XLR8’s AJ Muhlach removed from Party Pilipinas to focus on Bagets

"Tuwing Party Pilipinas lang naman kami hindi puwedeng sumali sa XLR8 dahil halos magkaoras daw ang Party Pilipinas at ang Bagets. Sa mga out-of-town shows naman ng XLR8, kasama kami ni Aki. Sinabihan naman na kami ng VAA na kapag natapos na raw ang first season ng Bagets, puwede na kaming bumalik ni Aki," says AJ Muhlach about being removed from Party Pilipina


Nagsabi noon si AJ Muhlach na hindi siya aalis sa grupong XLR8 kahit na isa siya sa bida ng teen series ng TV5 na Bagets.

Pero wala siyang magawa dahil pinalitan na raw sila ng kasama rin niya sa Bagets na si Aki Torio sa XLR8, kaya hindi na sila napapanood sa Party Pilipinas ng GMA-7 tuwing Sunday.

Nalungkot si AJ sa naging desisyon ng management ng GMA-7, pero ina-assure naman siya ng management office niya na Viva Artist Agency (VAA) na kapag may out-of-town shows ang XLR8 ay kasama sila ni Aki.

"Nakakalungkot lang po kasi mahal namin ang Party Pilipinas," sabi ni AJ sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Nami-miss namin ni Aki ang mga tao soon. Lalo na ang staff ng show kasi alagang-alaga nila kami.

"Noong mag-start kasi ang Party Pilipinas last year, doon kami nakilala. Yun ang pinaka-mother show namin.

"Naka-one year na nga ako sa showbiz at kinu-consider ko na first exposure ko sa showbiz ang Party Pilipinas.

"Pero kung yun ang desisyon nila, susunod na lang kami.

"Tuwing Party Pilipinas lang naman kami hindi puwedeng sumali sa XLR8 dahil halos magkaoras daw ang Party Pilipinas at ang Bagets.

"Sa mga out-of-town shows naman ng XLR8, kasama kami ni Aki.

"Sinabihan naman na kami ng VAA na kapag natapos na raw ang first season ng Bagets, puwede na kaming bumalik ni Aki.

"Pero may second season na raw na hinahanda para sa Bagets. Kaya hindi pa namin alam ang mangyayari talaga."

BAGETS. Nagpapasalamat naman si AJ sa magandang pagtanggap ng marami sa series nilang Bagets Just Got Lucky.

Kapag nasa labas nga raw siya, may mga fans nang lumalapit sa kanya at ang tawag sa kanya ay "Ace" na siyang pangalan niya sa show.

"Noong XLR8 pa naman, may mga fans na kami talaga. Pero AJ ang tawag nila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong magkaroon ng Bagets, yung name na Ace na ang tawag sa akin.

"Nakakatuwa lang kasi ibig sabihin ay napapanood ang show namin.

"May mga fansites na nga na dedicated sa show naming Bagets.

"Kaya siguro may second season na kami dahil okey naman ang show namin.

"Enjoy lang kami sa Bagets lahat kaya okey yung may second season para magkakasama ulit kami," ngiti niya.

HEY, IT’S SABERDEY! Nadagdagan ng isa pang show si AJ sa TV5 at ito ay ang musical-variety show na Hey, It’s Saberdey! tuwing Saturday morning. Nagsimula na ang naturang show last June 18.

"Natuwa kami ni Aki kasi nakapag-perform ulit kami sa TV.

"May kanya-kanya kaming production numbers sa show.

"Tulad nga noong pilot episode namin, may dance number kami ni Aki at ni Rico dela Paz.

"Gustung-gusto ko talagang sumayaw kaya nagpapasalamat ako sa TV5 sa pagbigay ng bagong show sa amin," sabi ni AJ.

ON HIS EDUCATION. Dahil sa naging busy na sa kanyang showbiz career si AJ, hindi ito nakapag-enroll ngayong school year. Graduating student na sana siya sa University of Santo Tomas, taking up Applied Physics.

"Gusto ko po ituloy ang studies ko talaga, kaso strict talaga sa UST.

"Kailangan nakaka-attend ka ng classes at mahirap na may ma-miss out ka.

"E, twice a week ang taping namin for Bagets at madalas sa Cavite kami nagte-taping.

"Tapos live pa kami every Saturday for Hey, It’s Saberdey!.

"Kaya nag-decide ako na huwag muna mag-enroll at try ko sa next semester pumasok.

"By that time siguro, maluwag na ang schedules ko.

"’Tsaka gusto ko na ako na ang magbabayad ng tuition fee ko.

"Marami kasi ang nagsasabi sa akin na sayang naman at hindi ko pa tinapos, e, one year na lang.

"Kaya gagawin ko ang makakaya ko para mapagpatuloy ko ang studies ko at makatapos na ako ng college," saad ni AJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN