Carla Abellana gets surprise visit from dad Rey "PJ" Abellana on fans’ day

Eksakto na bago mag-Father’s Day ay nagkasama si Carla Abellana at ang ama na si Rey "PJ" Abellana. Naiyak ang dalaga sa tuwa.

"Pinaka-surprising kasi, hindi ko talaga ini-expect na makakapunta si Papa at makakasama ko siya rito. Hindi ko ini-expect na naimbitahan pala siya sa fans’ day ko. Iyon ang pinaka-the best. It’s the best part of my fans’ day. I am so happy!" Carla says.



Nagkaroon ng katuparan ang mga hiling ni Carla Abellana na pinagdasal niya noong kaarawan niya last June 12. Nakasama niya ang kanyang amang si Rey "PJ" Abellana sa naganap na fans’ day niya last June 17 sa SM North Edsa.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carla, sinabi nito na hindi niya inaasahan na sosorpresahin siya ng kanyang ama. Kelan lang ay naikuwento niya na matagal na niyang hindi nakakasama at nakakausap ang ama dahil sa sobrang busy niya sa taping ng Magic Palayok at sa shooting ng bagong pelikula.

Eksakto na bago mag-Father’s Day ay nagkasama sila kaya hindi maiwasan ni Carla na maiyak sa tuwa.

"Pinaka-surprising kasi, hindi ko talaga ini-expect na makakapunta si Papa at makakasama ko siya rito. Hindi ko ini-expect na naimbitahan pala siya sa fans’ day ko. Iyon ang pinaka-the best. It’s the best part of my fans’ day. I am so happy!

"Nahiya ako humarap sa mga tao kasi naiyak ako. Nakita ko ulit si Papa kaya na-surprise ako, so niyakap ko siya agad. Naiyak talaga ako."

Kung matatandaan ay nagkaroon ng konting ’di pagkakaunawaan ang mag-ama at na-involve pa rito ang karelasyon ni Carla na si Geoff Eigenmann.

Pero naayos naman raw ang lahat dahil pinagdasal daw ito ng aktres.

"I think we are better now than before. Siguro kasi pumasok na ako sa showbiz, mas nakaka-relate na ako sa daddy ko in terms of trabaho, sa hirap ng buhay and working for the family and all that.

"And since we are in the same industry, mas naging close kami sa isa’t isa. Yung problema, normal naman iyon. I guess we have gotten past all that. We are, after all, family," aniya.

Inamin ni Carla na since naging busy siya sa showbiz ay nawalan din siya ng oras at panahon sa kanyang ama at sa mga kapatid niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas may time na ako ngayon kesa before. I make sure that I really have time for my dad at para sa mga sisters at brothers ko.

"Siguro dahil super-busy ako kaya nalulungkot si Papa kasi hindi na niya ako nakakausap. Pero talagang I make sure that I have time for them hangga’t meron naman talagang oras."

Nag-reminisce si Carla ng mga magagandang memories niya with her dad noong bata pa siya.

"Habang lumalaki kami ng Ate ko, dinadala niya kaming magkakapatid sa Bulacan tapos nagfi-fishing kami doon. First time kong mag-fishing. Dami kong natutunan doon. Adventure talaga siya. One of the things na hindi ko makakalimutan na ginagawa namin ng daddy ko."

Paulit-ulit raw ang advice ng daddy ni Carla sa kanya.

"Parati niyang sinasabi sa akin na huwag kalimutang magpasalamat sa Diyos lagi. Maging mabait sa lahat ng tao. Si Papa kasi, sa pagkaka-alala ko, gano’n siyang tao. Kaya tama lang na sundin ko ang mga advice niya."

Hindi makakasama ni Carla ang kanyang ama sa mismong Father’s Day dahil may trabaho ang aktres. May shooting raw siya sa Pagsanjan, Laguna para sa pelikulang Asiong Salonga at kinabukasan na raw siya makakabalik ng Manila.

"Nagkataon kasi na Father’s Day, may shooting na naka-schedule. Monday na ako matatapos. Kaya I promised my dad na next weekend na kami mag-celebrate. I think mas libre ako next weekend. Babawi talaga ako sa kanya.

"Kaya tama lang na dumating siya sa fans’ day ko kasi baka hindi kami magkita until next week. Natuwa rin si Geoff kasi dumating si Papa. Okey naman sila ni Papa, e." diin niya.

Wala raw maisip pang regalo si Carla para sa kanyang ama kaya next weekend na raw siya makakabigay ng Father’s Day gift dito. Pero sobrang na-appreciate niya ang bouquet of flowers na regalo ng kanyang ama sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa akong naiisip na pang-regalo kay Papa. Pero next weekend, meron na akong maibibigay sa kanya.

"Natuwa naman ako sa regalo ni Papa sa akin for my birthday. Malaking bagay na sa akin na nandito siya tapos may regalo pa siya. His presence is more important than any material thing.

"Like I always say, my dad is always there for me and sa tagal na hindi kami nakapag-usap at nagkita, I am so happy to see him. My dad always reminds me that he loves me very much and that he supports me sa lahat ng gawin ko. That is the best birthday gift ever!"

At ang Father’s Day wish ni Carla para sa kanyang ama...

"Papa, I love you very much. Thank you for surprising me at my fans’ day. Although I will not be here this Father’s Day weekend, babawi na lang ako pagbalik ko kapag hindi na ako busy. I love you, thank you so much for all the love and support. Happy Father’s Day!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN