Valerie Concepcion thinks it’s possible for her to get pregnant with boyfriend Dondon Hontiveros


"Ayokong magsalita nang tapos kasi baka mamaya, hindi, tapos bukas buntis na pala ako. Sinasabi ko lang, reality-wise, hindi ko sinasabing magpapabuntis ako or what," says Valerie Concepcion about the possibility of getting pregnant with boyfriend Dondon Hontiveros.


Sobrang nalungkot si Valerie Concepcion sa hindi pagkakasali ng pelikula nilang Asiong Salonga (Kingpin ng Tondo) sa Metro Manila Film Festival this December.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Valerie noong Linggo ng gabi, July 3, sa Pagsanjan, Laguna sa shooting ng naturang pelikula na pinagbibidahan ni Laguna Governor ER Ejercito.

"Oo, yun kasi talaga ang ine-expect ng lahat, e. Ang makapasok sa filmfest yung movie namin.

"Pero dadalhin naman ito sa international fimfest tulad sa Korea, Dubai, at Rome. Ilalaban daw doon," sabi ni Valerie.

Ano ang role niya sa movie?

"I’m the second lover of Asiong Salonga. Because he has four girls here. Carla Abellana (as the wife), me, JC Parker, and Paloma.

"I’m the second wife. Yun, yung talagang passion ni Asiong. Siya yung love of his life more than the first wife.

"Kumbaga yung first wife kasi, responsibility dahil may anak siya doon. Pamilya doon, e.

"Pero yung talagang love niya, yung second wife niya. Yung tipong noong nakatakas siya sa kulungan, ang unang pinuntahan niya, yung second wife niya, bago pa si First Wife," kuwento pa niya.

Ibig sabihin, mahalaga ang role niya?

"Yes, napakahalaga, bilang second wife, bilang kerida," sabi ng aktres.

May sexy scenes siya sa movie?

"Hindi masyado sa mga sexy scene, pero yung mga sexy outfit lang. Kasi 1950s itong pelikula, e, so, ang sexy lang doon ay yung kamison. So, mga ganoon lang," nakatawang dagdag pa niya.

Inusisa rin ng PEP si Val sa pakikipagtrabaho niya kay Governor ER.

"Okey naman. Ang tipid ng sagot ano?" nangingiting sabi niya.

"Actually, once pa lang kasi kaming nagtrabaho kaya ganoon katipid ang sagot ko."

May love scene ba sila dito ni Gov?

"Wala, kissing scene mayroon," matipid na sagot ulit ng aktres.

Puring-puri ni Val si Gov. ER sa sobrang dedication niya sa pelikulang ito na nagtatampok sa makulay na buhay at alamat ng isang gangster ng Tondo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Gov, marami siyang inputs dito sa pelikula, e. He’s really into the film, very hands-on siya. Sobra ang dedication niya doon sa work.

"Kasi mayroon pa siyang ipinakikitang video sa akin na sinasabi niyang, ’Ganito ang gusto kong mangyari sa film natin at maipakita natin bilang tayo sa film.’ He’s very into it talaga."

Napanood niya ba yung original Asiong Salonga movie na pinagbidahan ni ex-President Joseph Estrada?

"Hindi pa nga po, e. Kailangan kong panoorin, e, kasi po ako raw yung kakanta ng ’La Paloma.’ E, ang ’La Paloma,’ before yung first wife ang gumawa. Tapos ngayon dito, ako na," tugon niya.

Nagkaeksena na ba sila ni Carla Abellana?

"Oo, noong first shooting day ko."

Confrontation scene?

"Wala, pero ipinakita yung tensiyon sa aming dalawa kasi magkakilala kami at alam naming...parang ganoon. Na ako ang mistress," aniya pa.

So, challenging ang role niya talaga dito?

"May mabibigat, like confrontation namin ni Asiong. Tapos more on sweet kami dito, e. Kami ang sweet dito kaysa sa unang wife."

So, lumalabas na siya talaga ang leading lady rito at hindi si Carla?

"Hindi naman. Pero gusto lang ipakita rito sa film at ipaalam na talagang mas mahal niya rito ang kanyang second wife, kaysa first wife."

JUST LIKE ANDI EIGENMANN. Napag-usapan din ang tungkol sa pagbubuntis ng Kapamilya star na si Andi Eigenmann. Parang ganoon din kasi ang nangyari kay Valerie na nabuntis nang maaga.

"I was 16 then noong nabuntis ako, buti nga siya 21 na, e," sabi niya.

"Ako, natuwa ako noong itinuloy niya, kasi not a lot of teenagers or young ones ay paninindigan, o magdesisyong panindigan ’yon.

"Lalo na siya, maganda ang career niya, pataas at kapapanalo lang ng awards.

"She chose life, so hanga ako sa kanya sa part na iyon."

Iyong time bang nabuntis siya, naisip niyang huwag nang ituloy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala, never kong naisip yun," sabi niya.

"I was so in love with the father of my kid. Noong nabuntis niya ako, ang feeling ko magpapakasal na kami.

"Oo, ganoon ako kapraning before kaya lang biglang na-lost."

Kung magbibigay siya ng advice kay Andi, ano ito?

"Ako, sige lang, just be strong. The fact na pinili niya yung life, blessing yun, e. Ang mga anak, gift yun, e.

"The fact na pinili niya yun over anything else. Like sa sasabihin ng mga tao, sa career niya, sa kanya, ibe-bless na siya ni God.

"Ako, simula nang magkaanak ako, I feel so blessed. So never ko, o I have no regrets. Or never na pinagsisihan ko ang aking ginawa. At habang nabubuhay, may pag-asa, e."

Mauulit ba yung mabubuntis siya out of wedlock ngayon with boyfriend Dondon Hontiveros?

"A... hindi raw ako makasagot!" nakatawang saad ni Valerie.

"Wala namang asawa si Dondon pero he has a son.

"Ako naman, hindi ko naman hawak ang aking kapalaran. Kasi dati hindi ko rin naman ginustong mabuntis, pero yun ang ibinigay ni Lord.

"Ayokong magsalita nang tapos kasi baka mamaya, hindi, tapos bukas buntis na pala ako.

"Sinasabi ko lang, reality-wise, hindi ko sinasabing magpapabuntis ako or what. Pero reality check, ganoon talaga," pahayag ni Valerie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN