Mo Twister has learned his lesson after emoting on Twitter

"Maybe I can give advice na lang to the other celebrities to not use the Internet so much as your medium of frustration kasi it will always backfire, regardless kung ano ba yung intentions mo o kung ano ang mga sinasabi mo," says Mo Twister.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mo Twister during a gap ng hinu-host niyang showbiz talk show sa TV5, ang Paparazzi, kahapon, June 19.

Dahil Father’s Day nga rin kahapon ay kaagad tinanong ng PEP kay Mo kung paano niya ginunita ang espesyal na araw na ito kahit magkalayo sila ni Moira, anak niya sa dating aktres na si Bunny Paras na naninirahan na ngayon sa Amerika.

"The best I can do is to make a phone call. Tinatawagan ko ang daughter ko kanina pero naka-off ang cellphone niya.

"Pero okay lang dahil bukas [one day ahead ang Pilipinas sa U.S.] pa naman ang Father’s Day sa kanila, so I’ll call her tomorrow," sabi ni Mo.

Ano ang most memorable Father’s Day para sa kanya?

"That would be yung first Father’s Day na nakita ko yung daughter ko after how many years... mga seven years na hindi ko siya nakita.

"Walang contact, walang phone number, walang address.

"Siguro she was nine years old na nung nagkita kami ulit.

"Siguro that was my most memorable Father’s Day.

"You know, nagpapasalamat naman ako sa Diyos na yung dad ko naman is still alive.

"So, nakausap ko siya kanina. Exchange of greetings lang."

FINANCIAL SUPPORT FOR MOIRA. Hanggang ngayon ay iniintriga pa rin si Mo tungkol sa umano’y hindi niya pagbibigay ng financial support kay Moira.

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Siguro one day when you can interview my daughter, she can answer that," sagot niya.

"It’s something naman that I don’t want to talk about.

"I’ve been supporting her for years and years now.

"And even if legally, si Bunny decided to legally make her husband the father of Moira, so parang legally I’m no longer the father of Moira, but it’s still not gonna take away the love I have for my daughter as well as the support that I have for her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s difficult to go through the process ng isang family na may legality na ganito.

"You know, I’m not gonna tell you the amount or anything like that.

"It’s just that it’s something that I’ve been doing for many, many years now."

Nalulungkot ba siya na hanggang ngayon ay nakukuwestiyon pa rin ang pagiging ama niya sa kanyang anak kaya nagiging negative ang image niya as a dad?

"Yeah, but I accept it naman na ganyan talaga yung mga tao kasi hindi naman ako nagse-share sa public tungkol sa nangyayari sa anak ko.

"I’m not the type who talks about it.

"Siyempre kung tahimik ka, ang dating sa iba mukhang guilty ka. But it’s really not that.

"I don’t want my daughter to go to school and yung mga classmates niya sinasabi na, ’Di ba, ikaw yung anak ng controversial DJ?’

"I get into enough trouble on my own.

"Ayoko naman manahin ’yan ng anak ko.

"So, I try as much as possible to be quiet."

Kung isang araw, lalapit si Moira sa kanya na gusto niyang mag-showbiz, papayagan niya ba ang anak?

"I’d rather not," sagot ni Mo.

"Maybe if she had a better foundation, like not growing up with all these intriga.

"Kasi since she was a baby, medyo lahat intriga. There was never a positive side ng showbiz na na-expose si Moira noon.

"So, parang maybe hindi na. Kasi parang I feel na sa sobrang negative exposure niya sa mga intriga it will be very difficult for her."

RHIAN RAMOS. Speaking of intriga, hindi rin pinaligtas ng PEP na kumustahin si Mo tungkol sa estado ng puso niya ngayon pagkatapos ng controversial breakup nila ng aktres na si Rhian Ramos.

"Well, you know, I’m just picking everything," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m going to the therapist twice a week to help me out with certain issues and stuff like that, para mas maging mabuting tao ako.

"It’s twice a week, an hour a day. I’m very close with my therapist now.

"I learned a lot about myself."

Since the breakup, hindi pa raw sila nakakapag-usap ulit ni Rhian.

"No, the only thing I’m concentrating now is just me being a better person to everyone, not just for a certain person or a family member.

"But it’s really for everyone."

Hindi ba siya nag-e-effort na kontakin si Rhian?

"Well, I’m just trying to respect everyone’s wishes right now," sagot ni Mo.

Nakadagdag din sa pagiging controversial ni Mo ang kanyang meaningful tweets sa Twitter tungkol sa breakup nila ni Rhian.

Ano ang comment niya rito?

"Yeah, unfortunately that’s what happened. That’s something I regret very much.

"You know, to use the social networking as a venue to express my frustration and depression.

"Many of us will learn from this.

"Maybe I can give advice na lang to the other celebrities to not use the Internet so much as your medium of frustration kasi it will always backfire, regardless kung ano ba yung intentions mo o kung ano ang mga sinasabi mo.

"Pero mangyayari at mangyayari yun. Pero ako, hindi na mangyayari yun sa akin kasi you get burned by it, you learn your lesson.

"Now it’s more about updating na lang the fans. Try to tell jokes and stuff like that.

"But yung mga serious na bagay, hindi ko na nilalagay dun."

MEDIATION. Ayon kay Mo, hindi raw nagkaroon ng demandahan sa pagitan nila ni Rhian.

Kumalat kasi ang tsismis noon na magpa-file ng complaint o restraining order ang kampo ni Rhian kaya kinuha nitong legal counsel si Atty. Lorna Kapunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagkus, sabi ni Mo nagkaroon na raw sila ng mediation.

Wala raw si Rhian during the mediation at tanging si Atty. Kapunan lang ang nakausap niya.

"It’s just an informal talk with Atty. Kapunan. It’s very simple.

"Kasi nae-excite ang mga tao when they hear the word lawyer."

Ano ang nakakapagpasaya sa kanya ngayon at nakakaalis ng depression niya?

"I travel. I went to Paris last weekend.

"Of course, I have my work and the people who are still supporting me."

May message ba siya para kay Rhian?

"No, because I made some bad choices in making this a public matter.

"So, anything that I would like to say to the people I love like my family, friends and fans, it’s something that I would say to them personally."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN