Royette Padilla arrested for allegedly beating up his wife

"He got angry at me and started screaming inside the bar... when I stood up to leave, he grabbed my arm and pushed me to a corner. He started punching me in the face until I fell down. Royette continued punching me even as I was lying on the floor," says Jane Cheryl, Royettte’s wife, who filed a case against the ex-actor.


Inireklamo ng pananakit ang dating aktor na si Royette Padilla, 49, ng kanyang asawang si Jane Cheryl, 39, matapos daw siyang saktan nito sa isang bar sa Angeles, Pampanga bandang alas-dos ng umaga kanina, July 4.

Si Royette ay kapatid ng action star na si Robin Padilla at ni Rustom Padilla, na ngayon ay mas kilala bilang BB Gandanghari.

Ayon sa report ng inquirer.net, hinuli si Royette ng Clark Development Corp. (CDC) security personnel at Angeles City policemen habang nagmamaneho sa main gate ng freeport bandang 4 a.m. Kasama ni Royette noon ang kanyang apat na taong gulang na anak na lalake.

Ayon sa sworn complaint na isinumite ni Jane sa Station 4 ng Angeles, Pampanga, nasa V8 Resto Bar daw sila sa Clark, Pampanga, upang ipagdiwang ang kaarawan ng kanilang anak.

Bandang ala-dos daw ng umaga ay niyaya na niya ang kanyang asawa na umuwi.

Pero kuwento ni Jane, "He got angry at me and started screaming inside the bar... When I stood up to leave, he grabbed my arm and pushed me to a corner. He started punching me in the face until I fell down. Royette continued punching me even as I was lying on the floor."

Kaya naman daw nang makatakas siya ay iniwan muna ni Jane ang kanyang anak at dagling nagsumbong sa mga kinauukulan.

Agad naman daw rumesponde ang Clark Development Corporation (CDC) security personnel, na humiling kay Royette na pasamahin ang anak niya sa nanay nito, ngunit tumanggi ang dating aktor.

Umalis daw ang aktor makalipas ang halos tatlumpung minuto kasama ang anak nito. Pero hindi na sila nakalayo dahil agad na hinarang ng mga pulis ang minamaneho nitong Nissan Safari sa Clark main gate.

Ayaw pa sanang sumuko ng dating aktor, pero nang pakiusapan siya ni acting city police chief na si Senior Superintendent Rodolfio Recomono Jr. at ng Station 4 commander Chief Inspector na si Luisito Tan, pumayag na rin ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pina-medical muna daw si Royette bago ito na-detain sa city jail ng nasabing probinsiya.

Nahaharap ngayon si Royette sa kasong violation of Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004), na isinampa ng kanyang asawa sa Angeles Prosecutor’s Office.

Naging kontrobersiyal noon si Royette matapos nitong sabihin na siya ang brigadier general ng grupong H-World United Nations Philippine Military Government International Police Commission noong 1990s.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN