Angeline Quinto denies dating Sam Milby; admires Coco Martin

"Mahirap maging boyfriend si Kuya Sam kasi English-speaking. Pagod na ako palagi, pagod pa ako sa kanya," says Angeline Quinto after denying the rumor that she’s dating Sam Milby.


Nagulat ang Star Power champion na si Angeline Quinto nang tanungin siya ng media kung totoong nagde-date na sila ng kapwa Kapamilya na si Sam Milby.

Mariing itinanggi ng 22-year-old singer ang balitang ito.

Paliwanag niya, "Hindi po ’yon date. Star Events din po ’yon. Tapos nag-dinner lang po kami, pero hindi lang naman po kaming dalawa.

"Nandoon ’yong manager niya atsaka si Ate Olive sa Tomas Morato po, pero hindi naman po date ’yon."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Angeline kahapon, Hunyo 21, sa press conference ng kanyang first solo concert na gaganapin sa July 15 sa Sky Dome, SM North Edsa, Quezon City.

Ayon kay Angeline, nagkakilala sila ni Sam noong ikalawang beses niyang mag-guest sa ASAP Rocks.

Bukod sa paglabas kasama ang ilang pang malalapit na kaibigan, madalas din daw silang magka-BBM ni Sam.

Ang BBM ay tawag sa paraan ng pagpapadala ng mensahe gamit ang BlackBerry phone.

"Hindi naman po kasi tunay ’yan," diin niya.

"Hindi naman po kasi talaga kami nagde-date. Ano lang po, nagkukwentuhan lang kami."

Patuloy pang kuwento ng dalaga, "Noong time na lumabas kami, nagkukwentuhan lang kami.

"Kasi, mahina po si Kuya Sam sa Tagalog.

"Kaya ako naman, hindi ako mahina sa English, hindi lang ako masyadong magaling.

"Gano’n lang, nagpapaturo siya sa akin ng Tagalog, sa English ako naman ang nagtuturo."

Nang tanungin kung may pag-asa si Sam sakaling manligaw ito sa kanya, muling natawa si Angeline.

Aniya, "Mahirap maging boyfriend si Kuya Sam kasi English-speaking. Pagod na ako palagi, pagod pa ako sa kanya!"

"BUTI SANA KUNG SI COCO." Nagulat naman ang ilang miyembro ng press nang ibulalas ni Angeline, nang tanungin siya tungkol sa umano’y pagde-date nila ni Sam, "Nagulat naman ako doon. Buti sana kung si Coco Martin."

Nabisto tuloy na hinahangaan ni Angeline ang lead actor ng Minsan Lang Kita Iibigin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Angeline, "Kasi si Coco po, isa po talaga sa mga idol kong lalaki tulad nina John Lloyd [Cruz]."

Pero agad naman niyang nilinaw na hindi naman ito maituturing na crush.

Ani Angeline, "Una naman, hindi po talaga crush, idol lang.

"Ewan ko kung bakit napunta sa crush.

"Pero idol ko po talaga siya sa pagiging artista niya.

"Kasi noong nakita ko siya, parang nakita ko rin ang sarili ko sa kanya noon, e. Tahimik lang [siya], di ba po?

"Parang mahiyain pero guwapo. Parang ako, mahiyain pero maganda!" sabay tawa niya.

At dahil nga sa iniidolo niya si Coco, hindi na niya itinanggi na pinapangarap din niyang makasama sa isang proyekto ang aktor.

"Sana kung mabibigyan ng chance na magkatrabaho kami ni Coco, talagang tuwang-tuwa na ako kapag nagkatotoo ’yon.

"Pinagdadasal ko rin po ’yon, e," pahayag ni Angeline.

"SARILI KO MUNA." Sa kabila ng pagkaka-link kay Angeline sa mga kapwa niya Kapamilya stars, sinabi naman niya na wala pa siyang balak makipagrelasyon sa ngayon.

Aniya, "Siyempre, mas gusto ko rin po talagang unahin ang pagkanta ko ngayon.

"Ayaw ko po muna ng lovelife.

"Kasi siyempre, kailangan na kailangan din po ng nanay ko ngayon.

"Ang dami rin pong kailangang gamot sa nanay ko.

"Ang gusto ko po kasi mag-ipon muna po, e.

"Ayaw ko po munang may iisipin akong iba. Gusto ko sarili ko na lang muna."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN