Boots Anson Roa on Mowelfund: "It’s an advocacy; debosyon ito, hindi hanapbuhay."

Mowelfund’s Board of Trustees and Officers: Seated from left, National Artist for Film & Broadcast Arts Director Eddie Romero, Executive Director Boots Anson Roa, Chairman Emeritus Joseph E. Estrada, andChairperson Marichu Perez Maceda. Standing from left, Director Edgardo Vinarao, Actor Rez Cortez and Julius Topacio.


Isang personalidad sa local showbiz who needs no further introduction, sabi nga, ay ang multi-awarded actress, socio-civic leader, university professor/lecturer, journalist, at radio personality na si Ms. Boots Anson Roa.

Kilala si Boots Anson Roa ng publikong tumatangkilik sa pelikula, telebisyon, tanghalan at iba pang medyum ng sining at kulturang Pilipino.

Ang ambag niyang talento sa pagganap, paghu-host sa TV, pagsasalita sa radyo, o anupamang gawaing makasining, ay napansin at sinubaybayan, sa humigit-kumulang limang dekada na ngayon, simula noong 1960s.

Pero kinikilala at binibigyan ng mataas na pagtuturing ng lahat na may kaugnayan sa industriya ng pelikulang Pilipino, sa ngayon, ang katungkulan ni Boots Anson Roa, bilang Trustee at Executive Director ng Mowelfund (Movie Workers Welfare Foundation), Inc.

"For nine years! It’s an advocacy. Debosyon ito, hindi hanapbuhay. Hindi source of livelihood for me" sabi ni Ms. Boots sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, Hunyo 14, sa Pan Americano Restaurant (along Katipunan Road, Quezon City).

"The industry has been good to me and this is one way of paying it back. I’m on honorarium basis. For nine years, ito’y dala ng pagpapasalamat ko sa industriya," dagdag ni Boots.

"Mabait ang Diyos, kasi kahit naman [on] honorarium basis lang ako dito, hindi naman ako nawawalan ng indie assignment, film assignment, radio assignment, kung saan... yun yung hanapbuhay ko talaga. Yung television and radio.

Sa kasalukuyan nga’y sinusubaybayan ang mahalaga niyang partisipasyon, bilang isa sa mga pangunahing tauhan ng top-rating teleserye ng ABS-CBN, ang Minsan Lang Kita Iibigin.

Sa radyo, regular namang napapakinggan sina Ms. Boots at comedian Willie Nepomuceno, sa programang Music and Memories ng dzMM (radio station ng ABS), tuwing Linggo, ika-3 hanggang ika-5 ng hapon.

"Masasabi natin na most of my time, a lot of my time, is given to Mowelfund.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero okey lang ’yon. Kasi, nakikita naman natin na, through the 37 years of Mowelfund, marami itong natulungan and it continues to help," pahayag din ni Boots.

GALA MUSICAL TRIBUTE. Meanwhile, more than 90 years of Philippine cinema, as an industry, ang ipinagdiriwang ng mga namumuno at kinatawan nito, at ng mga kaalyadong grupo sa iba pang sangay ng industriya at sining.

Bilang selebrasyon, isang malaking produksiyong musikal, pinamagatang Pinilakang Tabing: Handog sa Pelikulang Pilipino, ang inihanda ng mga ahensiyang ugnay sa pagpapasulong ng sining at kulturang Pilipino.

Sa pangunguna ng Mowelfund, kasama ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), Cultural Center of the Philippines (CCP), at TV5, ang Pinilakang Tabing ay may layunin ukol sa pagpapalaganap ng ibayong kaalaman at paglikom ng kaukulang pondo para sa preserbasyon ng ating pambansang kasarinlan ukol sa pelikula.


May bahagi rin sa produksiyon ang SOFIA (Society of Filipino Archivists for Film), "because of the archiving component," ani Boots.
Itatanghal ang gala musical sa CCP Tanghalang Nicanor Abelardo (Main Theater), sa June 22, 2011.

Tampok dito ang maraming mga sikat at talented performers ng pelikula, telebisyon at tanghalan.

Mga producers, filmmakers and members of the movie industry will give testimonies, led by National Artist Eddie Romero, and industry leaders, kabilang sina Boots Anson Roa at Dr. Raul Sunico, ng CCP, mga aktor-pulitiko, including former President Joseph Estrada, Sen. Ramon "Bong" Revilla, Jr., Sen. Jinggoy Estrada, and business mogul, Manny V. Pangilinan, of TV5, who will render onstage narrations.

Ang musical production ay ugnay sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino: mula sa film version ng sarswelang Dalagang Bukid, hanggang sa post-war films, 1950s studios in the 1st Golden Age of Philippine Movies, mga love teams sa pelikulang Pinoy, at ang ginintuang panahon ng Cebuano Cinema.

Mula sa era ng socially relevant films, kabilang dito ang 2nd Golden Age of Philippine Movies, in the 1970s, hanggang sa pagdating at pamamayagpag ng mga "indie" films sa kasalukuyang panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


May partisipasyon din ang lehitimong performing companies sa bansa, tulad ng Tanghalang Pilipino, Hail Mary the Queen’s Choir, Ballet Philippines, at Philippine Philharmonic Orchestra (PPO).

’CENTENNIAL YEAR’ PREVIEW. As Mowelfund Executive Director, Ms. Boots has high hopes for the project, bilang simula ng mas malalaking proyekto, para sa pagpapasulong ng industriya ng pelikula sa bansa.

"Sana magpatuloy, kasi hindi birong mag-mount ng ganito kalaking produksiyon. We hope to be able to raise funds, pero not through ticket sales. Invitational, e," aniya.


"Meron din namang mag-i-sponsor, kaya lang marami ding gastusin. First and foremost, sana ma-defray naman yung budget, yung gagastusin, yung mga itutulong ng sponsors."

Isa rin bang paghahanda ang gaganaping Gala musical event sa ika-100 taon, o Centennial of Philippine Movie industry?

"Tama. We’re eight years into that, so we hope that there will be other positive development.

"Paghahanda siguro. It’s a preview," sambit din ni Ms. Boots.

MOWELFUND, IN RETROSPECT. Founded in 1974 by then San Juan Mayor and President of the Philippine Motion Pictures Producers’ Association (PMPPA) Joseph Estrada, ang Mowelfund, Inc. ay isang non-stock, non-profit social welfare, educational and industry development foundation for the small, or less privileged, underpaid movie industry workers.

Bahagi ng undertaking ng Mowelfund, para sa industry development, ang pag-expand ng dating Manila Film Festival (MFF) in the mid-1960s, to the now popular Metro Manila Film Festival (MMFF), starting in 1975.

Gayundin ang ang pag-rationalize sa movie industry by creating agencies, like the Film Academy of the Philippines (FAP), under Leo Martinez, Director-General; with sub-agencies like the Anti-Film Piracy Council and the Optical Media Board (OMP) headed by Ronnie Ricketts.

Gayundin ang pag-reorganize ng dating Board of Censors, sa kasalukuyang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), under Chairperson Ms. Mary Grace Poe Llamanzares.

Sinasabing may malaking bahagi rin sa pagkakatatag ng Mowelfund, sa mga unang taon nito, ang yumaong aktor, direktor at prodyuser na si Fernando Poe, Jr., na naging matalik na kaibigan ni dating Pangulong Erap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At about that time, si Boots Anson Roa ay isa rin sa perennial leading ladies nina FPJ at Erap; aktibo siya sa paggawa ng mga pelikula at paglabas sa telebisyon; at paminsan-minsan, sa mga piling dulang pang-entablado.

ACHIEVEMENTS. Simula noong 2002 ay pinangatawanan na ni Boots Anson Roa ang pagka-appoint sa kanya sa kasalukuyang posisyon, sa Mowelfund. Nabiyuda siya noong 2007, sa pagyao ng kabiyak na si Pete Roa, dating media practitioner at network executive, na naging co-host din ni Boots noon, sa Dance O’Rama sa ABS-CBN in the ’60s.


Pero hindi natinag ang mahusay at disiplinadong industry leader. Maging ang hindi niya pagkaluklok sa Senado, sa 2004 national elections, ay hindi naging sagabal sa ginagawang paglilingkod-bayan ngayon, sa ibang pamamaraan.


On the side, Boots writes and shares interesting feature stories and personal anecdotes and views, be it about her stint in showbusiness, marriage and family, and even politics; or about life, in general.


Much was also written about Boots Anson Roa’s personal and professional triumphs, including her success in marriage and family life (a fulfilled mother of four, and now a grandmother; despite marrying at age 18, until her husband died of a terminal illness).


More than her achievements as an actress, Boots Anson Roa was recipient of the prestigious TOWNS (The Outstanding Women In the Nation’s Service) Award, in 1974; and was also given the Ulirang Artista Lifetime Achievement Award by the local press group, PMPC (Philippine Movie Press Club) in the 2001 Star Awards for Movies.

Time and again, she has proven her acting mettle by winning acting awards; from the FAMAS (Filipino Award for Movie, Arts and Sciences) and PATAS (Pambansang Akademya sa Telebisyon, Agham at Sining); and countless nominations for acting excellence, from practically all existing awards-giving bodies.

PAYING BACK. Isa ring guro sa sining ng komunikasyon at kaugnay na aralin si Ms. Boots, o Ma. Eliza Cristobal-Anson Roa. Naging miyembro siya ng faculty ng University of the Philippines (UP), kung saan siya nagtapos ng kursong Bachelor of Arts (AB) major in Speech and Drama; ng Dela Salle University (DLSU) at Ateneo de Manila University (ADMU).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Another way of paying back the industry is [through] teaching. I’ve been teaching for 10 years, sa Ateneo."


"This is a way of paying back by making the industry and its nuances known to the public," pahayag pa ni Boots.


Naniniwala siyang may mahalagang bahagi ang Mowelfund sa pagtanaw sa kapakanan ng maliliit na manggagawa sa industriya.

"It’s the small industry people, really [that we’re looking after]," sabi rin niya.


"Meron naman tayong social welfare department doon; naka-tie up din with... DSWD (Department of Social Welfare and Development); and programmed naman ang pagbibigay ng benefits.


"Kung hindi seryoso ito, hindi ito tatagal ng 37 years," dagdag pa ni Boots, na walang nili-limit sa sarili sa commitment niya sa serbisyo publiko, through Mowelfund.


"Pasalamatan din natin ang Board of Directors [ng Mowelfund], headed by Marichu Vera-Perez Maceda, as Chairperson; Director Eddie Romero, as Vice-Chairman, Director Josefino Cenizal, Director Boy Vinarao, [actor] Rez Cortez, and Chairman Emeritus, Joseph E. Estrada."


Sa naturang presscon ay hindi nakadalo si Ms. Marichu Vera-Perez at Director Eddie Romero (National Artist for Film).


Buo naman ang suporta ng mga project partners ng Pinilakang Tabing, represented by Mr. Ed Maranan ng FDCP, Dr. Raul Sunico, CCP President, at Director Chris Millado, ng CCP-Tanghalang Pilipino (TP).

Ms. Vicky Belarmino of CCP and Mr. Emilio "Toby" Dollete of Mowelfund acted as emcees of the Pinilakang Tabing presscon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN