Former MTRCB chief Consoliza Laguardia barred from entering Temptation Island premiere

Former MTRCB chairman Consoliza Laguardia was invited by Mother Lily Monteverde to the premiere of Temptation Island last night, July 3. But a guard refused to let her in because the movie already started.



Kinumpirma ni former MTRCB Chair Consoliza Laguardia na hindi siya pinapasok ng mga guwardya ng SM Megamall Cinema 9 kaya hindi niya napanood ang premiere ng Temptation Island kagabi, July 3.

Walang plano si Mrs. Laguardia na palakihin ang isyu dahil na-late din ito ng pagdating sa red-carpet premiere ng pelikula, pero hindi siya makahindi sa mga entertainment writer na nagtatanong sa kanya tungkol sa mga tunay na pangyayari.

"Medyo stern," ang sagot ni Mrs. Laguardia nang itanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng text ang mood ng guwardiya na hindi nagpapasok sa kanya.

Nonetheless, naiintindihan daw niya na ginagawa lamang ng security guard ang tungkulin nito.

"The guard is just doing his job. No big deal.

"I was invited by Mother Lily [Monteverde, Regal Entertainment Inc. producer] kaya lang I came in too late. May pinuntahan pa kasi ako na oath-taking na natagalan before going to the premiere.

"Ang sabi ng guard, hindi na raw ako puwede papasukin kasi nagsisimula na ang movie. Sabi ko sa guard, guest naman ako ni Mother Lily. E, ayaw niya talaga, so I just left [rather] than make a scene.

"I don’t think the guard recognized me. When I saw Nestor Cuartero [Tempo entertainment editor-in-chief] na lumabas sandali, I told him to tell Mother Lily na aalis na lang ako, kasi nga yung guard, kahit ipinakilala ako ni Nestor as former MTRCB Chair, hesistant pa rin siya to let me enter kaya umalis na ako.

"Okey lang. Manonood na lang ako in the next days. I just texted Mother that I fully support Temptation Island. I will just watch it some other time."

Ang Temptation Island ay tinatampukan nina Marian Rivera, Rufa Mae Quinto, Heart Evangelista, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Aljur Abrenica, Tom Rodriguez, Mikael Daez, at John Lapus.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN