John "Sweet" Lapus lets mentalist Nomer Lasala read his mind to reveal some showbiz secrets

"Van within this year... Kasi wala akong van, sobrang dami ng gamit sa kotse ko, minsan nasa labas na ako, habang umaandar, nasa ibabaw na ako, ganun karami ang gamit!" says John "Sweet" Lapus about his birthday wish this year. Sweet will celebrate his birthday on July 7.


Birthday ni John Sweet Lapus sa Huwebes, July 7, kaya siya ang sumalang sa "CSI (Celebrity Secrets Interpreted)" segment ng Showbiz Central last Sunday, July 3.

Sa naturang segment ay siya ang humarap sa mentalist na si Nomer Lasala.

"ECHOSERA." Ang unang tinanong ng co-host ni Sweer na si Pia Guanio sa kanya ay ito: Sa lahat ng umupo sa lie-detector test, sino ang masasabi niyang pina-echosera sa "Don’t Lie To Me" segment ng show?

Habang nag-iisip si Sweet kung sino ay pinahawakan ni Nomer ang kanyang braso. Nang bitiwan ni Sweet ang braso ni Nomer ay lumabas sa braso ng huli ang mga letrang L at P, na ikinagulat at ikinatawa ni Sweet.

"Pero not necessarily in that order... Ang galing mo! Saan galing yun?" ang reaksyon pa ni Sweet.

Ayon pa kay Sweet, babae raw ang kanyang tinutukoy.

Paliwanag niya, "Kasi kilala ko ’yan, so may mga tinanong ako na nagulat ako. Akala ko aamin siya, pero iba mga sagot niya.

"Tapos, may isang partikular na dun talaga ako na-echosan kasi alam ko yung totoo, Truth yung lumabas!

"Basta something like yung ano, parang may karelasyon siya, ’Kayo pa ba?’ or something, ganyan, ang sagot niya ’No!’

"Tapos nagulat ako, truth yung lumabas!

"Tapos inokray-okray ko pa yung mga taga-Truth Verifier, ’Marunong ba kayong bumasa, yun ba talaga ang resulta?’

"In-explain-explain sa akin, may time pala, especially pag yung mga taong relaxed masyado, e, kahit lie, naaano."

Sabi pa ni Sweet. "Alam mo, kaya ako nagalingan sa lumabas na LP na ’yan, kasi sinadya kong baligtarin sa utak ko, pero iyon din ang lumabas sa kanya [Nomer].

"Ang galing mo!

"Inisip ko, binaligtad ko sa utak ko, siya din binaligtad niya.

"Ang galing mo, in fairness sa ’yo, ang husay!"

MOST ATTRACTED TO. Ang second question kay Sweet: Sa tatlong male co-stars niya sa Temptation Island na sina Aljur Abrenica, Tom Rodriguez, at Mikael Daez, kanino siya pinaka-attracted?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isinulat ni Nomer sa kaharap niyang white cartolina paper ang pangalang Mikael, at Mikael din ang pangalang sinabi ni Sweet.

Paliwanag dito ni Sweet, "Si Tom kasi, brother-brother ko ’yan. Si Aljur, anak-anakan.

"Si Mikael, bago ko pa lang siyang friend so may malisya pa ako sa kanya, aminado naman ako dun.

"At siya ang leading man ko sa pelikulang ito, mind you!"

PINAKA-PLASTIC. Ang third question: Sa mga kakilala niyang artista, sino sa tingin niya ang pinaka-plastic towards him?

"A, ito yung iniisip ko hindi lang towards me, feeling ko sa lahat... Hoy, initials lang ha?" sabi ni Sweet kay Nomer.

"Ahole" ang unang isinulat ni Nomer, pagkatapos ay binura niya ang letrang H. Tapos ay isinulat niya sa itaas nito ang mga letrang "BOY."

Binura niya ang letrang A at pagkatapos, sa second page ng cartolina ay isinulat ni Nomer ang mga letrang "A" at "W."

Nang tanungin si Sweet kung may significance ba sa kanya ang mga letrang iyon ay umoo siya.

Sabi naman ni Nomer, "Actually, hindi siya initials ng mismong person, e. So, kahit anong hula nila, yung AW, hindi nila makukuha ’yan kasi ’yan yung palayaw na tinatawag mo sa kanya."

Sinang-ayunan naman ito ni Sweet, sabay sabi muli kay Nomer na "Ang galing mo, ang galing mo, in fairness sa ’yo!"

Dagdag paliwanag ni Sweet sa taong tinutukoy niya, "Well, basically ’yang tao na ’yan, alam ko kasi plastik, to the point na, you know, people doesn’t know na plastik ’yang tao na ’yan. E, ako kakilala ko, so..."

Hindi nga raw "AW" ang initials ng pangalan ng naturang tao kundi iyon lang daw ang initials ng palayaw na tawag ni Sweet sa taong iyon.

Sa tanong kung okay sila ng taong iyon, tumatawang sinabi ni Sweet na "Hindi!’

MAY ITINATAGONG LIHIM. Ang sumunod na tanong kay Sweet ay ito: Sa opinyon niya, sino sa mga aktor ngayon ang hinala niya ay may itinatagong lihim tungkol sa kanyang kasarian?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sorry ha, magsi-zero in ako sa isa, kasi lima yung nasa isip ko, baka mahirapan ka. Tanggalin natin yung isa, alam na ng tao yun, yung isa parang aamin na..." sabi muna ni Sweet.

Habang nag-iisip si Sweet ay isinulat ni Nomer ang mga letrang "E" at "P." Na tugma naman sa isinagot ni Sweet.

"May letter P, ganun... Ano pa ba? Letter E, ayan, may E," pagri-reveal ni Sweet.

Pero aniya, "Ay, pero hindi ’yan ang initials ng tao, may letters lang na ganun."

Kumpirmado ba niya ang tungkol sa lihim sa kasarian ng taong iyon?

"Feeling ko lang, feeling ko lang. Actually, ang mga tao sa showbiz pinag-uusapan, di ba? Parang yun nga, kasi malambot daw, ganun.

"Feeling ko lang," sabi ni Sweet.

Sumasang-ayon lang daw siya sa hinala ng iba.

BIRTHDAY WISH. Ang huling tanong kay Sweet ay kung ano ang birthday wish niya na material thing.

"Van within this year" ang isinulat ni Nomer, at iyon din ang sinabi ni Sweet.

"Kasi wala akong van, sobrang dami ng gamit sa kotse ko, minsan nasa labas na ako, habang umaandar, nasa ibabaw na ako, ganun karami ang gamit!" pagpapakuwelang sabi ni Sweet.

Aniya pa, "Puwede ho kayong mag-ambag-ambag, sa mga kaibigan kong nakakaluwag-luwag."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN