Aiko Melendez now in good terms with ex-husbands Jomari Yllana and Martin Jickain

"Gusto kong maranasan na nagta-traffic sa Edsa sa kakahabol nila sa akin!" says Aiko Melendez about being ready to accept suitors again.


Live guest si Aiko Melendez sa The Buzz kahapon, July 3, para na rin sa kanyang pagbabalik-telebisyon sa bagong serye ng ABS-CBN, ang Reputasyon.

Ang nag-interview kay Aiko ay si Boy Abunda, na siya ring tumatayong manager niya.

Ayon kay Aiko, kakaiba ang role niya sa Reputasyon.

"First time kong mag-offbeat role. So, excited ako na paglaruan ang character.

"Excited ako to work with the cast. Everything is really perfect," sabi niya.

READY TO ACCEPT SUITORS. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami ang kinahinatnan ng relasyon ni Aiko kay Bulacan, Bulacan mayor Patrick Meneses.

Pero ang tanong ni Boy kay Aiko ay kung handa na ba itong umibig muli.

"Hindi, Tito Boy, handa lang akong magpaligaw," sagot ng aktres at dating konsehal ng Quezon City.

Ano ang pagkakaiba ng dalawa?

"Ang magpaligaw is gusto kong maranasan na nagta-traffic sa Edsa sa kakahabol nila sa akin!" natatawang sabi ni Aiko.

MARTIN JICKAIN. Usap-usapan na may maganda silang relasyon ngayon ng kanyang ex-husband at ama ng anak niyang si Marthena na si Martin Jickain. Patunay raw nito ang palitan nila ng tweets sa kani-kanilang Twitter account. Ito ay sa kabila ng hindi rin nila magandang paghihiwalay noon.

May possibility kaya na magkabalikan silang dalawa?

"With Martin kasi, mas na-realize ko na mas okay kami na magbarkada.

"Kasi kami ni Martin, kapag magkasama kami as boyfriend or mag-asawa, nag-aaway kami. One thing that I realized and I told Martin about it.

"Sabi ko, ’Martin, okay pala na magkaibigan tayo kasi nauutusan kita!’" natatawa niyang kuwento.

Dagdag pa niya, "Dati, hindi ko nauutusan ’yan."

JOMARI YLLANA. What about her first husband Jomari Yllana?

"Si Jom, nagkataon na pareho kaming single. Yes, very much single," sambit niya.

At dahil pareho silang single, nagpaparamdam ba ito?

"Actually, kagabi, kausap ko siya. Siya ang mas excited sa akin for Reputasyon. Tinuturuan niya ako. Acting coach ko nga si Jom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And na-feel ko na siguro, noong time na may karelasyon ako, may boyfriend ako, hindi kami ganoon ka-okay ng mga exes ko.

"Pero ngayong wala na, mas naging magaan ang lahat. Pati relasyon ko kay Jom, mas relax na ngayon."

Hoping din ba siya na in time, magiging okay rin sa pagitan nila ni Patrick?

"Siguro darating din ang panahon...yeah," sabi niya.

"There’s nothing impossible naman in this world, di ba? Lalo na kung mas ikakaganda ito ng lahat ng bagay para kay Patrick at para sa akin. Why not naman?"

REPUTASYON. Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya kina Laurice Guillen, Jaclyn Jose, at Cristine Reyes sa Reputasyon?

"Si Cristine, napamahal ako sa kanya dito. Si Cristine, hindi mahirap kapain.

"Alam ko na si AA, as we call her, kapag tahimik siya, nandoon lang siya sa isang tabi.

"At kapag masaya siya, kaya ko siyang tantiyahin lalo na kapag nandoon si Rayver [Cruz, Cristine’s boyfriend]!" natatawang sabi niya.

Madalas bang dumalaw si Rayver?

"Kasama siya, e," sabi ni Aiko, na ang ibig sabihin ay kasama sa cast si Rayver.

Pero sabi ni Aiko, kung eksena ni Cristine ay wala naman daw doon si Rayver.

"You know, it’s one thing na maganda sa kanila. Hindi sila nagbababad sa isa’t isa.

"Nagtatawagan lang sila. Alam ko kapag si Rayver ang kausap niya, may twinkling ang mata niya.

"Si Direk Laurice, wow talaga! She’s award-winning director.

"Masarap kaeksena si Direk Laurice and si Ms. Jaclyn, as we all know, magaling din.

"So, baka pag hindi ko ginalingan, baka maiwan ako sa parade!" tawa ni Aiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN