Pinilakang Tabing: Handog Sa Pelikulang Pilipino celebrates 92 years of Philippine movies

Some of the higlights from Pinilakang Tabing: Handog Sa Pelikulang Pilipino: (clockwise) Jolina Magdangal performs a musical number; the veteran and young stars share the stage at the closing; Senators Jinggoy Estrada and Bong Revilla.


Hindi napigil ng malakas na pagbuhos ng ulan ang ginanap na selebrasyon ukol sa pelikula, as local celebrities gathered last Wednesday night, June 22, 2011, to celebrate 92 years of Philippine movies.


Ang pagdiriwang, sa pamamagitan ng malaking gala musical, ang Pinilakang Tabing: Handog Sa Pelikulang Pilipino, ay ginanap sa Tanghalang Nicanor Abelardo (Main Theater) ng Cultural Center of the Philippines (CCP), mula ika-8 hanggang ika-11 ng gabi.


Star-studded ang presentation, na buong husay na binigyang-partisipasyon ng mga kilalang bituin sa pelikula, telebisyon at tanghalan; bilang performers, narrators at tagapagpakilala, sa pangunguna ni Ms. Boots Anson Roa, Executive Director ng Mowelfund (Movie Workers Welfare Foundation), Inc.


Saksi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media, at tauhan ng industriya ng pelikulang Pilipino, sa makasaysayang gabi ng pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng pelikula, pagdakila sa mga cinema icons, at simpleng pag-aaliw sa pamamagitan ng mga natatanging performance ng mga talinong Pilipino sa iba’t ibang larangan.


Nagbukas ang palabas sa pamamagitan ng tugtuging "Iduyan Mo" (komposisyon ni Ryan Cayabyab; with orchestral arrangement by music conductor, Josefino "Chino" Toledo), kasunod ay ang musical excerpt mula sa sarsuwelang "Dalagang Bukid," na dito hinalaw ang unang pelikulang Pilipino, tampok si Ms. Atang dela Rama, noong 1930s. Tampok dito ang awiting "Nabasag Ang Banga," komposisyon ni Leon Ignacio at titik (lyrics) ni Hermogenes Ilagan.

Kabilang din sa mga tampok na bilang ang ginawa ng mga kabataang singer-performers; mga awiting popular noong ’40s, ’50s, ’60s, at ’70s, tulad nina: Jolina Magdangal who sang "Waray-Waray" at iba pang upbeat songs popularized by the late 1950s movie queen, Nida Blanca, with back-up dancers from Ballet Philippines.

Real-life couple Jessa Zaragoza and Dingdong Avanzado, Gian Magdangal and Ciara Sotto, sa kanilang medley ng romantic love songs, in films such as "Diligin Mo Ng Hamog Ang Uhaw Na Lupa," "Gaano Kita Kamahal," "Sapagka’t Kami’y Tao Lamang," "Saan Ka Man Naroroon," among others.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May dance number din si Mitch Valdez, to the tune of another ’50s song, "Alembong" and "Galawgaw"; at ang duo nina Mike Villegas at Aiza Seguerra, na umawit ng "Kahit Konting Pagtingin," isa ring komposisyon ni Ernani Cuenco, sa saliw ng gitara.

Ang beteranang mang-aawit na si Dulce ay makatawag-pansin sa dalawa niyang solo performance, sa saliw ng tugtugin ng Philippine Philharmonic Orchestra (PPO) ng mga awiting "Matudnila," musika at titik ni Ben Zubiri, with orchestral arrangement by Redentor Romero (bilang tribute to the Golden Age of the Visayan Movies, in the1950s); at "Kahit Na Magtiis," isang natatanging komposisyon ng yumaong Ernani Cuenco; paboritong awitin ni dating Pangulong Joseph Estrada, na siya ring may likha ng lyrics.


Ang pinakamahabang musical production number ay tinampukan ng mga actor-performers and singers, tulad nina Arnold Reyes, Tonypet Gaba, Carlo Orosa, Jake Macapagal, JM Rodriguez, kasama at Tanghalang Pilipino (TP) Actors Company.


Inawit ng grupo ang "Pipitong Gatang Na Kalesahan" medley (with lyrics by National Artist Levi Celerio; orchestral arrangement by Chino Toledo); kabilang dito ang mga kantang "Ang Pipit" ni Ray Alinsod, "Pitong Gatang" ni Tony Maiquez, "Kung Ako’y Mag-aasawa" ni Juan Silos, Jr., at "Kalesa" ni Ernani Cuenco.


Bilang panghuling bilang, ang Hail Mary The Queen Choir ay magkakasamang umawit ng "Handog" (komposisyon ni Florante) at nagsama-sama sa entablado ang lahat ng mga artista at industry leaders na nag-participate sa Pinilakang Tabing musical tribute.

Bukod sa mga nabanggit na performers, naroon din ang mga sumusunod: National Artist Eddie Romero, FAP Director-General Leo Martinez, KAPPT President Phillip Salvador, Senator Jinggoy Estrada, Senator Bong Revilla, Jr., Tirso Cruz III, Ms. Celia Rodriguez, Cesar Montano, Robert Arevalo, Delia Razon, Rez Cortez, MTRCB Chair Ms. Mary Grace Poe Llamanzares, former President Joseph Estrada, at CCP President Raul M. Sunico.


May special mention si Ms. Boots kay German Moreno, na hindi nakadalo para magbigay-testimonya dahil sa pagyao ng kanyang kapatid; at pagpupugay rin ni Boots sa kanyang yumaong ama, Oscar Moreno, na isa ring veteran actor of the ’50s.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ang Pinilakang Tabing: Handog Sa Pelikulang Pilipino ay mula sa konsepto at direksiyon ni Chris Millado; executive producer is Ms. Boots Anson Roa; musical director/conductor, Josefino "Chino" Toledo; choreographers, Ms. Edna Vida and Nonoy Froilan; writer, Floy Quintos; at kabilang sa mga researchers sina Ricky Orellana, Edwin Joaquin, at Susan Cenidoza, ng Mowelfund, Inc.


TESTIMONIES. Kasabay ng pagtatanghal ng malalaking production numbers, na nilayon ng producers, ang Mowelfund at mga katuwang nito, ang FDCP (Film Development Council of the Philippines, Inc.) at CCP (Cultural Center of the Philippines), na magbigay-aliw sa manonood, na taga-suporta ng industriya ng pelikulang Pilipino, ay ang magkakasunod na testimonya ukol sa mahahalagang yugto ng pelikulang Pilipino, ugnay sa kasaysayan ng ating bansa.


Ang mga testimonyang ito, sa pamamagitan ng maiikling salaysay ay nakapagbigay-kaalaman, at sabay na pumupukaw sa pang-unawa at damdamin ng sinumang labis na nagpahalaga at patuloy na umaasa sa positibong tunguhin ng pelikulang Pilipino.


Kabilang dito ang salaysay ni G. Manuel "Jun" Urbano, ang komedyanteng si "Mr. Shooli", anak ng beteranong direktor, Manuel Conde, ng internationally acclaimed film, Genghis Khan, isa sa mga representative films of the First Golden Age of Philippine Movies in the 1950’s. Urbano traced the early beginnings of Philippine cinema, with the introduction of the cinematographe. Ang unang producer-director ng pelikulang Pinoy ay babae, named Carmen Concha. Ang karamihan sa mga pelikulang unang napanood ay mga dokumentaryo at historical movies.


Magkasabay na nagbigay ng kanilang mga salaysay ang actor-politicians na sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Ramon "Bong" Revilla, Jr.

Jinggoy traced the years after liberation. "It was in those years when Philippine moviemaking found its surest footing to the growth of the studios called the Big Three—Sampaguita (Pictures) of Dr. Jose R. Perez, LVN (Pictures) of Dona Sisang de Leon, and Premiere (Productions) Studios of (Dr.) Ciriaco Santiago... and another player during that era was Lebran Films by the Anton Brothers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Ang sistemang sinimulan nila ang naging batayan para sa industriyang lalo pang pinalakas at pinasulong ng Regal Films ni Mother Lily Monteverde; at ng Viva Films ni Boss Vic del Rosario; ng GMA Films; at ng Star Cinema ng ABS-CBN."


Sa testimonya ni Sen. Bong, binanggit niya ang kasalukuyang sitwasyon: "Today, producers have aligned themselves with the big networks; stars are found on television everyday... gone are the days when studios would need to sell pure magic and the public didn’t need anything else.


"Ito po ang katotohanan na hindi alintana ng ating manonood sa mga panahong ito. Tuluyan na nga bang nawala at nasayang ang kasaysayan na naumpisahan ng mga studio noong golden era ng pelikulang Pilipino?


"Sa mga studio na ito nanggaling po ang aming mga ama. At sana, manumbalik ang sigla ng mga big studios tulad noon; kundi man ngayong 21st century, maaaring sa panahon ng mga susunod pang henerasyon."


Sen. Bong Revilla, Jr. is the son of veteran actor and former Senator, Ramon Revilla, Sr., while Sen. Jinggoy Estrada is the son of former actor, producer, industry leader and Philippine President Joseph Ejercito Estrada.


ERA OF LOVETEAMS. Ang mga kabataang artistang tulad nina Aljur Abrenica at Bela Padilla ang naatasang magbigay-testimonya sa bahagi ng mga great love teams of Philippine movies.


Maging sina Bela at Aljur ay natuwa sa mga katotohanang nalaman, tungkol sa malaon nang tinungo ng pagtatambal-tambal ng mga artistang babae at lalake, para sa kaukulang pagtangkilik ng publikong manonood.


Partikular na nabigyang-diin ang pagkakaroon ng kissing scenes sa pelikula, na nagsimula noong 1926, sa pamamagitan ng pelikulang Ang Tatlong Hambog; habang ang mga parehas sa mga sumunod na dekada, mula sa loveteam nina Carmen Rosales at Rogelio dela Rosa (1940s), Nida Blanca at Nestor de Villa (1950s), Gloria Romero at Luis Gonzales (1950s), Susan Roces at Romeo Vasquez (1960s), Amalia Fuentes at Jose Mari (1960s), Nora Aunor at Tirso Cruz III (1970s), Vilma Santos at Edgar Mortiz (1970s), Sharon Cuneta at Gabby Concepcion (1980s), Maricel Soriano at William Martinez (1980s)... ay maglapat-dili ang mga labi, at kung mangyari man, ay pang-kiliti lamang sa imahinasyon ng kanilang mga tagatangkilik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sa kasalukuyang panahon, ang mga loveteams, tulad nina Kim Chiu at Gerald Anderson, Marian Rivera at Dingdong Dantes, at Aljur Abrenica at Kris Bernal, ay pinagsasama ang mga unang pangalan, tulad ng "KimErald", "DongYan" at "AlKris."


Isang mahalagang sangkap ang tambalan sa pelikulang Pinoy na hindi mawawala, ano man ang kasalukuyang sitwasyon ng industriya.


MOMENTS OF REFLECTION. Cesar Montano spoke about the golden era of Visayan movies; hindi aniya magiging kumpleto ang tala ng kasaysayan kung hindi ito babalikan sa alaala.


Cebuano cinema was represented by films like Badlis Sa Kinabuhi, Gimingaw Ako (starring veteran actress, Gloria Sevilla, acknowledged Visayan movie queen) among others.


Maging si Cesar Montano, sa kasalukuyang panahon, ay nagbigay suporta sa pelikula ng kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng indie film niyang Panaghoy Sa Suba (2004) na gumamit ng Boholano dialect, sa kabuuan niyon.


Samantala, ang Pangulo ng CCP na si Raul M. Sunico ay may pagtukoy sa kahalagahan, sa ngayon, ng independently-produced digital films.
"Small budget does not necessarily mean small films... the filmmakers of independent cinema know this only too well. There is an audience out there to support, to invest (in) more than just a fleeting attempt of their field.


"The works connect to contemporary audiences, in ways which the mainstream film industry needs to pay attention."


At sa testimonya ni Phillip Salvador, KAPPT President at representative ng CineMabuhay, ang film outfit ng Studio 5, aniya:
"There will be new ways to tell stories, new talents to show us how to dream. As the newest player in the industry, Cine Mabuhay dares to share this dream.


"By acknowledging that cinema is a human effort, with the heart and mind in the right place, the next 90 years will be an adventure at hand by technology, but directed by the human heart..."


Susog pa ni Sunico, "Together with the mainstream (movie industry), we may yet see the blossoming of the 3rd Golden Age of Philippine cinema..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


REMEMBERING THE ICONS. Ang pagsasalaysay ni Ms. Mary Grace Poe Llamanzares, kasalukuyang Chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), ang may pinakamalinaw na pagkakalahad, kundi man pinaka-madamdamin, lalo’t tumutukoy ito sa pagiging isa sa mga dinadakilang icons sa industriya ng kanyang ama, si Fernando Poe, Jr.


"Fernando Poe, Jr. is considered by his brothers [in the industry] as an Icon. But what separates an icon from the rest of us is the extraordinary life they lead.


"Ang kanilang buhay ay kakaiba, [hindi] katulad sa atin. Dahil ang kanilang mga bigong pangarap ay mas mapait. Ang kanilang galit at pagmamahal, mas masalimuot. Ang kanilang tagumpay, mas matamis at mas tumatagal. Ang kanilang mga pagpapatawa, mas nakakapagdulot ng ligaya.


"Iniidolo natin sila dahil nakikita natin sa kanilang mga pelikula ang sarili nating mga kuwento; ang sarili nating mga tagumpay, ang walang tigil na pakikipagbuno sa tadhana at sa lipunan. Isinasabuhay nila ang lahat ng ating damdamin, adhikain at kabiguan.


"At kahit ilang taon pa ang lumipas, patuloy nilang inilalarawan ang kalagayan ng sangkatauhan.


"Kaya sila tinatawag na icon. Ang natatanging talino nitong mga icon na iniidolo natin ay ito: sila ay salamin ng ating mga kahinaan; ng ating mga kakayahan.


"Higit sa lahat, ng ating pangarap, na sa wakas, mapanghahawakan ng ating sariling buhay.


"Sa isip at pangarap natin, kaya nating maging bida sa sarili nating kuwento, tulad nila..."


Ang testimonya ni Ms. Mary Grace ay mayroon ding pagpapakita ng piling film clips ng mga movie icons, tulad nina FPJ, Dolphy, Erap, Lolita Rodriguez, among others. Sinundan ito ng makabagbag-damdaming rendition ng awiting "Kahit Na Magtiis," as interpreted by Ms. Dulce.


CROSSROADS. National Artist for Film Eddie Romero also gave a most meaningful testimony on the direction of Philippine cinema.


He said that Philippine cinema now stands "at an exciting crossroad" and that these directions may change "depending on economics, on shifts in power, and viewers’ taste.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"But there are a few things that will always enable us to move on, in whatever direction we so choose..."


Binigyang-diin ni Romero, una, ang "creative power of the Filipino filmmaker" bilang tugon sa tunguhin na nais natin, para sa pelikulang Pilipino: "His dreams, his vision of society, the world, his power to create images..."


"The second is our shared history; our shared memory, of landmark films, unforgettable performances, personalities, [that] make up the moment in cinema that we must treasure as our heritage.


"It is for this heritage that we gather tonight. It is for this memory that we must make a stand. It is for this great and illuminating hope where cinema has allowed us to imagine the world we must create..."


Thirty five years after Eddie Romero filmed his masterpiece, Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon (1976), isa sa representative films of the 2nd Golden Age of Philippine cinema, nakatayo siya sa harapan ng kanyang mga kababayan at kasamahan sa industriya na puno pa rin ng pag-asa... at pag-asam, para sa pelikulang Pilipino.


"To stand on this stage tonight, I am proud to have been part of the first 90 years and I am proud of those who will give their lives to the country in the next 90 years...


"I stand here to say, ’Thank you.’ Mabuhay ang pelikulang Pilipino!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN