Anne Curtis bonds with her dad and other relatives at her brother’s wedding in London

"Kasi parang na-deprived ka of time with your family. Pero sa trip na ’to, parang [we’re] making up for all the oras na hindi kami nagkasama-sama," says Anne Curtis about reuniting with her dad’s family.


Nagkaroon ng pagkakataon si Anne Curtis na makipag-bonding with her father, James Curtis-Smith, and his side of the family sa London.

Umalis si Anne noong June 16 para um-attend ng kasal ng kanyang kuya na si Jaime.

Nakapanayam ng The Buzz si Anne sa pamamagitan ng telepono.

Kuwento niya, "Mga nagsiliparan kami from Australia, from Bahrain. Lahat andito para sa kasal ng kuya ko.

"Basically, we did a lot of tourist stuff. Tiningnan namin yung Buckingham Palace, the changing of the guards.

"We watched the plays, the Phantom of the Opera, Les Miserables, [we went to the] V&A Museum...

"Ang dami naming ginagawa, a lot of walking. Masaya, masaya.

"Nagsama-sama ang pamilya, kuwentuhan, chikahan."

Masaya raw si Anne dahil after a long time, ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makita ang mga kamag-anak sa side ng daddy niya.

"Yes, oo, super-duper rare.

"Yung mga ate ko, medyo matagal na naming hindi nagkita, mga seven years na!

"Alam mo, ang dami naming dinners na nag-iiyakan, nagkukuwentuhan, nagyayakapan.

"So, it’s really been a lovely time."

Naging emosyunal din daw ang daddy ni Anne sa naging reunion at makitang magkakasama ang kanyang mga anak.

"Rarely do I see my dad cry," sabi ni Anne.

"Dito sa trip na ’to, siguro mga apat na beses ko na siyang nakikitang umiiyak.

"So, ibig sabihin, kapag nakita mo ang dad mo na umiiyak, lahat kami nag-iiyakan din.

"To be able to spend time with him, iba yung bonding.

"Kasi parang na-deprived ka of time with your family. Pero sa trip na ’to, parang [we’re] making up for all the oras na hindi kami nagkasama-sama."

Dahil nga sa kasal ng kuya niya, tinanong si Anne kung na-inspire na rin ba siya sa kasal niya in the future.

"Naku, hindi pa. Medyo matagal pa siguro yun," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron pa akong dalawang kapatid na kailangang mauna sa akin.

"Basta, magkakasama ang pamilya, kapag dumating na ang oras na ikakasal ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN