Coco Martin on baring his body in movies: "Bilang artista, parte ng trabaho ko ang katawan ko."

"Masaya talaga ang feeling ko na nare-recognize ako ngayon lalo na sa mainstream. ’Yon talaga... eto na ang bunga ng mga pinaghirapan ko. Mula nang magsimula ako sa indie films, hanggang ngayon na may mga TV series ako, at may mainstream movie," says Coco Martin about his latest acting award.


Nang tawagin ang pangalan ni Coco Martin bilang Movie Actor of the Year winner sa PMPC Star Awards For Movies na ginanap last Tuesday, June 21, umalingawngaw ang malakas na sigawan ng fans at ng iba pang naroon sa loob ng Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa Pasay City.

It seems like everybody expected na siya ang mananalo para sa mahusay niyang performance sa indie film na Noy.

Siyempre pa, sobra ang kaligayahang naramdaman ng aktor nang umakyat sa stage para tanggapin ang napanalunang panibagong acting trophy, which he shared with fellow nominees na sina Christopher de Leon for Sa ’Yo Lamang, Baron Geisler for Donor, John Lloyd Cruz for Miss You Like Crazy, Yul Servo for Rosario, and Fanny Serrano for Tarima.

"Napakaraming recognition na dumarating ngayon sa buhay ko, napakasaya!" sambit ng aktor nang ma-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) right after the awards night.

"Ang sarap ng pakiramdam dahil sobra naming pinaghihirapan ang trabaho namin."

FROM INDIE TO MAINSTREAM. Unang nabigyan ng break at nakilala si Coco sa digital at independent films.

At sa unang buwelo pa lang niyang ’yon sa kanyang acting career, kinakitaan kaagad siya ng promise at galing bilang isang aktor.

Kasunod nito ay ang pagiging Kapamilya at sunud-sunod na paggawa na rin niya ng primetime series sa ABS-CBN.

And then, sa mainstream movies naman.

"Masaya talaga ang feeling ko na nare-recognize ako ngayon lalo na sa mainstream," sabi ng multi-awarded actor.

"’Yon talaga... eto na ang bunga ng mga pinaghirapan ko.

"Mula nang magsimula ako sa indie films, hanggang ngayon na may mga TV series ako, at sa mainstream movie."

Lie-low na kaya siya sa pagtanggap ng indie films at sa mga malalaking pelikula na siya magpu-focus?

"Sa akin naman, kung ano ’yong magandang proyektong io-offer sa akin, siyempre bakit ko naman tatanggihan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lalo at gusto kong makatrabaho lahat ng magagaling na mga artista at direktor."

ON DOING SEXY ROLES. Nagsimula si Coco bilang isang sexy actor.

At tunay namang hindi lang basta sexy, kundi daring at bold talaga ang karamihan ng mga eksenang ginawa niya noon sa mga nauna niyang pelikula.

Meron pa ngang movie na talagang walang takot siyang pumayag na maghubo’t hubad, sumalang sa matinding pakikipag-love scene, na may exposure pa ng kanyang private parts.

Ngayong made na siya as one of the country’s new breed of best actors, malabo na bang mapapayag siyang tumanggap ulit ng sexy roles o mag-bare sa pelikula?

"Sa akin naman, hindi naman ano ’yon, e. Part ng trabaho ko ’yon.

"At bilang artista, parte ng trabaho ko ang katawan ko.

"Kumbaga, walang kahit anong bagay na makakapaglimita sa akin," sagot niya.

Pero sa stature niya ngayon na award-winning actor na ang kanyang kategorya, namimili na ba siya ng project?

"Dati pa naman," sambit ni Coco.

"Kumbaga, no’ng nasa indie pa ako, bago ko tanggapin ang isang proyekto, pinag-aaralan ko munang mabuti."

Sa tagumpay at mga parangal na nakukuha niya ngayon, abot-abot ang pasasalamat ni Coco.

Hindi lang sa mga taong tumulong para marating niya ang kanyang kinatatayuan ngayon, kundi maging sa mga kumikilala sa kanyang galing at pati sa kanyang mga tagahanga.

Sa dami ng mga nakuha niyang awards, napi-pressure pa ba siya every time he portrays a role sa mga proyektong kanyang tinatanggap?

Hindi na kasi rin maiiwasang i-expect ng iba na pang-award ulit ang performance niya.

"Hindi naman sa napi-pressure. Kumbaga, siyempre lalo lang itong nagpapatindi na mas dapat ko pang paghusayan ang performance ko sa kada proyektong ibinibigay sa akin.

"Ito ang inspirasyon ko sa bawat trabahong ginagawa ko," saad niya.

MAJA SALVADOR. Sa primetime series ng ABS-CBN na Minsan Lang Kitang Iibigin, marami sa mga sumusubaybay nito ang talagang bilib sa acting na ipinamamalas ni Coco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa co-stars niya rito si Maja Salvador na nali-link ngayon sa kanya. Hindi mamatay-matay ang isyung nililigawan niya raw ang dalaga.

Pero ani Coco, "Siguro dahil parte ng trabaho namin ito. Na magkasama kami sa isang soap opera."

Is he really courting Maja?

"Hindi. Pero kung sakali, wala namang masama, ro’n.

"Unang-una, binata’t dalaga naman kami.

"And masaya naman ako kasi feeling ko naa-appreciate kami ng mga manonood.

"Iyon din nga siguro ang dahilan kung bakit kami inili-link sa isa’t isa.

"Kasi nagagampanan namin nang mahusay ang aming trabaho.

"Pero kung sa nanliligaw, hindi naman. Kasi, magkaibigan lang kami ni Maja.

"And napaka-professional kasi niya. Napaka-talented niya.

"Siguro kung saka-sakali, hindi naman masama kung dumating ’yong point na manligaw nga ako sa kanya.

"At saka ayoko munang masyadong madaliin kung saka-sakaling darating ’yong punto na magkakaibigan kami."

Dagdag pa niya, "Sa ngayon, sa hirap ng trabahong ginagawa ko, baka ano, e... hindi rin magwu-work kung saka-sakaling magkakaroon ako ngayon ng relasyon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN