Aiza Seguerra still places recording career above other works in showbiz; composes song inspired by Jose Rizal

"If you look at history, kung ano yung bagay na ginagawa sa atin ng mga prayle noon, basically ay siya namang ginagawa ngayon sa atin ng mga officials at ng ibang taong maimpluwensiya. Wala pa rin yung equality, pagiging fair, and yun ang funny thing... 100 years ago ganoon na yung ginagawa sa atin, and until now, yun pa rin ang ginagawa sa atin," says Aiza Seguerra.


Mas focused si Aiza Seguerra sa music, kumpara sa iba pa niyang pinagkakaabalahan sa showbiz.

Although wala naman daw problema kahit magkontrabida siya bilang aktres, pero dapat lang ay walang conflict ito sa kanyang pagkanta.

Hindi naman daw niya nakakalimutan ang pag-arte, pero aminado siyang singing pa rin ang kanyang priority.

"Siguro ngayon, siyempre aside sa mga Enteng [Kabisote] movies—dahil yun talaga hindi puwedeng wala ako doon—so, hindi naman nakalimutan.

"Kasi parang bumalik naman ako talaga as a singer, hindi na aktres. Although malapit naman sa puso ko ang pag-arte," saad ni Aiza sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa bakuran ng ABS CBN.

Dagdag pa niya, "Kontrabida role? No problem, okay sa akin yun.

"Teleserye? The reason na hindi ako na tumatanggap, although gumawa ako ng Ysabella, dahil vocally challenging ito.

"Since trabaho ko gig, MWF taping, hindi ka natutulog, iyakan, sigawan...

"So, pagdating mo sa gig, wala ka nang boses, patay ako! Yun ang problema," paliwanag niya.

So, priority niya ang singing?

"Oo, yun na talaga. Although minsan kung kailangan talagang umarte, napipilitan."

Gumagawa lang ba siya ng pelikula kapag si Vic Sotto ang kasama?

"Hindi rin, siguro kapag may magandang script talaga na... Lately kasi since tomboy, hindi makahanap ng tamang... kasi nata-typecast din, e.

"Hindi naman ako yung tomboy na pa-girl, kaya mahirap ding humanap ng script na ganoon.

"Although gusto ko talaga ng script na talagang challenging. Yung may depth yung character, yung matsa-challenge ako, game ako doon.

"Parang... Kasi ayokong gumawa ng movies because I need to do movies.

"Gusto kong gawin dahil alam kong magiging maganda," pahayag ni Aiza.

Challenge ba para sa kanya kung mabibigyan ng role na babae talaga?

"Hindi naman, kasi it’s just that mahihirapan na silang ilagay ako sa girl na role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dapat, challenging na medyo hindi normal na tao, deep inside, something wrong sa kanya.

"In the story mismo, yung kailangang i-research, pag-isipan," seryosong sabi ng dating child superstar.

WILLIE REVILLAME. Samantala, ayaw nang pag-usapan pa ni Aiza ang naging hidwaan nila ni Willie Revillame. Ayon sa kanya, nagsabi lang naman siya ng kanyang opinyon at hindi siya nakikipag-away.

Matatandaang naging vocal si Aiza sa pagkadisgusto kay Willie noong kasagsagan ng sinasabing "child abuse" case ng Willing Willie noong Marso. (CLICK HERE to read related story.)

"Unang-una, hindi ako papatol sa ganoon," sabi niya.

"I mean, hindi ako papatol sa ganoong salita.

"Kumbaga, ang importante, nasabi ko ang opinyon ko.

"If may na-offend, sorry, but opinyon ko yun, and I don’t think masama yun."

Personally, hindi naman siya galit kay willie?

"Hindi naman," tugon ni Aiza.

"Kumbaga sa akin, e, importante may nagbago, happy na ako doon.

"Pero okay na yun. Kumbaga, ang gusto ko lang naman is change it.

"Yun lang naman, e, okay na ako doon."

Dahil ba sa nangyari ay madadala na siya sa pagpuna?

"Ay, hindi!" sambit niya.

"Ako yung taong when I say something, I’m thinking of the consequences muna. Wise ba to say this or not?

"And if I feel na kaya kong sabihin, why not?"

SONGS INSPIRED BY RIZAL. Naikuwento rin ni Aiza sa PEP ang isinulat niyang kanta para sa Rock Rizal album titled "Lupang Pinangako," na naglalaman ng mga puna niya sa mga hindi magagandang sistema at ugali.

Kuwento niya, "Katatapos lang namin gumawa ng isang album, isa ako sa contributor sa album na inilabas ng rock, na lahat ng songs doon inspired ni Jose Rizal.

"Ako, isinulat ko si Rizal as a writer. Basically kung ano yung nag-take off sa kanya kung bakit siya nagsimulang sumulat, ano nag-inspire sa kanya kung bakit gusto niya ng kalayaan para sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, maganda-maganda... I think Sandwich wrote naman a song na ang title ’Mi Ultimo,’ na Rizal as a lover, Rizal as an expat... Iba’t ibang persona ni Rizal, e.

"Kasama rin dito yung Eves, Sugar Free, Sandwich, Gloc 9...maganda yung album."

Paano niya pinaghandaan yung song for Jose Rizal?

"Yung song na yun, tula siya before.

"I wrote it matagal na, two years ago pa, pero mahabang-mahabang tula siya.

"Ang funny about this, hindi yun for Rizal. Nagra-rant lang ako. Tungkol sa government, mga nangyayari sa paligid, ganoon.

"Before the recording, nagkaroon ng workshop about Rizal, kaming nag-contribute tungkol sa life ni Rizal.

"So, para kaming nagkaroon ng pag-aaral muli tungkol kay Rizal.

"Pero ang maganda, hindi ka required na aralin, parang wala, gusto mo lang o interested ka lang malaman ang buhay-buhay niya.

"Ibang klaseng experience yun at mas naa-appreciate mo siya.

"At habang nakikinig ako, parang yung mga gusto niyang baguhin basically, nandidito pa rin ngayon, e.

"Kaya nga noong nagbubuklat-buklat ako ng mga isinulat ko before, nasabi ko, ’Putsa, match itong mga sinulat kong ito, a!’

"Kasi parang parehong-pareho, na galit siya sa katangahan, sa mga taong ginagawang tanga ng ibang tao... andun lahat sa mga isinulat ko."

SOCIAL CONSCIOUSNESS. So, tira ba ito sa gobyerno?

"Hindi tira, tira sa kung anong naging tayo, sa kung anong nangyayari na sa mga Filipino ngayon," sabi ni Aiza.

Wala naman kayang magagalit sa kanya sa song na ito?

"Well, kung guilty sila, malamang oo!

"Kasi parang totoo naman, e, if you look at history, kung ano yung bagay na ginagawa sa atin ng mga prayle noon, basically ay siya namang ginagawa ngayon sa atin ng mga officials at ng ibang taong maimpluwensiya.

"Wala pa rin yung equality, pagiging fair, and yun ang funny thing... 100 years ago ganoon na yung ginagawa sa atin, and until now, yun pa rin ang ginagawa sa atin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Namana raw niya ang pagkakaroon ng social consciousness sa kanyang inang si Caring Seguerra, dahil aktibista ito at sumasama sa mga rally noon.

"Siguro mas may avenue lang ngayon," sambit ni Aiza.

"As far as I remember, maano naman talaga ako, nanay ko kasi aktibista, e.

"Kaya nga sinasabi ko, kanino pa ba ako nagmamana, e, nagra-rally pa before ang nanay ko?

"Kahit lumilipad ang kung anu-ano, nati-tear gas ’yan, nakikibaka ’yan! Siguro sa kanya ko namana.

"And para sa akin, the greatest enemy kasi ng tao, yung wala kang pakialam, e.

"And right now, mas mahirap yun kasi hindi puwedeng lahat tayo kumportable lang, di ba?

"So for me, as an entertainer, hindi lang pagiging entertainer ang role ko, e. Kumbaga, kahit paano, mayroon din ilang sumusunod sa akin.

"So, I think it’s about time rin na maging pro-active lahat, di ba," saad niya.

Samantala, bukod sa Sessionistas segment ni Aiza every Sunday sa ASAP Rocks, abala rin ang singer sa iba’t ibang shows here and abroad.

Isa na rito forthcoming show niya this Saturday, July 2 sa Zirkoh, Tomas Morato titled Pagdating ng Moment with Erik Santos, Princess Velasco, Matteo Guidicelli, Ate Gay, Arthur Pangilinan, Timothy Chan, Alexzies, Marc Cubales, at Myron Pareño.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN