Is the Marian Rivera-Heart Evangelista feud really over?

Despite the statements made by Roselle Monteverde-Teo of Regal Films, some sources are claiming that Marian Rivera (left) and Heart Evangelista (right) have not yet settled their rift.


Sa kabila ng pahayag ng Regal Films producer na si Roselle Monteverde-Teo na "over na" ang alitan nina Marian Rivera at Heart Evangelista, may mga hindi pa rin naniniwala na nagkaayos na ang dalawang Kapuso stars. (CLICK HERE to read related story.)

Bukod sa parehong GMA-7 contract stars, magkasama rin sina Marian at Heart sa pelikulang Temptation Island.

Bagamat mahigit isang linggo na ang nakalipas simula noong pumutok ang isyu, hindi pa rin matigil ang paglabas ng mga kuwento tungkol sa nangyari.

Ayon sa "witnesses" ng isang reliable source, hindi na raw pinagsama ng GMA Films at Regal Films sina Marian at Heart sa last two shooting days ng Temptation Island na ginanap sa Subic, Zambales.

BODYGUARDS. Dagdag pa ng source, may bodyguards na raw si Heart ngayon na dati’y wala naman.

Dati nang nagdala ng bodyguards ang ina ni Heart na si Cecile Ongpauco nang sunduin ang anak sa airport noong June 13. (CLICK HERE to read related story.)

Galing noon si Heart at ang iba pang cast and crew ng Temptation Island sa Ilocos Norte, kunsaan kinunan ang mga natitirang eksena ng pelikula.

Doon sa airport diumano naganap ang eksenang pinagsabihan daw ng ina ni Heart si Marian na lumayo sa kanyang anak. Bukod pa raw rito ang pagsasalita ng masasakit na salita sa star ng Amaya.

Pero hanggang ngayon ay walang nais magkumpirma kung nangyari nga ang insidenteng ito, o kung may dala ngang bodyguards si Mrs. Ongpauco.

PROMOTION. Sa ngayon ay nakaalis na ng bansa si Heart, kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga, papuntang Brazil para magbakasyon.

Dahil dito ay hindi makakapag-promote si Heart ng Temptation Island, na ipapalabas na sa July 6.

Ayon sa isang insider, may mga cast ng Temptation Island ang hindi na rin magpo-promote ng pelikula nang malaman na hindi magpo-promote si Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng insider, "unfair" umano sa iba na si Heart lang ang hindi magpo-promote.

Pero itinanggi ito ni Roselle Monteverde-Teo sa pamamagitan ng text message na ipinadala niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon, June 21.

Aniya, "It’s not true. May mga schedules na ng promo. Si Heart already said her schedule even before we started filming the movie. Everyone is excited sa movie, specially mga artista."

Bati na nga ba talaga sina Marian at Heart?

Marami ang umaasa na sana nga ay tuluyan nang nagkaayos ang dalawa. Bago pa man kasi nagsimula ang shooting ng pelikula ay magkaibigan na sila.

Matatandaan nating si Marian pa ang kumumbinsi kay Heart na tanggapin ang role nito sa Temptation Island, matapos magdalawang-isip ang huli dahil sa sexy scenes.

Halimbawang may nais pang ipaabot ang kampo ng mga taong sangkot sa isyung ito, agad itong ilalathala ng PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN