Singer Duncan Ramos plans to bolt out from Genesis; loveless now after breakup from Jinkee Pacquiao’s twin sister

"Kasi dati pa, nagsabi na ako sa kanya na kapag ako nagkaroon ng first show, sana maging guest din siya, and sabi niya, ’Yeah, of course.’ So, sana lang, mas maganda kung nagkaroon ng kahit kaunting support man lang," says Duncan Ramos about not having Gary Valenciano as guest on his first concert, June 25.


Disappointed si Duncan Ramos dahil hindi natupad ang usapan nila noon ni Gary Valenciano na magge-guest ito sa kauna-unahang concert niya sa June 25.

Ang manager ni Duncan ay si Angeli Pangilinan-Valenciano, co-founder ng Manila Genesis Entertainment & Management Inc. at misis ni Gary. Madalas na guest sa mga nakaraang concert ni Mr. Pure Energy si Duncan.

Siyam na taon pa lang siya noon ay nakakasama na niya si Gary V kaya wish din ni Duncan na maging bahagi ito ng unang concert niya.

"Gustung-gusto ko po siya talagang maging guest," sabi ni Duncan sa PEP.ph (Philippine Enterrainment Portal).

"Dapat po talaga, guest ko siya. Hindi ko po alam kung bakit hindi natuloy, hindi ko po talaga alam.

"For some reasons, hindi po pumuwede si Gary. Ang sabi may show siya abroad pero nakarating na, e."

Nakausap ng PEP si Duncan sa presscon ng kanyang concert na Unleashing the Knight.

Masama ba ang loob niya kay Gary o sa Genesis?

"Hindi naman tampo, siguro ano lang...paano nga bang tawag dun?

"Kasi dati pa, nagsabi na ako sa kanya na kapag ako nagkaroon ng first show, sana maging guest din siya, and sabi niya, ’Yeah, of course.’

"So, sana lang, mas maganda kung nagkaroon ng kahit kaunting support man lang," sabi ni Duncan.

Sobrang pinaghandaan daw kasi ni Duncan ang June 25 concert niya sa Zirkoh Tomas Morato dahil ito ang first solo show niya since Southborder days.

"Sinabi ko naman sa kanila, two months ago pa.

"Pero ganun talaga. Life goes on," aniya pa.

Noong hindi puwede si Gary V, hindi ba nagkaroon ng back-up performer for him ang Genesis?

"Wala," malungkot niyang sagot.

Nagulat din si Duncan nang tanungin kung after ng kanyang concert ay aalis na ba siya sa Genesis.

Nabanggit niyang nag-email na raw siya the previous night kay Angeli na ini-inform na aalis na siya sa pangangalaga ng Genesis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko lang, nothing personal, and sana maintindihan nila that this is about work," pagtatapat niya.

At press time, wala pa raw sagot si Angeli sa e-mail niya and willing naman daw siyang makipag-meeting nang harapan para pag-usapan ang mga bagay-bagay.

Samantala, isang PEPster naman ang nagsabi sa PEP na noong gabing iyon ay main performer daw ng corporate event ng Accenture ang Mr. Pure Energy.

Anyway, dahil hindi pumuwede si Gary V ay kaagad kinontak ng producer ng naturang concert si Ai-Ai delas Alas para maging guest ni Duncan. Laking pasasalamat naman nila na hindi sila nagdalawang-salita sa Comedy Concert Queen.

Bukod kay Ai-Ai, guests din ni Duncan sina Luke Mejares, Jimmy Bondoc, fellow ASAP Sessionistas na si Sitti, Gem Ramos, Prima Diva Billy, and the singing General Benjie Belarmino Jr.

"Nasanay kasi ako as a team player sa banda, sa Sessionistas... I think it’s time for me to show na hindi lang ako kumakanta, I also dance, so we’ll have bigproduction numbers for this show," sabi ni Duncan.

Bukas ang PEP kung may nais ipahayag sina Gary at Angeli sa mga naging pahayag ni Duncan.

LOVELIFE. Samantala, buong ningning na sinabi ni Duncan na loveless siya after ng pakikipagrelasyon niya kay Rufa Mae Quinto at sa kakambal ni Jinkee Pacquiao na si Janet Jamora.

"Friends pa rin kami," sambit ng singer.

"Si Rufa Mae got tickets for the show. Si Janet, naging kami, but now...

"Mabait siyang tao, madaling mahalin, but because of our busy skeds now, lagi akong umaalis, we just hang out as friends.

"Manonood po siya, sila yata lahat, pati si Jinkee. Ewan ko lang po si Manny [Pacquiao], pero sana."

Hindi ba niya naisip i-guest sa concert niya ang ex niyang si Rufa Mae Quinto?

"Di ba, ikakasal na siya? Okey naman kami. Wala kaming naging away," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN