Sam Milby on friendship with KC Concepcion: "Even before we started the movie, close na kami."

Just like in the movie, kaya ba ni Sam Milby magmahal ng isang taong alam niyang mawawala rin sa kanya?

"Siyempre, I think, kahit anong situwasyon, ilalaban mo yun. You’ll fight till the end, no matter what. Si Eugene (the character he plays in the movie), at ako, parehas kaming competitive. Ayaw naming magpatalo. But with Eugene, gusto niya palaging in control. But in life, there are some things you can’t control,&quo


Kung may maganda daw sa bagong team-up ngayon nina Sam Milby at KC Concepcion, ito ay yung friendship nila.

KC and Sam were close friends even before they started shooting Forever and a Day, their latest movie with Star Cinema.

"Even before we started the movie, close na kami," ang sagot ni Sam when asked kung naging close sila ni KC while filming the movie.

Masyado raw makulit ang dalawa at nag-order nga si Direk Cathy Garcia-Molina na huwag mag-usap sa set noong una dahil panay daw ang chika nila.

Kaya kuwento ni Sam na natatawa, "’Yung mga first part po, medyo nahirapan kami."

Matagal na silang magkaibigan ni KC, pero may mga na-discover pa ba sila sa isa’t-isa while doing the movie?

"Kasi we’re close na po. Mahilig siya sa tubig. She loves the ocean," aniya.

Nagpasalamat naman si Sam sa magandang comment sa ipinakita niyang performance kung ang pagbabasehan ay ang movie trailer.

Ayon kay Sam, "Siguro po kung sa lahat ng movies with Direk Cathy, I really gave a lot here and I owe it kay Direk Cathy. And of course, kay KC. And the story is amazing talaga."

Kung dati-rati raw, si John Lloyd lang ang mahal ni Direk Cathy, dahil sa ipinakita ni Sam sa movie, mahal na rin daw niya ito. Direk was all praises for him.

May pressure ba siyang nararamdaman especially since their director has a string of box-office hits na kailangan mapantayan or mahigitan pa nila?

Ang sabi naman ni Sam, "I can comfortably say now, ’No pressure.’ Whether it’s going to be a blockbuster or not, we gave a lot in the movie and I think, that’s the most important.

"I haven’t seen the movie yet. I’ll see the final cut at the premiere night. But I’m happy with everything."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

On the other hand, noon daw, hindi believer si Sam sa mismong tema ng movie nila, that you can fall in love in a day and it’s going to be forever.

Aniya, "Dati siguro sasabihin ko, hindi. Pero siguro with this movie, puwede kong sabihin na oo."

Just like in the movie, kaya ba ni Sam magmahal ng isang taong alam niyang mawawala rin sa kanya?

"Siyempre, I think, kahit anong situwasyon, ilalaban mo yun. You’ll fight till the end, no matter what. Si Eugene (the character he plays in the movie), at ako, parehas kaming competitive. Ayaw naming magpatalo. But with Eugene, gusto niya palaging in control.

"But in life, there are some things you can’t control."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN