Bianca King on playing lead role in Sinner or Saint: "Parang feeling ko I’m just starting—it’s just the start of my career."

Being given the lead role for Sinner or Saint, says actress Bianca King, was both surprising and "humbling."

Sinner or Saint will make its television debut on June 13, after Blusang Itim, on GMA-7.


Maging ang aktres na si Bianca King ay na-impress sa trailer ng pinagbibidahang GMA-7 afternoon drama series na Sinner or Saint.

Sa press conference na ginanap kagabi, June 7, sa Kamayan restaurant sa West Avenue, Quezon City, ipinakita ang ilang eksena ng nasabing serye na kinabibilangan din nina Dennis Trillo, Alessandra de Rossi, Polo Ravales, Matthew Mendoza, Timmy Cruz, Divina Valencia, Jenine Desiderio, Dexter Doria, Kim Komatsu, at Derrick Monasterio.

"Even the script alone makes me cry, it moves me. Seeing the actual outcome now, parang ang bigat!" bungad ni Bianca sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang hingin namin ang kanyang reaksiyon matapos mapanood ang trailer.

Seryoso at nalilinya sa heavy drama ang Sinner or Saint dahil tinatalakay nito kung paano binago ng isang binaliktad na krimen ang kapalaran ng dalawang tao na sa umpisa ay nangangarap ng magandang buhay para sa kanilang kinabukasan.

Kapansin-pansin ang pagtalakay ng mga paksang karaniwang nangyayari sa totoong buhay, katulad ng kahirapan, hindi patas na hustisya, at pagsasantabi ng prinsipyo kapalit ng maginhawang buhay.

"If you will compare our show with, let’s say Nita Negrita, which is the show na papalitan namin, Nita Negrita centers on the story of a young girl. So it’s really lighter and tween yung stars.

"Kami, we’re all very mature actors, we’re all in our 20s.

"Sobrang heavy yung story and it’s very intense—the drama is intense and even the love between the two main characters is very intense," paliwanag ni Bianca.

TOTALLY UNEXPECTED. Kay Iza Calzado unang inalok ang lead role para sa Sinner or Saint, na noong umpisa ay may working title na Sentensyada, subalit tinanggihan niya ito dulot ng mabigat na workload ng aktres. (CLICK HERE to read related article.)

Hindi naman apektado si Bianca kahit pa sabihin ng iba na "second choice" lamang siya para sa drama project na isinulat at nilikha ni RJ Nuevas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iza is one of my dearest friends in showbiz.

"Before I even announced it to my other friends, kaming dalawa muna yung nag-usap.

"I was asking her what happened. And feeling nga namin, between the two of us as good friends, we sort of feel like it’s a victory for us.

"Kasi it makes it even sweeter for me that something my dear friend felt na maybe wasn’t the right project for her at this point, all of sudden went to me.

"So, it’s like through my friend, I was able to get this [project]," paliwanag ni Bianca.

Throughout her stay in show business ay nakilala si Bianca bilang isang kontrabida at supporting actress.

Masaya naman daw si Bianca sa itinatakbo ng kanyang career kaya ikinagulat niya nang malaman na napili siya ng Kapuso management para magbida sa isang serye.

Kuwento ng mestisang aktres: "Hindi ko talaga lubos maisip na at this point of my career, na mapupunta sa akin yung role na ito.

"Kasi I was in the midst of doing Captain Barbell. So, nung dumating yung announcement nga sa akin na nakuha ko yung role, sobrang dumbfounded ako.

"Hindi ako makapaniwala. Hindi ko siya in-expect.

"Siguro mas maganda yung ilang mga bagay na dumating sa iyo na hindi mo ine-expect, kasi humbling experience din siya.

"Aside from being thankful to God, I was humbled as an actor na after seven years of being with GMA, they granted me such a wonderful, wonderful role.

"It’s not even the billing, it’s not the lead, or whatever people would like to call it. But it’s the story, it’s the character that was given to me.

"It’s a dream come true for me na after years of playing the antagonist binigyan ako ng ganitong ka-dramatic na character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ano siya, kumbaga yung mga winorkshop ko, yung seven years ko na pagwu-workshop as an artista, ngayon ko na talaga siya magagamit.

"Parang feeling ko, I’m just starting—it’s just the start of my career."

ROLLING WITH THE PUNCHES. Hindi ba nakaramdam ng pagkainip si Bianca during those years na puro supporting roles lang ang nakukuha niya?

"Not at all!" mabilis niyang sagot.

"I’m so happy with Captain Barbell, and I love my role so much.

"Sa totoo lang, siguro kung I was impatient, I would have switched networks a long time ago."

Aminado si Bianca na merong pagkakataon noon na pumasok sa isip niya ang lumipat ng istasyon at subukang magtrabaho kasama ang ibang artista na hindi pa niya nakasama sa telebisyon.

"Siguro at some point it crossed my mind," pagtatapat ni Bianca.

"But with me kasi, it shouldn’t be the case.

"Sometimes if you love your career, if you love your work, sometimes I guess, I wouldn’t want to say hindi ako naging selfish, pero yung parang naging understanding lang ako.

"I just let things take its natural course, I guess."

Dagdag pa niya, "Pero lately, the past couple of months, sa pakiramdam ko, medyo smooth sailing na yung career ko.

"And I was at that point already na sa sobrang kuntento ko na sa role ko sa Captain Barbell, hindi ko iniisip kung ano yung hinaharap and kung ano yung gagawin ko after."

DOING LOVE SCENES. At dahil nga sanay si Bianca sa mga kontrabida roles ay tinanong ng PEP kung nahirapan ba siyang mag-adjust dahil base sa trailer ay siya na ngayon ang inaapi-api.

"Yung challenge siguro isn’t so much sa parang giving emotions.

"Kasi marami rin naman akong iniipon na emosyon na gusto kong ilabas sa mga eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero it’s more of like yung pag-control siguro nung mukha. Yung default face, kung matatawag, na siyempre pag kontrabida ka kasi, sanay ka na humarap sa kamera na matapang ang hitsura.

"So, may konting paalala lang sa akin na I have to remember na kailangan maaliwalas lagi ang mata, malungkot, mahinhin, malumay.

"Pero ano naman, sa sobrang lakas ng dating nung kuwento, madaling madala lang talaga," paliwanag ni Bianca.

Sa unang pagkakataon din ay pumayag si Bianca na magkaroon ng love scene sa kapareha niyang si Dennis Trillo.

"Siguro isa o dalawang beses na nagkaroon ako ng character noon na may eksenang kailangan ng love scene, napakiusapan ko siya nang maayos sa production na kung puwedeng daya na lang.

"Pagkatapos ng kiss and after mahiga, cut na.

"Choice ko talaga yun kasi pakiramdam ko, hindi pa ako mature dati. Parang bata pa yung isip ko masyado.

"Isang dahilan rin na hindi ko pa maintindihan nung time na yun na bahagi yun ng aming trabaho.

"Dala na rin ng hiya, pagka-immature, takot sa magulang, and takot sa school.

"I think dahil din parang sine-save ko siya para sa tamang role.

"Subconsciously, at the back of my head, parang gusto ko talaga gawin yung love scene para sa tamang project."

Pero willing pa kaya si Bianca na tumanggap ng kontrabida role pagkatapos na lumabas bilang bida sa Sinner or Saint?

"Never naman talaga akong naging picky sa role," tugon niya.

"Ayoko naman na dahil lang may role akong ganito, magiging picky na ako after.

"Pero siyempre, dun sa mga namamahala sa career ko, gusto ko ibigay yung buong tiwala ko.

"Kasi kaya nga po ako lumipat ng manager, kasi gusto ko rin ibigay yung tiwala na ibinigay ko kay Arnold [Vegafria] for seven years."

CHANGE OF CAREER PATH. Pebrero ng taong ito nang magdesisyon si Bianca na magpaalam sa kanyang longtime manager na si Arnold Vegafria at lumipat sa poder ng Icons Celebrity Marketing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan lamang sa mga hinahawakan ng Icons Celebrity Marketing ay sina Ellen Adarna, Andi Eigenmann, Andi Manzano, Nova Villa, at Gloria Romero.

Nilinaw ni Bianca na walang samaan ng loob sa pagitan nila ng kanyang dating manager at naging maayos naman daw ang kanilang naging paghihiwalay.

"I wanted to go down another career path," simpleng pahayag ni Bianca nang tanungin namin ang dahilan kung bakit siya nagpalit ng manager.

"Sobrang naging maganda nga yung usapan namin ni Arnold because pareho kaming nag-agree na matagal na rin yung pinagsamahan namin ng seven years.

"Tapos, sabi ko, sobrang saya na ako dun sa mga nagawa niya para sa akin, at alam kong busy siya dahil marami rin siyang ginagawang ibang bagay.

"So, baka mas makakabuti rin for me kung subukan ko rin naman sa ibang manager, ganun, and he was very happy for me naman."

Binati na ba siya ni Arnold ngayong finally ay bida na siya sa isang serye?

"Hindi pa kami nagkakausap," ngiti ni Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN