Model Victor Silayan follows in footsteps of late grandfather Vic Silayan; signs exclusive contract with TV5

"For sure, kinukumpara nila ako sa lolo ko at sa tita ko. Well, yun nga, it’s up to me to keep the legacy of my grandpa. Ayoko namang sirain ang legacy niya. I’m gonna make him proud. I’ll make my family proud," says newcomer Victor Silayan about entering showbiz.

Victor is the grandson of the late Vic Silayan and the nephew of the late Chat Silayan.


Nakausap nang personal ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang baguhang aktor na si Victor Silayan sa isang mall last week.

Si Victor ang pinakabagong contract star ng TV5, at kasama siya sa kauna-unahang dramaserye ng dating GMA-7 artist na si Nadine Samonte—The Sisters.

Kahit nagsisimula pa lamang siya sa showbiz, kapansin-pansin how Victor easily attracts attention of passersby.

Posibleng ang pagiging modelo niya ang isa sa dahilan kung bakit kahit wala sa harap ng camera, marunong siyang magdala ng sarili at mag-ayos na magmumukha talaga siyang "celebrity."

Guwapo at matangkad ang ilan sa physical characteristic ni Victor na definitely pasok sa pagiging modelo.

Now that he’s the newest contract star of TV5—at pumirma na rin siya sa Regal Films—kaabang-abang kung may kakayahan din si Victor na maging aktor.

Hindi naman malayo itong mangyari dahil may dugong artista ang model turned actor.

Si Victor ay apo ng yumaong mahusay na aktor na si Vic Silayan (Kisapmata, Karnal). Tiyahin naman niya ang yumao na ring actress-TV host na si Chat Silayan.

More than the pressure, nakikita namin ang excitement sa pagsabak ni Victor sa showbiz.

"First time ko ever to really be in showbiz. So, I am excited.

"Sa modeling naman, I just started last year, puro commercials, ramp especially in Bench."

VICTOR’S PROFILE. Victor’s full name is Jose Mari Victor Silayan, and his nickname is Jome.

He is the son of Ruben Victor Silayan and Roxanne Espino.

Ang daddy ni Victor ang pinakamatanda sa mga anak ni Vic Silayan.

Victor is 19 years old, 5’10", and a mixed martial artist.

He is presently studying Economics with Applied Corporate Management at La Salle Taft.

He has done several TV commercials.

Na-discover daw siya ng kanyang manager na si Neil de Guia sa Philippine Fashion Week bilang isang photographer, not knowing na after just a few days ay siya na ang rumarampa bilang modelo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m also into photography. Maka-Diyos," banggit ni Victor sa kanyang sarili.

"I take my study seriously. I take whatever I do seriously. I do everything with passion.

"Getting in showbiz, I want to do it with ethic...with respect.

"I’m very impulsive. If I think of anything and I want to do it, I’ll do it.

"But it’s always nice to be organized, prepared."

SURPRISE AUDITION. Supposedly, meeting lang daw ang pupuntahan ni Victor sa TV5, pero nauwi siya sa audition and immediately he was signed up as the Kapatid network’s new contract artist.

"Na-surprise nga rin ako na nakuha. Nagulat din ako. Parang less than a month lang yata since then.

"And feeling ko, maganda siyang background for me. I’m in TV5, a new network, and at the same time, I’m also new. Parang mas maganda.

"Kaka-start pa lang and you come into a new network. Parang everything just right na sa TV5 ako," saad niya.

Hindi itinanggi ni Victor that he was supposed to be part of the GMA-7 epicserye Amaya as one of Marian Rivera’s leading men.

Pero hindi raw nagtugma sa schedules niya dahil finals na nila sa school at that time.

"Priority ko kasi ang school," paliwanag niya.

"At least, with TV 5, napag-usapan namin ang schedules and very flexible naman sila.

"Natuwa naman ako. So, sige, game.

"At least, hindi ako pressured sa school.

"Sa akin na lang yung mag-time management.

"At least, sisipagin ko na lang."

Ano raw ang mga plano ng TV5 sa kanya?

"So far, wala pa akong naririnig," sabi ni Victor.

"Pero yun nga, ang first teleserye ko raw ay The Sisters.

"I’ll be the brother of Wendell Ramos, rich kid. And I heard na partner ko si Eula Caballero."

Ang unang naglabasang report ay isa siya sa leading men ni Nadine Samonte, how come na tila naging support na lang siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For me, mas okay yun," sabi naman ng baguhang aktor.

"At least, they put me somewhere down. Hindi naman yung mababa, pero at least mas gusto kong mag-start na mababa.

"Para at least, maganda ang foundation ko. Para makita ko in every role, hindi agad yung bida.

"Kasi kapag bida agad, tapos palpak pa akong mag-acting.

"At least, I started from the bottom. Hindi yung sa taas tapos baba."

ACTING WORKSHOP. At present, he’s doing a lot of acting workshops under Ann Villegas.

Kuwento ni Victor, "Ang dami kong natutunan sa acting. Sobrang saya palang mag-acting!

"Nakikita ko ang essence of acting. It’s not just an acting, totohanan siya, e. It’s a true emotion. Sobrang nice."

Marami ba siyang paghuhugutan ng emosyon?

"Feeling ko, marami," sagot niya.

"It’s also a process of getting to know yourself.

"It’s also nice that you get to know yourself na kaya ko pala ang ganito, instead na ganito pala ako. Masaya."

May pressure na ba siyang nararamdaman being a Silayan?

"Well, maraming comments na nakikita at naririnig ko.

"For sure, kinukumpara nila ako sa lolo ko at sa tita ko.

"Well, yun nga, it’s up to me to keep the legacy of my grandpa.

"Ayoko namang sirain ang legacy niya.

"I’m gonna make him proud. I’ll make my family proud," saad niya.

ENTERING SHOWBIZ. It was only last year that he started modeling at ngayon naman ay pinasok na niya ang showbiz.

Pero bakit ngayon lang siya nag-decide na pasukin ang mundo ng showbiz?

"Honestly, hindi ko talaga hilig," sabi ni Victor.

"Pero kasi as a kid, nag-start na kaming mag-acting.

"Kami ng sis ko, palagi kaming magulo. Videotape kami ng mga kalokohan, gagayahin namin ang mga commercials.

"And then, for some time, because of my sports, mixed martial arts, parang there’s the bad side of me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko ng modeling, ayokong magpa-cute, ayokong mag-smile, yung ganyan.

"Parang fighter ako, hindi ako magpapa-cute.

"Then, after a while, nag-commercial, nag-casting, nakita ko masaya. Parang naalala ko ang childhood ko.

"Ganoon din naman ako dati, masaya ako. Palagi akong nag-i-smile.

"Tapos yun, after commercials, they said there’s a possibility to get in showbiz."

Supportive naman daw ang pamilya niya sa pagpasok niya ng showbiz.

"My family is really supportive, and knowing that my family is really old-fashioned, conservative."

UNDERWEAR MODEL. Medyo nagulat kami nang sabihin ni Victor na "conservative" ang family niya. Ito ay dahil isa siyang underwear model.

Isa siya sa rumampa sa Bench underwear fashion last year, at meron din siyang sexy billboards.

Natatawang kuwento ni Victor, "Yung billboard ko, hindi ko sinabihan na may billboard ako.

"Yung Bench Uncut, hindi ko sinabi na nandoon ako.

"It’s not being pasaway naman, ayoko lang na manood sila na io-open ang show na naka-underwear [ako]."

Ano ang naging reaction ng family niya nang malaman nila na rumampa siyang naka-underwear?

"Well, masaya ang family. Down-to-earth naman ang family. Supportive sila.

"Yung ibang members ng family, most, hindi alam na nandoon ako.

"Yung iba, alam na may billboard ako, pero ang alam may damit ako.

"Yung mga nakaalam, atin-atin na lang!" natatawa pa niyang kuwento.

Paano siya na-convince na rumampa na naka-underwear?

"Actually, hindi ko alam na underwear pala yung na-sign ko. Kasalanan ni Neil definitely!" natatawang biro niya.

"But it’s okay. Noong una lang ako na lumabas na naka-underwear, nakatago ako.

"Pero noong nakita ko na lahat naka-underwear din, so parang lahat naman pala, pati babae. So, okay, be-blend in na lang ako."

Is he willing to do more than that?

"As long as it’s with Bench, at least no malice," sagot niya.

Puwedeng ikonek na rin kaya niya ang magpa-sexy sa kanyang acting career?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, I guess, baka..." sagot niya.

"I guess, I’m still finding out who I am, what I am in showbiz."

Ready na rin daw si Victor sa anumang intriga na susuungin sa showbiz.

Alam daw niyang part ng mundong pinasok niya ang intriga.

ROLE MODELS & CRUSHES. Tinanong din ng PEP si Victor kung sino ang mga hinahangaan niyang mga artista.

"Well, one would be my grandpa [Vic Silayan]," sagot niya agad.

"I saw his film, yung Kisapmata, and I want to watch Badjao too. I want to know his style.

"Hindi ko kasi siya na-meet. Namatay siya mga two years before na ipinanganak ako. So, sayang."

Pero na-meet daw niya ang Tita Chat Silayan niya.

"We did some memories together. Nagkakasama-sama kami," sabi niya.

"Pero sa mga present actors, I guess I look up to those actors who are well-respected; like Aga Muhlach, Richard Gomez, John Lloyd Cruz.

"Nice personality, magaling umarte. Hindi pinasukan ang acting na pogi lang, ngingiti-ngiti lang."

When it comes to his crushes in showbiz, unang binanggit ni Victor ang pangalan ni Marian Rivera.

"Ang ganda niya, e!" sambit niya.

"Also, Anne Curtis. But when I saw her sister [Jasmine Curtis Smith], ’Wow, ang ganda niya, parang si Anne ’to!’

"Also, si Heart Evangelista.

"Mas gusto ko kasi ang cute over pretty. And personality, of course."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN