Marco Alcaraz’s wedding with Lara Quigaman is set for next year, but no definite date yet

Marco Alcaraz is one of the 12 celebrities who took a short course in Culinary Arts. The actor admits that, aside from fried dishes, he does not know how to cook.


Next year na ang kasal nina Marco Alcaraz at Lara Quigaman, pero wala pang tiyak na buwan.

"Wala pa, e, kasi nga inuna niya yung younger sister niya na ikakasal sa London ngayong September," sabi ni Marco sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Masama raw kasi ang sukob sa taon na pagpapakasal ng magkapatid.

"’Tsaka kasi yung preparation, tutulong din si Lara, tutulong kami.

"Nag-aaral dun sa London yung kapatid niya. Sina Lara, doon sila nakatira dati sa Bristol.

"Ang mapapangasawa ng kapatid ni Lara, Brazilian-Portuguese, doon naka-base.

"Schoolmate niya dati sa acting school, sa singing, parang theater arts."

Nakausap ng PEP si Marco sa first day of school niya at iba pang celebrities sa culinary class sa Cuisinier Brasserie Studio sa Timog Avenue, Quezon City, kahapon, June 13.

Mabuti at pumayag sila na maunang magpakasal ang kapatid ni Lara, to think na mas matanda si Lara?

"Okay lang naman sa amin," sambit ni Marco.

SISID. Mas maganda ang katawan ni Marco ngayon. Nagpapayat ba siya para sa mga eksenang hubad siya sa afternoon soap ng GMA-7 na Sisid?

"Hayaan na natin yun kina JC [Tiuseco] at Dominic [Roco]!" ang natatawang sagot ni Marco.

"Puro ano lang ako, mga intimate scenes with Alicia [Mayer]."

Happy si Marco na panalo ang Sisid sa ratings.

"Happy ako na nasa afternoon show ako, na isa iyon sa mga strengths ng GMA, yung mga afternoon soap.

"Pressure din sa amin, pero masaya kami na mataas ang ratings namin," saad niya.

CULINARY CLASS. Bakit naisipan ni Marco na kumuha ng Culinary class?

"Nung sinabi ni sir Noel [Ferrer, Marco’s manager] ang tungkol dito, naging interesado kami.

"Next year kasi plano naming magtayo ng maliit na restaurant, kami-kami nina Luis, ni Lara," umpisang kuwento ni Marco.

Kaklase rin ni Marco sa culinary class ang kaibigan niyang si Luis Alandy at ang fiancée niyang si Precious Lara Quigaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Kahit papaano kapag may negosyo ka, mas gusto mo na may alam ka sa negosyo, na hands-on ka, di ba?

"Kapag may restaurant ka, mas credible ka kung marunong kang magluto, di ba?

"’Tsaka may friend kami, si Niña, younger sister ni Liz Almoro na nag-aaral ngayon sa Le Cordon Bleu in Paris.

"Yung chef naman kasi namin dito, yung nagtuturo sa amin, nag-aral naman sa Le Cordon Bleu sa London."

Pagpapatuloy pa ni Marco, "Actually short course lang siya, eight to ten sessions lang, ganun.

"After nito, puwede naming ituloy or i-upgrade kumbaga.

"Tapos, puwede kaming mag-take ng test para ma-certify kami."

Labindalawa silang celebrities na nag-enroll sa naturang culinary school, kabilang din sina Rainier Castillo, Edgar Allan Guzman, Mr. Fu, Andrew Wolff, Shalala, Joseph Bitangcol, Joshua Zamora, Lucky Mercado, at ang Immigration lawyer na si Atty. Mike Templo.

Lahat sila ay talents ni Noel Ferrer.

Pero hindi naman daw sila magkakasama sa iisang klase.

"Hindi naman, half-half, may umaga na session, may hapon.

"Sa umaga kami nina Lara at Luis."

Paano kapag may taping si Marco?

"MWF naman kami dito, then timing din, TThS yung taping namin for Sisid.

"Timing na ’yon lang naman ang ginagawa ko ngayon."

Kapag may out-of-town na trabaho naman, tulad ng mga hosting stints at celebrity basketball games na madalas salihan ni Marco, hindi rin daw maaapektuhan noon ang pag-aaral niya.

"Siyempre, karamihan naman sa raket, gabi naman o hapon, so okay lang.

"Kaya habang hindi pa ganun ka-busy, at least time management lang," saad niya.

COOKING. Mahilig ba siyang magluto?

"Yun nga e, hindi!" tawa ni Marco.

"Hindi ako marunong, kaya at least ngayon matututo.

"Ang alam ko lang mga prito, ganyan. Mga specialty dishes, hindi, e.

"Hanggang prito lang. Kapag mag-iinit lang, sa microwave."

Sino ang nag-influence sa kanya—si Lara o si Marco ang nagyaya sa girlfriend niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, kami, both, e," sagot niya.

"Kaya nga nung nalaman ng partner namin [sa balak na resto business], si Niña Almoro nga, na magluluto...na magku-culinary lessons kami, natuwa naman siya."

Si Lara, kumpara kay Marco, ay medyo may alam sa kusina.

"Marunong siya, pero hindi pa ganun kagaling masyado."

Excited na si Marco na matutong magluto.

"Start pa lang kami talaga today, introduction pa lang, kung anong mga magaganap sa short course namin.

"MWF ito, mga three weeks lang ito, mabilis lang.

"Kapag nag-exam kami, ’yon, magkakaroon kami ng certificate."

Saang dish kaya siya matsa-challenge?

"Mga paella, kung paano siya lutuin, yung ganyan.

"For me lang naman, yung may alam akong basic, at least di ba?"

Natatawa pa nga si Marco nang sabihing kahit mga simpleng pagkaing Pilipino, tulad ng adobo at sinigang, ay hindi niya alam lutuin.

"Wala, prito lang talaga!"

PREPARATION FOR THE FUTURE. Isa pang dahilan kung bakit sila pumasok ni Lara sa cooking school ay...

"Preparation na rin for the future, kapag magkasama na kami, at least may alam kami pareho," sabi ni Marco.

Plano ba nilang ituloy or i-upgrade ang culinary lessons nila?

"Well, depende rin sa schedule din, di ba? Bahala na, depende.

"Kasi pag nagpunta kami sa London this September [for Lara’s sister’s wedding], pupunta din kami sa Paris, magsi-sit-in kami sa kaibigan namin dun sa culinary school, sa Le Cordon Bleu.

"Puwede yun, mahal kasi doon, e, ang sit-in walang bayad."

Sa plano nilang French restaurant next year, lima silang partners sa resto.

Hindi ba mahirap na lima silang magkakasosyo?

"Mas okay nga yun. Kasi si Niña, classmate ni Lara nung high school, magkaibigan sila.

"Tapos kami ni Luis, matagal na kaming magkaibigan."

Equal ang hatian ng puhunan?

"Hindi pa namin napag-uusapan.

"Basta gusto namin na resto, yung mukhang sosyal pero pag tiningnan mo ang presyo, affordable."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mababawasan pa ang pondo nila para sa kasal?

"Hindi naman, inenegosyo nga namin, e, kaya nga magtatrabaho kami," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN