Newcomer CJ Caparas does not feel any pressure being the son of "mega couple" Carlo J. Caparas and Donna Villa

"Hindi ko po masyadong mina-mind yung mga naglalagay ng pressure dahil nga anak ako ng mega couple. Dahil hindi din naman po ako pipiliin na gawin itong ginagawa ko kung wala ho silang nakitang potensiyal sa akin. So, actually proud ako, imbes na ma-pressure," says CJ Caparas.


Maituturing na baguhan sa larangan ng telebisyon dahil unang primetime show ni CJ Caparas ang Bangis ng TV5.

Nakalabas na siya sa ilang indie movies dati, pero ngayon ay masasabing pinasok na niya ang mainstream showbiz field via his role as Falcon na kaibigan ni Leon, played by Oyo Sotto, sa Bangis.

Kaya hindi na siya nahirapang mag-adjust sa buhay-artista, lalo pa nga at anak siya nina Carlo J. Caparas at Donna Villa.

"Kasi mula pagkabata ko, nakikita ko na itong mga ganitong buhay, e, so... Naninibago ako kasi ako na mismo ngayon ang nandito

"Hindi na ako nanonood lang," pahayag ng 21-year-old na si CJ sa presscon ng Bangis sa Annabel’s restaurant last Tuesday, June 28.

Hindi ba siya nag-request na siya ang gawing bida sa Bangis tutal naman ay ang ama niya ang lumikha ng comics novel na Matatalim Na Pangil Sa Gubat na pinagkuhanan ng kuwento nito?

"Never po, never po akong nagre-request ng role," sabi ni CJ.

"Gusto ko pong magsimula sa ilalim, e. Ayoko pong isipin ng ibang tao, dahil lang sa dahilan na ito, na nasa itaas na agad.

"Gusto kong ma-feel yung akyat. Gusto kong umakyat na dahil sa sarili ko.

"Para hindi biglaan yung pressure sa iyo."

Very first primetime show niya ang Bangis.

"Dati po mga indie indie, yung kay [Manny] Pacquiao, tapos mga maliliit na ano po [roles].

"Yung indie film po nila na Pangarap Kong Jackpot na trilogy, yung kay Pacquiao po, nandun ako."

TOP 3 FEMALE STARS. Naitanong naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay CJ kung sinong local female stars na hinahangaan niya; hiningi namin ang kanyang top three.

"Number one si Marian Rivera. Kasi po ano, yung dating niya po, iba, e.

"Parang... fresh na ano, yung hindi siya yung pangkaraniwan.

"Tingnan mo, pananalita pa lang, naiiba siya. At yung beauty, nandun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tsaka yung acting prowess, nandun. So, hinahangaan ko si Madam Marian.

"Number two... Siguro si Anne Curtis dahil sa the way na pagdadala niya sa sarili niya.

"At saka at the same time, hindi rin maraming katulad yung ganda niya.

"Number three ang kababata ko, si Danita [Paner].

"Maliban sa kababata ko siya, nakita ko po na na-develop siya.

"Kasi dati sinasabi niya sa akin ayaw niyang mag-showbiz, parang ako.

"E, ngayon na umabot na siya diyan, I’m proud na nakikita ko na yung kababata ko is doing well sa propesyon na sinabi niya na hindi siya masyadong interesado noong una.

"So, hanga ako na naka-adjust siya."

Si Danita ang leading lady ni Oyo Sotto sa Bangis.

MEGA PRESSURE. Hindi ba nahirapan si CJ, wala bang pressure na ang parents niya ay ang tinaguriang "mega couple" o "mega producers" sa showbiz?

"Hindi po, actually mas madali po dahil hindi ko po iniintindi ang pressure at expectation, e.

"Ang gusto ko lang pong mapasaya, ang pamilya ko, ako, at mga kaibigan ko.

"Hindi ko po masyadong mina-mind yung mga naglalagay ng pressure dahil nga anak ako ng mega couple.

"Dahil hindi din naman po ako pipiliin na gawin itong ginagawa ko kung wala ho silang nakitang potensiyal sa akin.

"So, actually proud ako, imbes na ma-pressure," saad niya.

Gusto rin ba niyang maging direktor tulad ng ama niya?

"Hindi po, ayoko po," sagot ni CJ.

Mas gusto raw ni CJ na maging isang lawyer someday.

"Pero directing, no, I don’t think I will go into that.

"Hanggang acting lang po ako kasi I think masyadong... too much effort na kung directing, tsaka hindi ko expertise iyon, e.

"Gusto ko nasa harap ako ng camera, huwag na behind the camera.

"At saka nagawa na ng dad ko ’yan, e, nakita ko na rin kung paano, yung puyatan... mahirap ang buhay-direktor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CJ’S PARENTS. Kanino siya mas close—sa mommy niya o sa daddy niya?

"Both talaga, e," sagot ni CJ.

"Pero nung bata ako, daddy talaga yung kumukunsinti sa akin.

"Pero ngayon na nag-mature na ako, talagang pareho sila, e."

Sa ngayon ay nagho-home study program si CJ. Bago ito ay incoming fourth year Economics student siya sa Ateneo de Manila University.

Minana raw niya sa mga magulang niya ang "pagiging humble nila, yung humility at kindness nila towards other people.

"Yung pagiging considerate, yung pagiging down-to-earth, yung mga positive attitude."

Pero aminado si CJ na meron din naman siyang negative traits tulad ng, "Minsan nagkaka-saltik ako, umiinit ulo ko.

"Pero dala na rin ng puyat yun, dala na rin ng pagod, kaya minsan ganun."

Pareho ba sila ng "saltik" ng daddy niya?

"Opo! Parehong-pareho!" natatawa niyang sabi.

So, alam niya lahat ng tantrums ng tatay niya?

"Not everything, pero marami akong alam parang ganun din ho, malala!" at muling natawa ang binata.

May girlfriend na ba siya?

"Depende!" ngisi niya, sabay sabing, "Meron, meron."

Isang commercial and print ad model ang girlfriend ni CJ na nagngangalang Kookie Ablaza. Five months pa lang daw sila.

Nagka-girlfriend na ba siya ng artista?

"Hindi po," sabi ni CJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN