Manny Pacquiao on divorce bill: "Hindi ako agree diyan, sa divorce, hindi maganda yan. Nasa bibliya na... bawal mong iluwa yung nasubo mo na."

May paalala din ang Pambansang Kamao sa mga mag-asawang dumaraan sa pagsubok ang pagsasama.

"Kayo ay ikinasal, hindi kayo sumumpa lang sa harapan ng tao, sa harapan ng pari lamang, kundi sumumpa ka sa harapan ng Panginoon," says Manny Pacquiao.


Matapos pag-usapan ang kanyang mga pahayag laban sa kontrobersyal na RH bill, ang nakabinbing divorce bill naman ang mahigpit na tinututulan ngayon ng People’s Champ at Sarangani Congressman na si Manny Pacquiao.

"Ah hindi ako agree diyan, sa divorce, hindi maganda yan. Nasa bibliya na bawal mong i-ano yung nasubo mo na. Bawal mong iluwa yung nasubo mo na. So napakalaking kasalanan din yun," pahayag ni Manny sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX kaninang hapon, Sabado, June 11.

May paalala din ang Pambansang Kamao sa mga mag-asawang dumaraan sa pagsubok ang pagsasama.

"Kayo ay ikinasal, hindi kayo sumumpa lang sa harapan ng tao, sa harapan ng pari lamang, kundi sumumpa ka sa harapan ng Panginoon.

"Na kapag ipinasa natin yun ay parang tinuturuan natin ang mga tao na ’Maghiwalay na kayo, ganyan. Samantalang puwede pa namang pag-usapan yun, na ibalik sa dati, ganun."

Ilang beses na ring nasangkot sa intriga ang personal na buhay ng ating eight-division world champion.

When asked about his take on President Noynoy Aquino’s lovelife na kamakailan ay pinagpiyestahan ng media, ito ang naging matapang na sagot ni Pacman.

"Yun namang personal ng Pangulo, huwag na nating pakialaman yun. Pagbigyan naman natin siya ng sariling desisyon niya, na makapagdesisyon ng sarili niya.

"Kung tayo daw umibig tapos pagbabawalan tayong umibig, e, di ba hindi magandang tingnan."

Samantala, kamakailan ay iniurong ni Pacquiao ang sinampa nitong kaso laban kay Oscar dela Hoya at sa Golden Boy Promotions.

Kaugnay pa rin ito ng akusasyon ni Dela Hoya na gumagamit ng performance-enhancing drugs ang Pambansang Kamao.

"Mababaw lang naman ang kaligayahan ko, e. Ang hiningi ko lang yung mag-apologize siya para hindi naman masama yung imahe ko... na pangalan ko... mabahiran ng dumi yung iningatan kong pangalan sa boksing."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN