Chariz Solomon’s Chinese businessman boyfriend wants an "11-11-11" wedding

"Actually, gusto na rin naman namin. Pinag-uusapan na namin. Gusto na rin naman namin kasi wala na rin naman kaming pupuntahan. Hindi na rin naman ako naghahanap ng ibang kalalakihan. Okay na okay na ako sa kanya. Kaya lang, ang bata ko pa kasi, 21 pa lang ako. Siya 31, ako 21," says Chariz Solomon about the possibility of getting married this year.


Kitang-kita sa mukha ng young comedienne na si Chariz Solomon kung gaano siya kasaya at kakuntento sa buhay at sa career niya ngayon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chariz sa taping ng GMA-7 afternoon soap na Blusang Itim noong June 28, Martes, sa Marikina.

"Eto, masayang-masaya!" bulalas ni Chariz nang kumustahin namin siya.

Saan naman nanggagaling ang kasiyahan niya ngayon?

"Sa paycheck!" natatawa niyang sabi.

"Hindi, actually, meron akong Blusang Itim, Andres de Saya.

"Kahit na nawala ang Tweetbiz, binigyan naman ni Lord ng kapalit."

Kaka-renew lang daw niya ng three-year contract sa GMA Artist Center, na automatic additional three years kung gusto pa siya ng talent arm ng Kapuso network.

Ayon naman kay Chariz, "Okay naman po, sobrang saya. Hindi naman po nila ako pinapabayaan.

"Siyempre po, sa Artist Center dahil marami kayo do’n, gagawin mo rin ang part mo.

"Yung parang, paano mo ibebenta ang sarili mo? Paano mo nga ba ibebenta ang sarili mo?

"By working hard and being professional and being friendly to everybody. Sharing your blessings."

NON-SHOWBIZ BOYFRIEND. Pagdating naman sa kanyang personal life, feel blessed and happy rin si Chariz dahil mas lalo raw nagiging strong ang relationship nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

"Still going strong, magpa-five years na po," banggit niya.

Wala pa rin ba silang planong pakasal, lalo na’t ilan sa mga kaibigan niya ay nagpakasal na, like Say Alonzo?

"Oo nga, e! Ang dami na! Ngayong year, apat na wedding ang pinuntahan namin.

"Actually, gusto na rin naman namin. Pinag-uusapan na namin. Gusto na rin naman namin kasi wala na rin naman kaming pupuntahan.

"Hindi na rin naman ako naghahanap ng ibang kalalakihan. Okay na okay na ako sa kanya.

"Kaya lang, ang bata ko pa kasi, 21 pa lang ako. Siya 31, ako 21."

Kinu-consider lang din daw ni Chariz ang career niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, "Gusto niya nga, 11-11-11.

"Kaso, hindi pa ako puwede no’n, kasi 22 pa lang ako by then.

"E, baka biglang mawalan ng gana sa akin ang mga utaw!"

Feeling niya ba maaapektuhan ang career niya kapag nag-asawa siya?

"Di ba puwede?" balik-tanong naman niya.

"Pero siguro nagtanong din ako, supporting naman ako, wala naman akong loveteam.

"Ako, gusto ko na rin."

Ayon kay Chariz, Chinese businessman ang boyfriend niya na nagngangalang Nestor Ng.

Malapit daw siya sa pamilya ng boyfriend.

Nakapag-travel na rin daw sila ng boyfriend sa iba’t ibang bansa tulad ng Hong Kong, Thailand, Singapore, at Australia.

So, posible na sa 11-11-11 o November 11, 2011?

"Hindi pa!" sambit niya.

"Gusto ko kasi kapag ikinasal ako, perfect. Parang fairy-tale wedding.

"Ako si Tinkerbell. Yung huma-harness papunta ng aisle, hindi ako lumalakad.

"Yung boyfriend ko, natatawa lang siya, pero willing naman siya to pay!" natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN