Tween Hearts, now on its third season, gets another extension until September 2011

(Top, from left) Barbie Forteza, Bea Binene, Yassi Pressman and Kim Komatsu; (bottom, from left) Joshua Dionisio, Jhake Vargas, Derrick Monasterio and Ken Chan.


Sa kabila ng malakas na ulan dulot ng bagyong Dodong noong Wednesday, June 8, masayang-masaya pa rin ang cast ng Reel Love Presents Tween Hearts sa taping nila sa Casa Milan in Fairview, Quezon City.

Kabilang sa cast na naroon nang araw na ’yon sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Bea Binene, at Jake Vargas, at ang bagong members ng cast na sina Yassi Pressman, Kim Komatsu, at Ken Chan.

Wala sina Joyce Ching at Kristoffer Martin dahil nag-taping muna sila ng Munting Heredera at babalik na lang sa second location nila.

Bumati rin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Gil Tejada, na pansamantalang pumalit kay Direk Gina Alajar dahil nagte-taping naman ito ng epicseryeng Amaya sa Pagsanjan, Laguna.

Kinumusta namin si Direk Gil sa pagdidirek sa tween stars.

"Masaya silang idirek at kahit nagkukulitan ang mga ’yan, kapag eksena na, tahimik na sila at nakukuha kung ano ang hinihingi ng kanilang role," sagot ni direk Gil.

"Binati ko nga sila dahil starting Sunday pala, June 12, start na rin ng third season nila.

"Mahaba na ang itinagal ng kanilang Sunday drama series."

BARBIE & JOSHUA. Iisa naman ang sagot ng tween stars nang tanungin ng PEP kung ano ang feeling na nasa third season na sila.

Ani Barbie Forteza, "Ang saya nga po namin, third season na, parang kailan lamang kami nag-start.

"At sabi po ni Ms. Hazel [Abonita, program manager] at Ms. Mona [Mayuga, executive producer], hanggang September pa raw po kami."

Tinanong din si Barbie tungkol sa isyu na may crush daw ang ka-loveteam niyang si Joshua Dionisio sa young singer na si Julie Ann San Jose.

Nasagot na raw nila iyon sa Showbiz Central last Sunday, kunsaan nag-deny si Joshua.

Inamin naman ni Barbie na si Joshua ang pinaka-close na lalaki sa buhay niya ngayon.

JHAKE & BEA. Napansin naman naming medyo malungkot si Jhake Vargas, kaya tinanong namin siya kung kasama niya ang father niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na po siya sumasama, binabantayan niya ang mommy ko," sagot ni Jake.

May sakit na cancer ang ina ng young actor.

Kinabukasan nga raw ay uuwi siya ng Olangapo para dalawin ang kanyang ina, at nagkataon namang wala siyang taping ng Captain Barbell at shooting ng Tween Hearts: Class of 2012.

Sa story ngayon ng Tween Hearts ay sina Bea at Jhake ang parang peacemaker ng grupo na nagkakaroon ng gusot.

"Oo nga po," pagkumprima ni Bea.

"May papasok nga po ngayon na makaka-love triangle ng sister kong si Bambi [Barbie] at Josh [Joshua], si Ken [Chan] as Mackenzie or Mac.

"Maganda po, exciting na naman ang story nila.

"Ewan po kami ni Jacob [Jhake] kung magkakaproblema rin kami sa story.

"Pero maganda na po ’yong kami ang taga-ayos ng problema nila."

May biro rin kay Bea na may nagbigay raw sa kanya ng flowers mula sa isa sa male tween stars, pero dedma lang siya.

DERRICK & YASSI. Masaya naman si Derrick Monasterio dahil nagkabalikan na sila ni Kylie Padilla (as Heidi) sa story.

"Pero ang mga mommy naman namin ang nag-aaway!" natatawang sabi ni Derrick.

Ang real-life mother ni Derrick na si Tina Monasterio ang gumaganap na ina ni Derrick sa story, samantalang si Rochelle Barrameda naman ang gumaganap na ina ni Kylie.

Dating mag-best friend sina Tina at Rochelle sa story, pero naging magkaaway dahil sa insecurities.

Sabi pa ni Derrick, "Pero thankful po ako na nasa third season na kami.

"Salamat din po na soon ay magre-record na ako sa Warner Music at may bago kaming endorsement ni Kris [Kristoffer Martin]."

Thankful din si Yassi Pressman na nakasama na siya sa Tween Hearts.

Aniya, "Akala ko po ay sa pagsayaw na lang ako sa Party Pilipinas.

"Pero dream ko ring umarte kaya natuwa ako nang ipasok ako dito na ka-love triangle nina Chris [Kristoffer] at Aya [Joyce Ching].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Abangan na lang po nila kung magkakabati na rin sina Chris at Aya, o lalo kong guguluhin ang relasyon nila."

Kasama rin si Yassi sa still untitled danceserye ng GMA-7, at kasama rin siya sa Tween Hearts: Class of 2012.

KIM & KEN. Nag-audition naman si Kim Komatsu sa Tween Hearts at natuwa siya nang makapasa siya para gumanap ng papel ni Angel, na ka-love triangle naman nina Josh at Bambi.

Ang surname daw niya ay mula sa Japanese stepfather niya, at kasama nito ang mommy niya at younger sister sa Japan.

Nasa third year high school na si Kim at natuwa siya na isinama rin siya sa afternoon drama series na Sinner or Saint, kung saan kasama ang favorite actor niyang si Dennis Trillo na gumaganap bilang kapatid niya.

Si Ken Chan naman ay third year scholar ng Tourism sa St. Benilde, pero gusto raw niyang i-try ang showbiz.

Kuwento ni Ken. "Noong una po, ayaw ng daddy ko, pure Chinese kasi siya.

"Pero nakita niya na gustung-gusto kong mag-artista.

"Pumayag na rin siya, pero kailangan ko rin daw balikan ang studies ko.

"Nag-promise naman po ako sa kanya at gusto ko rin namang makatapos ng college."

Tungkol naman sa kanyang role, ito ang sabi ni Ken:

"Nagustuhan ko po ang role ko na noong una ay mayabang ako, pero nagbago ako nang magkasakit ang mother ko sa story at nakilala ko si Bambi.

"Love triangle po kaming tatlo ni Josh."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN