Danny Javier almost didn’t take his acting assignment on TV5’s Bangis

"Marami akong sikretong pinanghahawakan. Na hindi ko sinasabi sa kanila kung ano, pero may mga sinasabi ako na matalinhaga na kailanagang pag-isipan at may katuturan. May katuturan kasi alam ko yung sikreto nung mga hayop. Bahagi ako nung pagpalaki ng mga hayop na bahagi dito sa kuwento," Danny Javier said of his Lolo Wago role in the TV5 television series Bangis.


Balik sa showbiz spotlight si Danny Javier sa pamamagitan ng bagong television series ng TV5 na Bangis.

Huling nakita si Danny kasama ang musical trio na APO na binubuo niya at nila Jim Paredes at Buboy Garovillo.

Nag-decide ang tatlo na iretiro na ang grupo pagkatapos ng mahigit apat na dekadang paggawa ng mga kanta. Huli silang nakitang magkakasama last year noong inauguration ni President Noynoy Aquino.

Gumaganap si Danny bilang Lolo Wago sa Bangis at kuwento niya, muntik pa niyang hindi tinanggap ang project na ito.

"Actually, this role was supposed to be for Buboy. Kaya lang, mayroon siyang ginagawang iba. So, ipinasa niya sa akin. Pero sinabi niya sa production, ’Good luck kung makukuha ninyo si Danny,’" kuwento niya.

Matagal nang hindi nakakasama sa isang acting project si Danny.

Kasama siya sa dalawang pelikula ni Mike de Leon—Kung Mangarap Ka’t Magising (1977) at Kakabakaba Ka Ba? (1980). Sa telebisyon naman ay panahon noong nabubuhay pa ang Lovingly Yours na hosted ng namayapang si Helen Vela sa GMA-7.

Banggit ni Danny, nahirapan ang production team ng Bangis na makuha ang kanyang kumpirmasyon na sasali siya sa naturang show.

"Actually, I didn’t say yes in the beginning, alam nila yun. I said no and then they came back to me... I really had no plan of going back to showbiz.

"And then when they came back again, so I asked what my role was going to be. When I was told na simple lang, sabi ko, ’Aba, okay. Púwede ito.’ Baka hindi makain itong oras."

Naging abala na si Danny sa kanyang Pidro t-shirt business at sa consultancy work niya after retiring from APO.

He explained, "Sabi ko lang sa kanila, mahihirapan tayo sa schedule ko kasi parati akong pumupunta sa Mindanao. Kaya maybe, mag-a-adjust.

"Nung nakapag-take na kami, sabi sa akin, puwede daw bang dagdagan yung taping date. Tapos, nagustuhan ko na din."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Danny, nag-e-enjoy naman siya sa ginagawa niyang television work.

"Very refreshing ang working condition dito sa production na ito," sabi niya.

"Natutuwa ako kasi, yung una, akala ko narrator lang ako. Ayun, ayun pala significant yung papel ko kasi ako ang may hawak ng susi tungkol sa kuwento ni Bangis.

"Nakaka-adjust din naman. Tamang-tama yung nangyari ito.

"So, most of my work now is down here. Yung mga nakakausap ko tungkol sa trabaho, nandito din sa Maynila.

"Kung minsan, kung kailangan ko makausap yung nandoon, pumupunta naman sila dito."

POST-APO WORK. Kuwento ni Danny, may matagal na niyang hinahawakang mga business niya.

Nauna na dito ay ang Pidro shirts.

"Niche market na siya ngayon. Hindi naman maaalis ’yon, iconic na rin ’yon, e.

"Ayun ang naunang pumasada sa t-shirt industry na biglang tinamaan ng bagyo galing sa Tsina. Pero nabubuhay naman.

"Well, the same challenges that the garment industry is facing. The price of fabric is very erratic and unpredictable.

"So it’s very difficult to make a plan for the long run. So we’re on survival mode at the moment."

Aniya pa, "Buhay pa. Marami kaming corporate client.

"Yung corporate client kasi kapag bumili sila ng Pidro shirt, may value added yung t-shirt, e.

"Kasi kapag pinamigay nila, sabihin nung pagbibigayan nila, Pidro shirt, so alam nila na hindi pipitsugin yung pinamimigay ng kompanya."

Naging abala rin siya sa consultancy work.

"I’m into crisis management. Matagal ko nang ginagawa ’yan. For 22 years, this is what I’m doing.

"Halimbawa, kapag ang isang malaking kompanya may problema. Nagkaroon ng confidence crisis mula sa mga kliyente nila, ako ang tatawagan. Sasabihin sa akin, ’Paano ba natin maresolba ito?’

"Matagal ko nang trabaho iyan.

"May mga bangko na nagka-krisis, na-bankrupt, ako nag-handle nun.

"May mga industriya na binanatan ng mga kongresista, ng taxation, bina-blackmail, ako nagha-handle no’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, yung mga kompanyang involve sa iskandalo kasi may binribe sila na ganito, ako ang pinapa-handle nun.

"Kasi pinagkakatiwalaan tayo nung both the offending parties and the offended party.

"Minsan may offended party na ayaw makipag-usap sa iba. Kapag ako na, sasabihin nila, ’Mabuti ikaw ang lumapit sa amin.’

"Kasi mayroon akong public equity na pinagkakatiwalaan ako.

"It helps that I have a positive reputation. That I have, my words can be trusted, that I deal fairly with every all concern.

"Walang makakalamang, patas ang laban, lahat panalo," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN