Kylie Padilla says Aljur Abrenica is already close to her family, especially to her mom

"He’s a family man. He thinks of his family first. Sobrang honest. Sobrang truthful. Kailangan niyang magsabi ng totoo. At saka, ano siya, down-to-earth. Alam niya kung mali siya, magso-sorry siya. Hindi siya yung kung mali siya, sasabihin pa niyang tama siya," says Kylie Padilla about Aljur Abrenica.


Humarap si Kylie Padilla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling members of the press sa taping ng pinagbibidahan niyang afternoon soap sa GMA-7, ang Blusang Itim, sa Marikina kahapon, June 28.

May suot pang prosthetic si Kylie, bilang Jessa, nang makausap siya ng press.

Ayon sa young actress, masaya siya sa outcome ng Blusang Itim simula nang umere ito noong May 16.

Ayon kay Kylie, "I’m so happy talaga!

"Siyempre, thank you kay Direk [Jay Altarejos], pinapaganda niya talaga ang mga eksena.

"At nakakatuwa kasi, in everything, kung napapansin niyo, may hidden meaning ang mga eksena.

"Halimbawa, nag-aaway si Jessa at Mama niya, may doll na nag-aaway rin. So, nakakatuwa ang mga eksena."

Tinanong ng PEP si Kylie kung saan siya mas nagugustuhan ng viewers—yung maganda siya (Jessica) o pangit siya (Jessa)?

Natawa ito sabay sabing, "Tingin ko po, yung maganda. Kasi, nakiki-tweet ako minsan kina Frank [Magalona] at kay Bodie [Cruz], ’Ang ganda ni Jessica, ang ganda ni Jessica!’

"Pero sa public po, ang tawag po nila sa akin, Jessa. ’Jessa, Jessa, pa-picture!’"

Forty-five minutes daw ina-apply ang prosthetic niya. Hindi na lang daw niya iniisip na makati dahil lalo lang daw niyang nararamdaman. Mabilis naman daw kapag tinatanggal na niya.

DAD & STEPMOM. Natutuwa naman si Kylie sa ama niyang si Robin Padilla at lalo na sa stepmom niyang si Mariel Rodriguez sa pagiging supportive ng mga ito sa kanya.

Kuwento ni Kylie, "Si Tita po, madalas siyang mag-tweet. Tapos... Nakakahiya nga po, kasi sa ABS pa siya nanonood ng Blusang Itim.

"After ng Yipee, hindi pa siya umuuwi, nanonood pa siya do’n!"

Ang Happy Yipee Yehey! ang noontime show na hinu-host ni Mariel sa Kapamilya network.

Ano naman ang comment ng kanyang Papa sa kanya?

"Wala naman po, kasi busy naman siya sa Guns and Roses," sabi ni Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ang comment lang niya, ’Anak, huwag mong masyadong dibdibin ang mga problema ni Jessa. Baka naman iuwi mo sa bahay ’yan. Huwag mong sa bahay iiyak ’yan.’

"Sabi ko, hindi naman siguro!" natatawa niyang kuwento.

Nakikita ba ni Robin na affected siya sa character na gingampanan niya?

"Hindi naman, may mga situation lang siguro si Jessa na nakaka-relate.

"Sabi ni Papa, ’Anak, huwag mong ibalik sa mga nangyari sa atin dati.’

"Hindi naman po lahat, pero naramdaman ko na rin ang emotion ni Jessa."

Hindi pala siya mahirap paiyakin?

"Dati, nagkaroon ako ng emotional block. Masyado ko pong naiisip yung mga eksena, hindi ako makaiyak.

"There were few tapings na parang ang hirap. Pero ngayon, I’m getting there already," sabi niya.

Hiningan din namin si Kylie ng reaction tungkol sa plano raw ng Papa niya na dalhin si Mariel sa Vatican City para humingi ng permiso na makasal sila sa Catholic church.

Sabi niya, "Go! Para sa pag-ibig. If they feel na tama.

"Alam naman ni God na Muslim pa rin siya [Robin], di ba?

"Siyempre ako, gusto ko na maging masaya sila.

"Basta masaya si Tita at si Papa, masaya na rin kami."

HER OWN SERIES. Favorite daw talaga ni Kylie ang drama at action.

What about comedy?

"Kaya ko. Pero I’m sure, may mas magaling sa akin!" natatawa niyang sabi.

Dalawa ang leading men ni Kylie sa Blusang Itim—sina Frank Magalona at Carl Guevara.

Pero aminado naman si Kylie na mas nagiging close siya kay Frank.

At this point, masasabi niya ba na kahit paano ay napatunayan na rin niya na kaya na nga niyang magdala ng sariling series?

"Ayoko pong isipin na napatunayan ko na, baka kasi mawala. At saka, kailangan ko pang galingan.

"At saka, may mga nababasa pa rin po akong negative comments," sabi ni Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naaapektuhan ba siya sa negative comments sa kanya?

"Noong una po," sagot niya.

"At saka, totoo naman po ang sinasabi na hindi mo naman kayang i-please ang lahat.

"Kapag masaya ka sa eksena, yun na lang. Masaya ka.

"Siyempre, galingan mo pa."

ALJUR ABRENICA. Halatang masaya naman si Kylie sa sinabi ni Aljur Abrenica kailan lang sa press na "exclusively dating" sila ng anak ni Robin Padilla. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Kylie, "M.U. (mutual understanding)" at "getting-to-know stage" na raw silang dalawa.

Pero aminado si Kylie na malapit siya sa pamilya ni Aljur, lalo na sa mommy nito.

Katwiran ni Kylie sa bagay na ito, "Dapat naman po kasi, kapag may nanliligaw, dating someone, kilala yung pamilya.

"Para hindi lang siya. Para lahat kayo, you’re like family na."

Tinanong din ng PEP si Kylie kung gusto ba niyang sa next project nila ay sila na ni Aljur ang magkapareha.

"Isa ’yan sa mga pangarap ko," nakangiti niyang sagot.

Ano ba ang nagugustuhan niya kay Aljur?

"He’s a family man. He thinks of his family first," sabi ni Kylie.

"Sobrang honest. Sobrang truthful. Kailangan niyang magsabi ng totoo.

"At saka, ano siya, down-to-earth. Alam niya kung mali siya, magso-sorry siya.

"Hindi siya yung kung mali siya, sasabihin pa niyang tama siya."

May mga intriga kay Aljur na tipong playboy at maraming girls na nali-link dito. Hindi ba siya naaapektuhan dito?

"Noong una, parang ganoon nga," pag-amin ng young actress.

"Kasi yun ang pinalabas na image niya.

"Pero naiintindihan ko na ganoon pala talaga. People will use you.

"At saka sa pagkakakilala ko kay Aljur, hindi naman. Hindi siya ganoon."

In love ba si Kylie ngayon?

Natawa ito sabay sabing, "Puwede bang next question na lang?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN