German Moreno mourns the death of his only sister

Mrs. Pilar Moreno Nite, the sister of veteran TV host German Moreno (right) and mother of John Nite (left), passed away last June 13 in Los Angeles, California. Her remains will be brought to the Philippines where she will be laid to rest.


Nagluluksa ngayon ang magtiyuhing German "Kuya Germs" Moreno at John Nite dahil sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay na si Pilar Moreno Nite.

Si Pilar ay kapatid ni Kuya Germs at ina naman ni John.

Pumanaw ito noong hapon ng June 13 sa Los Angeles, California dahil sa stroke.

Sa interview ng In The Limelight na ipinalabas kagabi, June 15, sa GMA News TV Channel 11, inihayag nina Kuya Germs at John ang kanilang pagdadalamhati.

"Siya na lang ang naiiwan na kapatid mo, tapos nawala pa," malungkot na sambit ni Kuya Germs.

"Pero talagang ganyan ang buhay, hindi mo alam kung ano ang darating.

"Pero alam ko naman na nasa ating Panginoon na siya."

Napakabuting kapatid daw ni Pilar.

"Naaalala ko nga nung kabataan niya, lagi siyang Reyna Elena sa mga Santacruzan namin doon sa lugar namin.

"She was a very, very good sister. Wala akong masasabi talaga.

"Yung pagki-care namin, nandodoon talaga yung pagmamahalan namin.

"I will miss her a lot," saad ni Kuya Germs.

Hindi naman mapigilang maging emosyunal ni John Nite sa pagkamatay ng kanyang ina.

Ayon kay John, may nakahanda pa naman sana siyang regalo para sa ina ngunit hindi na niya ito naibigay.

"Mahirap sabihin yung ’Okay na, you can go.’ Mahirap talaga.

"And the past three weeks talaga, laging siya ang iniisip ko.

"Bumili ako ng alahas para sa kanya. Actually, nandito pa nga sa akin yung alahas," aniya.

Sabi ni Kuya Germs, nakatakdang dalhin ang mga labi ni Pilar dito sa Pilipinas at iburol sa Mount Carmel sa New Manila, Quezon City.

Ililibing ang kanyang kapatid sa tabi ng puntod ng asawa nito, ama ni John, sa Loyola Memorial Park.

Sabi ni John, "Actually, may wake na rin doon, e, [sa Amerika] bago siya dalhin dito.

"Siguro iaano lang na one or two days viewing bago dalhin dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thank you po sa prayers, sa lahat po ng mga nag-text, tumatawag at mga nakikiramay."

Ilang linggo bago ang pagkamatay ni Pilar ay kumalat ang maling balita tungkol sa pagkamatay umano ni Kuya Germs.

Matapos itong pabulaanan ni Master Showman nakalulungkot lang na ang kapatid pala niya ang papanaw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN