Milagring on Johlan Veluz-Edgar Allan Guzman lovers’ quarrel: "Huwag nila akong idamay."

"Kung may away sila, ayusin nilang dalawa, at huwag nila akong idamay dahil wala akong ginagawang masama sa kanila. Di ako mapanira ng relasyon," says Milagring (in photo, with boyfriend Nicko Manalo) about her alleged involvement in the relationship problem of Johlan Veluz and Edgar Allan Guzman.


Itinuturo ang dancer na si Milagring na siyang dahilan diumano sa pagkakalabuan ng relasyon ng dating Sexbomb member na si Johlan Veluz at ng young actor na si Edgar Allan Guzman.

Ayon sa lumabas na report dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), muntik na raw i-confront ni Johlan si Milagring sa airport, pero hindi lang siya naabutan. (CLICK HERE to read related story.)

Inamin din daw ni Edgar na nag-kiss sila ni Milagring.

Nung tawagan ni Johlan si Milagring, wala lang daw yun.

Ang parang lumalabas, "player" si Milagring dahil may boyfriend siya ngayon—ang dating member ng Streetboys na si Nicko Manalo.

Nilinaw namin ang isyung ito kay Milagring sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanya ng text messages.

Nagulat ang dancer sa pagkakasangkot ng pangalan niya sa isyu nina Johlan at Edgar Allan.

"Ha? Ano na naman ito? Kaloka. Dito ako sa taping ng Sugo Mga Kapatid. Ano ang problema nila?" sabi ni Milagring sa text.

Paliwanag pa niya, "Yung kiss na yun, biruan lang. Kahit sa Lokomoko pa lang may tuksuhan na sa aming dalawa dahil sweet at makulit nga po si Edgar.

"P.O.5 pa lang ay magkaibigan na kami at lagi niya akong kinukulit. At saka lahat ng nangungulit sa akin, alam ni Nicko. Sinasabi ko sa kanya.

"Huwag nila akong idamay," aniya pa.

Dagdag pa ni Milagring, nagkausap na raw sila ni Johlan.

"Sinabi ko sa kanya na wala lang yun at wala siyang dapat ipag-alala dahil wala kaming kahit ano ni Edgar.

"Sabi pa nga ni Edgar, grabe magselos si Johlan.

"Hindi naman masama ang magselos, pero nasa tama dapat.

"Kung may away sila, ayusin nilang dalawa, at huwag nila akong idamay dahil wala akong ginagawang masama sa kanila. Di ako mapanira ng relasyon.

"Masaya ang lovelife ko. Kahit malayo at minsan lang kami magkita ni Nicko. Alam mo kung gaano ko kamahal si Nicko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bahay, trabaho nga lang ako," saad pa ng dancer sa PEP.

Nagtatrabaho si Nicko sa Universal Studios Singapore.

Actually, kahit sa Facebook account ni Milagring ay very vocal siya sa pagmamahal niya sa boyfriend.

Mababasa nga rito ang shoutout niyang: "mhal n mhal n mhal talaga kta Daddy Nicko ko... i will love u faithfully 4ever... mwahhh."

Ayon pa kay Milagring, "Tama. Sobrang mahal na mahal na mahal ko asawa ko.

"Kahit ano pang sabihin nila... kabog! Pinapasikat nila ako... hehehe!"

Nararamdaman ba niya na type siya ni Edgar?

"May mga ganoong banat siya. Nagagandahan daw siya sa akin pero tinatawanan ko lang.

"Bata pa yun, e! Totoy kaya makulit. Pero mabait naman siya.

"At saka nag-o-open din siya sa akin pag may problema siya kaya naging close din kami.

"Pero to the point na magkakaroon ng something... No, big no!" madiin pa niyang text.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN