Tom Rodriguez is not courting Janet Jamora, twin sister of Jinkee Pacquiao; says they’re just friends

There’s no romance brewing between Tom Rodriguez and Janet Jamora, ang twin sister ni Jinkee Pacquiao. Dati na daw silang magkakilala through common friends.

"Napanood nila kami sa concert namin sa Boyzvoyz sa Music Museum one time, nanood sila dun and then sabi nga they’ll invite us sa karaoke daw," Tom explains.


Itinanggi ni Tom Rodriguez na nanliligaw siya kay Janet Jamora, ang twin sister ni Jinkee Pacquiao. Magkaibigan lang raw sila.

"Kami nina Duncan [Ramos, Janet’s ex-BF], nung victory party ng laban ni [Manny] Pacquiao laban kay [Shane] Mosley, we were there. Magkasama kami ni Duncan, yung buong table nila.

"Kasi I was invited to sing karaoke with them one time, iyon," kuwento ni Tom nang nakausap ng PEP sa presscon ng Temptation Island, movie ng GMA Films at Regal Entertainment, Inc.

Dati na raw sila magkakila ni Janet through common friends.

"Napanood nila kami sa concert namin sa Boyzvoyz sa Music Museum one time, nanood sila dun and then sabi nga they’ll invite us sa karaoke daw."

Pero hindi niya nililigawan?

"No."

Textmates sila?

"Dati nung sa Blackberry ko parang like they would invite sa karaoke singing, ganito.

"Ngayon madalang na, I don’t have any contact [with Janet] anymore."

LIKE A BROTHER. Co-star ni Tom sa Temptation Island si John "Sweet" Lapus na naging vocal sa pagsasabing may malisya siyang nararamdaman para kay Tom.

"We’re friends, we’re friends."

Sa shooting ng movie nila (na showing ngayong July 6), sina Tom at Sweet ang roommates sa hotel na tinuluyan nila sa Ilocos Norte.

Ganun siya kakumportable na ang roommate niya ay isang bading, at rumarampa pa siya sa harap ni Sweet ng naka-red briefs lamang?

"First of all si Sweet, napaka-walang malisya, kasi yung turing niya sa akin, parang kapatid, kasi pareho kaming nasa Star Magic."

Pero sa interview nga kay Sweet, sinabi nitong may malisya siyang nararamdaman kay Tom.

"Ano lang yun... alam mo kapag nakasama mo si Sweet walang ano yun, sobrang napakarespeto, sobrang napakagalang niya sa kapwa niya artista.

"Hindi ako maggaganun [red briefs] sa harap niya kung napi-feel ko or mararamdaman ko na binabastos na ako, kung may nararamdaman akong ganun e never kong gagawin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nga kaya nga andun ako sa room kasi takut na takot ako para sa part na yun ng film, kaya para lumakas ang loob ko, doon ako nag-rehearse [sa hotel room]."

Kumbaga, ginawa iyon ni Tom bilang preparasyon niya dahil halos kabuuan ng mga eksena niya sa Temptation Island ay naka-underwear lamang siya.

Kapag nasa hotel room sila, ano ang pinag-uusapan nila ni Sweet?

"Wala, ako lagi akong nagpe-paint lang e, si Sweet laging nasa labas."

Kapag oras na ng pagtulog, wala siyang kaba?

Ibang klase nga kapag sa iisang kuwarto lamang natutulog ang isang gay na tulad ni Sweet at isang guwapong lalaki na tulad ni Tom.

RESPECTFUL SWEET. "Ah, wala! Gaya ng sabi ko, sobrang respectful si Sweet."

Ano ang reaksyon niya nang nalaman niyang may malisya si Sweet sa kanya?

"Siyempre natawa kasi posible ba iyon? Parang I never thought of myself as being sexy or anything.

"Siguro kahit sino parang may ganung feeling. Hindi mo naman titingnan ang sarili mo at sasabihin mo ’Ah, napakaseksi ko!’

"Hindi naman ganun."

Kapag natutulog sila ni Sweet, naka-red briefs lang rin ba si Tom?

"Ang lamig! Mainit sa Laoag pero sa loob sa hotel, ang lamig, naka-blast lagi yung ano kaya ang lamig sa loob ng room. Kaya pag matutulog, naka-tshirt ako, nakapantalon at sweater."

Halimbawa one day ay sabihin ni Sweet na may gusto ito sa kanya?

"Siyempre magugulat, at the same time... I don’t think that’s ever gonna happen naman e. Pero magugulat ako."

Kung hindi si Sweet, what if may isang gay na manligaw sa kanya?

Never pa raw naligawan ng bading si Tom, kahit indecent proposal ay wala pa siyang natanggap.

INDIVIDUAL PREFERENCES. "Katulad ni Sweet I have a lot of gay friends, like sa States and I respect them. Kasi tao lang naman tayong lahat at may kanya-kanyang preference.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para sa akin hindi iyon [gays] ang preference ko, but I respect them as people, we could be good friends, I can hang out with them."

Halimbawa nga magtapat sa kanya si Sweet, ano ang isasagot niya dito?

"Respectfully sasabihin ko lang, ’Sweet matagal na tayong magkakilala, para tayong magkapatid, so sana hanggang dun lang, kasi hanggang dun lang ang kaya kong ibigay.’"

Si Mikael Daez ang "leading man" ni Sweet sa Temptation Island; Magka-love triangle sa movie sina Sweet, Mikael at Solenn Heusaff; bakit sina Sweet at Tom ang nali-link?

"Nali-link ba?" ang natatawang tanong ni Tom. "E kasi magkasama na kami mula Here Comes The Bride, kaya sanay na kami sa isa’t-isa."

Nabawasan ba ang respeto niya kay Sweet ngayong nalaman niyang may malisya ito sa kanya?

"Ah hindi, no, no. Kasi sobrang respeto ko kay Sweet, na pagpunta ko dun [sa Laoag for the shooting], ako lang ang taga-ABS, sila lahat GMA. Takut na takot ako, siya yung unang nag-ano, pinakilala niya ako sa lahat, ’Marian ito si Tom, Lovi ito si Tom, Heart ito si Tom.’"

Ang cast ng Temptation island (directed by Chris Martinez) bukod kina Tom, Sweet, Mikael at Solenn ay binubuo nina Marian Rivera, Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, Aljur Abrenica at Heart Evangelista.

At sa pag-amin ni Sweet na may malisya ito kay Tom...

"I’m sure sa lahat sa amin na mga boys [sa movie] may ganun rin na factor," sinabi pa ni Tom.

If ever may project ulit at sila ulit ang roommates, papayag si Tom ?

"Yeah, yeah kasi never ko naman naramdaman na ganun e, na may malisya siya sa akin, kasi nga nirerespeto niya ako at nirerespeto ko din siya.

"Kasi sa tagal namin sa Laoag kung may ano siya, siyempre dapat may nangyari na move, but nothing happened, there was nothing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN