Lovi Poe denies being courted by a Chinese model

"Nakasama ko nga siya for the shoot sa billboard. Isang araw lang, buong araw kaming magkasama. Iyon nga, walang ligawan na nangyari. But then I’m just thankful na nakasama ko siya sa pictorial," says Lovi Poe about Chinese model Ji Huan Bo who is rumored to be courting her.


Si Lovi Poe ang sumalang sa "Don’t Lie To Me" segment ng Showbiz Central kahapon, June 26.

Ang unang binanggit ng host ng naturang segment na si John "Sweet" Lapus ay ang tungkol sa madalas na nakikitang sweetness ni Lovi at ng co-star niya sa Captain Barbell na si Richard Gutierrez.

Kaya ang unang tanong ni Sweet kay Lovi ay kung niligawan ba siya ni Richard.

"No" ang sagot ni Lovi, at "Lie" ang resulta nito sa truth verifier machine.

Pero ayon kay Lovi, "Magkaibigan kami, magkabigan kami.

"Lalung-lalo na marami kaming common friends, at ayun, lagi kaming magkasama sa taping.

"Siguro... iyon lang yun. Masaya kapag kasama siya sa set lagi."

Sa set lang ba sila nagkakasama?

"Well, may mga kaibigan kami na hindi kasama sa Captain Barbell, so may mga times na nagkakasama kami, grupo kami," sabi ni Lovi.

Sa pagkakaalam din ng PEP ay may girlfriend ngayon si Richard, ayon na rin sa pambubuko ng co-star nila sa fantaserye na si Solenn Heussaff. (CLICK HERE to read related story.)

IS SHE SINGLE? Blooming at mukhang inspired si Lovi ngayon, kaya ang pangalawang tanong kay Lovi ni Sweet ay kung single ba siya ngayon.

"Yes" ang sagot ni Lovi at "Truth" ang resulta nito sa truth verifier machine.

Tinanong ni Sweet ang Temptation Island co-star niya kung desisyon ba ito ni Lovi dahil na-trauma siya sa pakikipagrelasyon, o ito ang gusto ng mommy niya na si Rowena Moran, o dahil career muna ang priority ng dalaga?

"Well, siguro desisyon ko na rin yun because ayun, nakikita n’yo naman, mas nakaka-focus ako sa trabaho ko kapag single.

"And marami ka namang makukuhang inspirayon sa iba’t ibang bagay hindi lang naman sa lovelife so...

"Masaya naman ako sa trabaho ko, sa mga kaibigan ko na nakakasama ko.

"So, iyon lang muna, sarili ko muna yung iisipin ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHINESE HUNK. May billboards si Lovi sa China para sa isang clothing line. Kasama niya rito ang isang male Chinese model na nagngangalang Ji Huan Bo—o mas kilala bilang Rock—na sikat sa China.

Totoo bang nililigawan siya ng naturang modelo na kasama niya sa billboard?

"No" ang sagot ni Lovi at "Lie" ang naging resulta sa truth verifier machine ng sagot ni Lovi.

Paliwanag ng aktres, "No, walang ligawan na nangyari.

"Nakasama ko nga siya for the shoot sa billboard. Isang araw lang, buong araw kaming magkasama."

Pero ni hindi raw sila nagte-text-an at ni hindi sila lumabas kahit minsan.

"Iyon nga, walang ligawan na nangyari. But then I’m just thankful na nakasama ko siya sa pictorial."

Pumunta na raw dito dati sa Pilipinas ang naturang modelo for the shoot ng kanilang billboard ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN