Musician Jo Ramos succumbs to lung cancer

Jo Ramos passed away early this morning, June 27, after battling lung cancer. Jo was a member of the Powerplay band.



Anumang oras ngayon, inaasahan na maglalabas ng official statement si former President Fidel V. Ramos tungkol sa pagpanaw kaninang madaling-araw, June 27, ng kanyang anak na si Jo Ramos.

Sumakabilang-buhay si Jo dahil sa lung cancer.

Ikinabigla ng mga kaibigan ni Jo ang malungkot na balita dahil wala silang kamalay-malay na may mabigat na karamdaman ang ex-presidential daughter na dating member ng Powerplay, ang banda na madalas kasali sa mga concert noon ni Gary Valenciano.

Bukod sa kanyang mga magulang at kapatid, naulila ni Jo ang nag-iisang anak nila ng aktor na si Lloyd Samartino.

Matagal nang hiwalay ang dalawa at ayon sa isang kaibigan ni Lloyd na nakausap nito, noong nakaraang Martes lamang niya nalaman ang sakit ng kanyang ex-wife.

Ibuburol ang labi ni Jo sa Funeraria Paz sa Manila Memorial Park, Sucat, ParaƱaque City.

Sa Biyernes, July 1, naman ang kanyang libing sa Manila Memorial.

Si Jo ay 53 years old.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN