Edgar Allan Guzman dedicates achievements in showbiz to his late father

"Nagpapasalamat po ako sa napakaraming blessings at ngayong malapit na ang Father’s Day, gift ko sa daddy ang limang taong pinagpaguran ko sa industriyang ito. Miss na miss ko na po siya. Sana nandito siya para makita naman niya lahat ng projects na natapos ko," says Edgar Allan Guzman.


Ngayong nagse-celebrate si Edgar Allan Guzman ng ika-limang taon niya sa show business, medyo maganda ang pasok ng taon para sa kanya.

Meron siyang dalawang entries sa Cinemalaya Independent Film Festival 2011: Ligo Na U, Lapit Na Me ni Erick Salud sa New Breed Section, at Bisperas ni Jeffrey Jeturian sa Directors’ Showcase.

Gagawin na rin ang life story ni Edgar sa Star Confessions sa TV5, at magsisimula na rin ang kanyang youth-oriented variety show also with the Kapatid network.

Isa na lang ang wish ni Edgar sa kasalukuyang takbo ng kanyang television career...

"Gusto ko lang talagang maging bahagi ng isang magandang teleserye para maipakita ko ang mga natutunan ko sa mga indie projects ko sa telebisyon.

"Sana matuloy na ito sa tulong ni Sir Perci Intalan [of TV5] at Sir Noel [Ferrer, Edgar’s manager] ko po," pahayag ni Edgar Allan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actor noong Lunes, June 13, sa first day of class niya para sa short course ng Culinary Arts sa Cuisinier Brasserie Studio.

Ayon pa kay Edgar Allan, may gusto siyang pag-alayan ng achievements niya bilang artista.

"Nagpapasalamat po ako sa napakaraming blessings at ngayong malapit na ang Father’s Day, gift ko sa daddy ang limang taong pinagpaguran ko sa industriyang ito.

"Miss na miss ko na po siya. Sana nandito siya para makita naman niya lahat ng projects na natapos ko."

Edgar Allan’s dad passed away bago pa siya sumali sa "Mr. Pogi" contest sa Eat Bulaga! noong 2006. Sa Hong Kong namatay ang ama niya noon dahil sa aneurysm.

FUTURE CHEF. May kinalaman din ang yumaong ama ni Edgar Allan sa pagkuha niya ng culinary class kasama ang iba pang talents ng kanyang manager na si Noel Ferrer.

Aniya, "Gusto ko ring ipagpatuloy ang pangarap sa akin ng daddy ko na tapusin ang pag-aaral ko, kaya heto, nagku-Culinary Arts course na ako dahil gusto ko nang maging chef noon pa man."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa itong 6-day intensive basic program na gusto niyang ituluy-tuloy hanggang makakuha ng TESDA accreditation bilang certified chef.

"Matagal ko nang pangarap ang maging chef. Maliban sa pagiging artista at performer, gusto ko talagang maging basketball player at chef," saad niya.

Ang iba pang celebrities/budding chefs na nag-enroll sa nabanggit na culinary school ay sina Marco Alcaraz, Precious Lara Quigaman, Rainier Castillo, Luis Alandy, Mr. Fu, Andrew Wolff, Shalala, Joseph Bitangcol, Joshua Zamora, Lucky Mercado, at ang Immigration lawyer na si Atty. Mike Templo.

May tinitingala si Edgar sa larangan ng culinary—ang young superstar na si Judy Ann Santos.

"Na-inspire talaga ako sa idol kong si Ate Juday na isang magaling na chef.

"Hindi ko malilimutan na ipinagluluto niya kami noon nung nasa U.S. kami [for a show for the Filipino community].

"Pamatay ang adobo niya talaga!

"At nung ginagawa namin yung Lady Dada ni Kuya Ryan [Agoncillo], lagi siyang may baong pagkain na luto ni Ate Juday na isine-share sa amin ni Kuya Ryan.

"Basta, kapag marunong na akong magluto, lulutuan ko sila ng masarap na kare-kare, na paghihirapan at sasarapan ko talaga," nakangiting sabi pa ni Edgar Allan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN