Alex Gonzaga learns to step out of her comfort zone because of Babaeng Hampaslupa

"Mas proud ako dahil yung mga efforts ko, napapansin ng mga tao kahit papaano," says Alex Gonzaga about being a Kapatid.


Dahil sa pagpirma ni Alex Gonzaga sa Viva Films, posibleng hindi na matanggap ang film offers mula sa ibang movie companies na interesado siyang kunin.

Biro nga sa kanya ng ibang entertainment press na bumisita sa pilot episode ng Hey Saberdey! noong Sabado, June 18, hindi ba siya nakakaramdam ng panghihinayang dahil sa pag-e-enumerate sa kanya ng iba’t ibang title ng movies, some are remakes, na puwedeng pasok ang character niya?

"Actually, hindi ko nga alam, e!" natatawa niyang sabi.

"Basta ako po, masaya po ako sa Viva.

"First time ko po yun na ano... At saka, ang Viva ang first time na nag-offer sa akin ng movie."

Ano ba ang una niyang movie na gagawin?

"Puro nag-aayos pa po ng contract, kaka-sign ko pa lang po three weeks ago," sagot niya.

"Marami silang plano, pero nag-aayos pa lang po ng script.

"Sabi naman po, baka this year din daw po kung may gagawin ako na mag-showing.

"Although, sa ngayon, wala pa rin naman po akong time dahil may school pa ako, may Juicy, may Babaeng Hampaslupa, tapos may Hey, It’s Saberdey! rin po."

KAPATID. Biniro naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex na takot ang Kapatid network na bigyan siya ng bakanteng araw sa dami ng shows niya.

Natawa naman si Alex sabay sabing, "Hindi naman po!

"Masaya naman po ako kasi konti pa lang naman kaming mga artista nila rito kaya niyu-utilize nila kaming lahat dito sa TV5.

"Kaya mas masaya ang mga artista, mas masaya kami rito."

Mas nararamdaman ba niyang siya talaga ang "prinsesa" ng TV5?

"Hindi!" natatawa pa rin niyang sagot.

"Siguro mas nararamdaman ko na mas proud ako sa mga ginagawa ko ngayon kasi mas napapansin, mas nabibigyan ng rekognisyon.

"Kaya mas proud ako dahil yung mga efforts ko, napapansin ng mga tao kahit papaano."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TV5 SHOWS. Ang bagong show ni Alex ay isang youth-oriented variety show. Nag-pilot nga sila noong Sabado ng alas-onse ng umaga.

"Masaya ako dito kasi ito yung time na makakasama mo, makaka-bond mo yung mga kasama mo sa network.

"Kasi sa [Babaeng ] Hampaslupa...hindi naman lahat sila, I mean, hindi naman lahat ng bagets sa network, puwede mong makasama sa isang show.

"So, happy lang na may isang show na cool-cool lang."

Speaking of Babaeng Hampaslupa, ano ang mga nakita niyang nabago ng dramaserye sa kanya?

Ayon kay Alex, "Ang mga nabago sa akin, siguro yung ano, yung impression ko sa showbiz na hindi lang siya basta-basta.

"Kasi dati, ang impression ko sa showbiz, parang laro-laro lang. Host-host ka lang.

"Kasi yung mga nakukuha ko namang proyekto noon, kung ano ako, so hindi ko pinag-aaralan.

"Kunwari ang character mo, kikay ka, babaeng bakla, so kaya ko na yun.

"Hindi na ako masyadong nagbabasa ng script, nagpi-prepare, walang ganoon.

"Tapos ang mga binibigay pa sa aking role, support-support.

"Tapos ngayon, makikita mo ang mga kasama mo, mga bigating veterans, makakasama mo silang lagi sa eksena.

"Tapos lahat ng mga bagong eksena, ito yung mga kinakatakutan mo dahil ayaw mong mapunta sa ’yo dati, napupunta sa ’yo ngayon.

"So, doon ko naisip na hindi lang basta-basta ’to.

"Hindi ito yung dapat sa comfort zone mo lang, you really have to step out of your comfort zone and it’s really a profession."

Sobrang saya raw niya sa naging impact ng kauna-unahang primetime series ng TV5 na pinagbidahan pa niya.

"Masaya, masaya!" sambit niya.

"Yun nga rin ang sinasabi ko na, di ba, dati kapag nasa ABS pa ako, kapag mataas ang rating, ang daming commercials, nae-extend, masaya ka.

"Pero hindi ka... Masaya ka, kasi given na rin yun, kasi ang tagal na ng network, sikat na talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dito, yung TV5, nakita mong nagsimula, naggu-grow.

"Kaya kapag may tumatawag sa pangalan ko, nagsasabing nanonood ako ng Hampaslupa or, ’Uy, napanood kita sa Juicy,’ parang mas kinikilig ka, mas natutuwa ka kasi na-attach ka do’n sa network."

VETERAN CO-STARS. Aware si Alex na sa Babaeng Hampaslupa, may nagsasabi na tila mas bida ang character nina Susan Roces at Alice Dixson. Pero wala raw problema yun sa kanya.

Sabi pa niya, "Given naman talaga yun na sila ang mapapansin.

"Una sa lahat, comeback ito ni Ms. Alice Dixson.

"Pangalawa, si Ms. Susan Roces, ang tagal nang hindi napanood sa telebisyon.

"Ito yung pag-comeback niya ng full-fledge sa showbiz na araw-araw mong makikita.

"Tapos yun, kapag nakakasama ko naman sila, very supportive naman sila sa akin.

"So, walang kaso sa akin yun."

May next soap opera na ba siya pagkatapos ng Babaeng Hampaslupa?

"Ang alam ko drama, pero hindi pa kami tapos rito sa Hampaslupa, so hindi ko pa alam.

"Ang alam ko kasi, hanggang first week of August pa kami sa ere."

MEETING MVP. Naikuwento naman ni Alex sa PEP ang insidente na nakadaupang-palad niya ang may-ari ng TV5 na si Mr. Manny V. Pangilinan.

"Dati, inimbitahan niya ako na manood ng laro ng Talk ’n Text, tapos magkatabi kami.

"Natatakot ako. Pero wala, cool lang.

"Tapos, sabi niya, ’What’s happening with you? How’s Juicy? How’s your show?’ Mabait siya.

"Tapos ako, nagpasalamat ako sa kanya. Ang bait niya.

"Never mong maisip na ganoon kayaman, business tycoon, makaka-one-on-one mo lang."

ALEX’S EDUCATION. Excited naman na si Alex dahil ngayong taon daw na ito ay posible na siyang maka-graduate ng college sa University of the Asia and the Pacific kunsaan kumukuha siya ng kursong Humanities with specialization in Education.

May six units na lang daw siyang kailangang bunuin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung sakali naman daw at gusto kong maging teacher, maggawa ng school, may kukunin pa akong 18 units.

"Gusto ko rin namang magturo," sabi ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN