero medyo matindi. Pero medyo...colon, tapos... Ewan ko, tanungin n’yo na lang.

"Hindi ko pa talaga kinakausap yung doctor, kasi parang hindi pa ako ready, ayoko munang malaman," sabi niya.

Idinagdag pa ni P-chi na ang birthday wish niya ay para sa kanyang Lola Lucing.

"Oo, para sa kanya ang wish ko, sana good health...

"Kung anuman ang sakit niya ngayon, e, huwag siyang masaktan, huwag niyang maramdaman yung bonggang-bonggang pain.

"Walang pain sana kung anuman," malungkot na tinuran pa ng aktres.

Sa kanya na lang ang pain?

"Huwag din," nakangiting pahayag naman niya.

Marami rin naman siyang pinagdaanang pain, di ba?

"Oo, siyempre, pero ayaw mo na ring magkaroon ng pain, hindi ba, kung puwede naman?"

"MR. M" IS PAST. Sinabi rin niya na wala talaga siyang lovelife sa kasalukuyan.

"Walang special someone, wala, keber-keber lang...

"Wala ring idine-date. Wala e, puro barkada, ganoon lang.

"Tapos na yung mga birthday party ko, so sa lola ko muna ako naka-focus at sa Temptation Island.

"Siyempre kay Dr. Calayan din."

Ano yung na-receive niyang special gift?

"Ito siyempre, nagbigay si Dr. Calayan ng malaking special bag na pang-mayaman.

"Tapos si Candy Pangilinan, nagbigay ng pabangong matagal ko nang hinahanap. Hinulaan lang niya at nahanap naman niya."

Sa mga manliligaw niya, ano naman ang ibinigay nila sa kanya?

"Wala, parang wala naman," matipid na sagot ni Rufa Mae.

Si "Mr M" bumati pa ba sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat naman bumati!" pahalakhak niyang tugon.

Si Mr. M ang codename sa misyeryosong lalake na napabalitang pakakasalan ni Rufa Mae, ngunit hindi natuloy.

Nagkabalikan na ba sila?

"Nino? Ni Mr. M?" tanong-sagot sa amin ni Rufa Mae.

"Busy na po ako sa Temptation Island.

"Past is past. Bagong buhay na, bagong-bago!" nakatawang saad niya na may himig ng pag-iwas.

"Ano pa nga ba, hindi ba? Eto na nga, malalaman natin maya-maya.

"Hindi ko alam kung pupunta, pero maraming darating.

"Abangan n’yo," tila pahulaan niya sa mga taga-press hinggil sa bago niyang suitors.

HAPPY WITH HER CAREER. Ano pa ang gusto niya makuha o mabili lalo na para sa sarili niya na hindi pa niya nakukuha?

"Mabili? Ano nga ba ang gusto kong mabili? iPad na white, tapos cell phone din na iPhone kasi, di ba, nawala, e, luma na yung spare ko.

"Pero happy na ako ngayon. Nagtatrabaho na ako uli, hindi lang sa pelikula at sa TV, pati sa pagpo-produce, talagang pinilit ko."

Ano ang ipo-produce niya?

"Comedy show, siyempre," sagot ni Rufa Mae.

"Pero inaayos pa, pero hindi ko pa alam kung puwede nang sabihin, kasi nga low profile, di ba?"

How does she feel na successful siya sa career, pero hindi ang kanya lovelife?

"Hindi siguro, kanya-kanyang choice lang, hindi ba?

"Hindi naman porke ganito, e, hindi... Pero darating din tayo diyan.

"Hindi naman nagmamadali, hindi ba?"

Isa ba sa pangarap niya ay lumakad din sa altar?

"Oo, pero parang ang dami ko pang gustong gawin.

"Gusto ko pang mag-travel all over the world, gusto ko pang gumawa ng maraming projects.

"Marami, marami pa akong gustong gawin."

BURNED-OUT HEART. Mayroon bang instance na naglagay siya ng time frame na dapat sa ganitong age ay may asawa na siya?

"Oo, noong bata pa ako," sagot niya.

"Pero ngayon, ayoko nang maglagay ng age."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil ba sa hindi na natuloy ang balak niyang pagpapakasal kay Mr. M?

"Oo nga, hindi ba?"

Dahil ba sa pagkaudlot, kaya nawala na sa isip niya yung pagpapakasal?

"Oo, basically, hindi ba?

"Alangan namang isipin ko pa, e, hindi na nga, di ba?" sabi niya.

Pero open ba sa kanyang tumanggap ng manliligaw o magkaroon uli ng boyfriend?

"Open? Hindi ko iniisip yung ligaw-ligawan, pero willing akong makipag-friends.

"Wala naman akong idine-date actually. Pero marami namang nagpaparamdam, mga text-text."

May trauma na ba siyang magmahal ulit?

"Hindi siguro, parang natamad na ako, napagod, parang ayoko na muna.

"Kung sa trabaho nabe-burnout tayo, ganoon din siguro sa puso, hindi ba?

"Tapos kailangan pa ako ng pamilya ko ngayon," wika niya.

Pero eventually, mawawala ba yung pagkapagod ng puso niya kung may darating na Mr. Right?

"Siguro, oo," sagot ni Rufa Mae.

Pero hindi ba’t nasubukan niya nang magkaroon ng boyfriend na taga-showbiz, politician, non-showbiz?

"Open ako sa kahit kanino, basta magiging serious. Basta may puso, serious, honest na tao.

"Tapos alam kong okey naman kami, na kaya ko siyang kasama 24 oras, mahal niya ako....

"Hindi ko alam, basta darating siya."

Importante ba na may pera ang mapapangasawa niya?

"Well, ayoko naman siyang ilibre, hindi ba?" nakatawang sagot niya.

"Siguro KKB [kanya-kanyang bayad], puwede pa!" pahalakhak na saad pa niya.

For a time, hindi ba naging mapagbigay siya sa naging boyfriends niya?

"Ako mapagbigay? Sa family ko, oo, mapagbigay ako. Never naman sa guy.

"If ever nagreregalo rin naman ako, hindi naman laging pakabig, hindi ba?

"Siyempre may mga okasyon na nagbibigay din ako. Nagbibigayan siyempre," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN