Phil Younghusband denies having non-showbiz girlfriend while courting Angel Locsin

Azkals player Phil Younghusband has denied the rumor that he already has a non-showbiz girlfriend named KC del Rosario while courting actress Angel Locsin.


Mariing itinanggi ng Azkals player na si Phil Younghusband ang report na may non-showbiz girlfriend na diumano siya habang nanliligaw sa aktres na si Angel Locsin.

Ayon sa lumabas na report, KC del Rosario daw ang pangalan ng non-showbiz girlfriend ni Phil.

Pero ayon kay Phil sa panayam ng The Buzz sa kanya, "There’s no truth to the story."

Dagdag pa niya, "I do not know any KC or we may have been introduced before.

"I’ve already talked to Angel about the rumors and we both know, there’s no truth to it.

"I have spent the last few days of my free time with her before I leave for Germany tonight.

"Thanks for giving me the chance to explain."

Umalis ang Azkals papuntang Germany noong Linggo, June 12, para sa training nila roon.

Sabi pa ni Phil, tatlong babae lang daw ang kasalukuyang nasa puso niya.

"My mom, my sister, and Angel," saad ng Fil-Brit athlete-model.

Pinabulaanan din ng mismong inuugnay kay Phil na si KC ang balita sa pamamagitan ng mensaheng ipinarating niya sa The Buzz.

Ayon kay KC, "I’m still a bit confused on how this issue set off, but we aren’t dating.

"I’ve met him once and that is all. He seems like a nice guy but I don’t know much about him."

Si KC ay ex-girlfriend daw ng Kapamilya young actor na si Matteo Guidicelli.

Hindi naman itinanggi ni Matteo ang kaugnayan niya noon kay KC, pero bago pa raw ang Agua Bendita yun at wala na raw silang kaugnayan ng dalaga.

Wala rin daw alam si Matteo tungkol sa issue between KC and Phil.

Ayon naman sa kapatid ni Phil na si James Younghusband, pareho raw ng school na pinasukan ang kanyang girlfriend at si KC.

Isang beses pa lang daw nakikita ni Phil si KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, nag-beg off naman si Angel na magbigay ng kanyang reaction tungkol sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN