Mariel Padilla calls out Aiza Seguerra and Liza Diño for their rash behavior

May 10, 2016
<p>Nanawagan si Mariel Padilla na dapat bago man lang mambatikos ang ibang tao ay mag-imbestiga muna ito kung totoo ba ang lahat ng kanilang nakikita. Ito ay kaugnay ng pambabatikos na natanggap nila ng kanyang mister na si Robin Padilla kahapon dahil sa

Ikinalulungkot ni Mariel Rodriguez-Padilla ang aniya’y hindi magandang inasal ng mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño.

Ito ay kaugnay sa puna ng dalawa sa mga taong nag-selfie na kita ang kanilang mga balota o may suot na T-shirt na may pangalan ng kanilang kandidato at mismong litrato ng kanilang shaded ballot sa idinaos na halalan kahapon, May 9.

Kabilang sa mga nabatikos dahil dito si Mariel at ang mister niyang si Robin Padilla.

Read: Robin Padilla and Mariel Rodriguez accused by netizens of violating Comelec rules

Nagpaliwanag na si Mariel dito sa kanyang Instagram kahapon din.

Humingi na rin ng paumanhin si Aiza kay Robin at tinanggap naman agad ito ng Pilipinas Got Talent judge.

Read: Aiza Seguerra apologizes to Robin Padilla for nasty comment about election ballot photo

CHECK YOUR FACTS. Tila hindi naman ikinatuwa ni Mariel ang pangyayari.

Ngayong araw, May 10, matapos lumabas ang balitang humingi na ng dispensa si Aiza kay Robin, nag-post kaagad ang It’s Showtime host sa Facebook ng kanyang saloobin sa isyu.

Continue reading below ↓

Aniya, bago mamuna sina Aiza at Liza, sana raw ay nagtanung-tanong muna sila kung ano ba ang totoo.

Pahayag ni Mariel, “It is important to check your facts. But I appreciate your balls to apologize.

“Thank you! We were saddened because we believe in you and Liza for helping the oppressed.

“We didn't ever think such rash behavior could come from you.

“But its done... as the New President said... it's time to start healing.”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy marahil ni Mariel ay ang katotohanang hindi talaga botante si Robin kundi printout lamang ang sample ballot mula sa Comelec website sa ipinost nitong shaded ballot sa kanyang Instagram.

Paliwanag ni Mariel, “People should be more careful. They shouldn't assume!

“IT WAS A SAMPLE BALLOT!!! We call this the Trillanes Syndrome...

“No evidence all talk. If anyone can prove that Robin Padilla went to a precinct, voted and took photos of his ballot I will help you convict him.

“I am that sure that Robin didn't do that... Why? Because ROBIN PADILLA CAN NOT VOTE!!!!”

Ang tinutukoy ni Mariel ay hindi maaaring makaboto si Robin dahil nakulong ito noon.

Read Next
Read More Stories About
Aiza Seguerra, Liza Dino
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Nanawagan si Mariel Padilla na dapat bago man lang mambatikos ang ibang tao ay mag-imbestiga muna ito kung totoo ba ang lahat ng kanilang nakikita. Ito ay kaugnay ng pambabatikos na natanggap nila ng kanyang mister na si Robin Padilla kahapon dahil sa
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results