Philippine All Stars wins 2011 Dance2Dance competition in Switzerland

Philippine All Stars defeated dance crews from four different countries in the recent Dance2Dance street dance competition held in Zurich, Switzerland.


Isang karangalan na naman para sa bansa ang dala ng Pinoy hip-hop dance group na Philippine All Stars matapos silang hirangin bilang pinakamagaling na grupo sa nakaraang Dance2Dance competition sa Zurich, Switzerland noong nakaraang Hunyo 11.

Ang Dance2Dance ay isang international street dance competition. At ang mga kalahok sa event na ito ay pre-selected na mula sa iba’t ibang bansa.

Ngayong taon, limang grupo ang naglaban-laban, kasama na ang Philippine All Stars.

Ang iba pang kabilang sa kumpetisyon ay ang Most Wanted dance crew ng U.S. na nanalong ikalawang pinakamagaling na grupo.

Ang ibang pang grupong sumali ay ang Urban Angels ng Sweden, FNF ng Poland, at Kroodeetude ng Italy.

Hindi ito ang unang pagkakataon na maipagmamalaki ng mga Pinoy ang Philippine All Star.

Dalawang beses nang itinanghal bilang pinakamagaling na grupo ang Philippine All Stars sa World Hip-Hop Dance Championships noong 2006 at 2008.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN