Mikael Daez willing to be stranded on an island with John Lapus; gets his first kissing scene with Solenn Heussaff

Model-turned-actor Mikael Daez plays the lover of John "Sweet" Lapus in the movie, Temptation Island.


Live na nag-guest ang baguhang male star na si Mikael Daez sa Showbiz Central kahapon, June 26.

Sa one-on-one interview sa kanya ng host na si Rufa Mae Quinto na co-star niya rin sa pelikulang Temptation Island, tinanong si Mikael kung ano ang reaksiyon niya sa sinabi ni John "Sweet" Lapus in an interview na if ever ma-stranded siya sa isang island ay si Mikael ang gusto niyang makasama.

"Ay naku, si Sweet talaga!" ang natatawang sabi ni Mikael.

"Siguro halos three weeks tayo sa Ilocos [Norte], si Sweet ganun talaga.

"Buong three weeks, lokohan lang. Ako, Tom [Rodriguez], Aljur [Abrenica], sanay na kami kay Sweet, ganun talaga siya."

Sa tingin ba ni Mikael ay hindi seryoso si Sweet sa sinabi nito?

"Sweet, serious ka ba?" ang natatawa pa ring tanong ni Mikael kay Sweet, na naroroon din sa studio bilang isa ring host ng show.

"Pero either way, masaya siguro yun, sobrang nakakatawa si Sweet.

"Kahit saan, kahit malungkot yung mga tao, kahit taghirap, kahit sobrang init [sa set], alam mo yun, nakakatawa talaga siya, punchline lang nang punchline."

May kissing scene ba sila ni Sweet sa movie?

"A, yun nga, sinabi nga namin sa presscon, abangan n’yo na lang yung kissing scene, kung meron nga ba," aniya.

Sa Temptation Island ay gumaganap si Mikael bilang lover ni Sweet.

SOLENN HEUSSAFF. Sila ni Solenn Heussaff, confirmed na may kissing scene sa pelikula.

"Oo, medyo na-preempt yata yun ng trailer natin," sabi ni Mikael.

Sa movie ba ay mapapanood nang buong-buo ang halikan nila ni Solenn?

"Tingnan natin, basta surprise yun."

Ano ang naramdaman ni Mikael sa first kissing scene niya?

"Well, yun nga yung okay dun, kasi si Solenn yung nakasama ko sa kissing scene.

"E, si Solenn medyo pareho lang kami, parang game lang, go lang nang go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, pinag-usapan nga namin ni Solenn, ’Solenn ano, sabi ni Direk [Chris Martinez], kailangan sexy ito, kailangan passionate!’ sabi ko.

"Sabi niya, ’Sige kaya natin ito, go!’

"So, ganun lang, tapos go na!"

Naka-ilang take ang kissing scene nila?

"Siguro mga 50 takes yata kami dun... Hindi, loko lang!" at muling tumawa si Mikael.

"Siguro mga one-two takes lang kami, pero maraming shots, e.

"So, sabi ni Direk, ’Sige lang Solenn, Mikael, tuloy lang, tuloy lang!’

"So, napapaisip na kami, ’Direk, tama na ba ito?’ Ang tagal na!"

FIRST MOVIE. Maliban sa mga kissing scenes, ano ang aabangan sa kanya ng publiko sa una niyang movie?

"Oo, ang dami nang nagte-text sa akin, nagme-message sa Facebook, na talagang ina-anticipate nila talaga yung Temptation Island kasi napanood nila yung original.

"Sobrang naaliw sila kaya excited na silang makita yung interpretasyon natin," pahayag pa ni Mikael kay Rufa Mae.

Si Mikael ang gumanap sa original character na ginampanan noon ni Ricky Belmonte.

"Ako yung parang partner ni Joshua (portrayed by Sweet), tapos kay Solenn ako mapupunta, kay Pura (Solenn’s character).

"So, ito, good experience talaga."

At challenging din daw ito para kay Mikael.

"Oo, challenging. Kahit anong role naman para sa akin, challenging.

"First time ko dito, first time ko sa acting [sa movie], first time rin sa GMA."

Nasa cast din ng epicseryeng Amaya ng GMA 7 si Mikael na pinagbibidahan ni Marian Rivera, na kasama rin sa Temptation Island.

"So, everything’s a challenge," sabi pa ni Mikael.

"Pero with everyone’s help, siyempre nagiging masaya yung set, nagiging masaya yung production."

Ang iba pang mga artistang bida sa pelikula ay sina Heart Evangelista at Lovi Poe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN