Character actor Simon Ibarra stars in two Cinemalaya New Breed entries

"Kailangan nating suportahan ang mga indie films, ang mga new breed directors na nangangarap makagawa ng matitinong pelikula. Suportahan natin sila, kasi open ang mangarap. Sa panahon na ito, nandiyan [sa indie cinema] ang buhay," says Simon Ibarra, who has two films in the Cinemalaya Film Festival this year.


This year, dalawang Cinemalaya Filmfest entries ang nasalihan ng character actor na si Simon Ibarra.

He’s cast in Ligo Na U, Lapit Na Me by director Erick Salud and Cuchera by Joseph Israel Laban. Parehong New Breed category ang mga nabanggit na entries na ipalalabas ngayong July 16 to 24, 2011 sa Cultural Center of the Philippines (CCP) at Greenbelt Cinema 3.

In the former, Ligo Na U, Lapit Na Me, which is a sex-comedy, Simon plays loving dad to young actor Edgar Allan Guzman.

Sa Cuchera, Simon portrays an ex-drug mule; husband to the lead female character played by Maria Isabel Lopez.

LIGO NA U, LAPIT NA ME. Natutuwa si Simon dahil mabait na tatay, imbes na kontrabida, ang ginagampanan niya sa Ligo Na U, Lapit Na Me. Just the same, makulay at makabuluhan ang papel at hindi lang basta "father role."

"Ex-aktibista siya, na ex-addict who ended up preaching," pag-describe din ni Simon sa kanyang role nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Parang bait-baitan talaga. Mahal na mahal namin ng asawa ko [played by character actress Mel Kimura] ang aming only son, si Intoy [Edgar Allan].

"So, lahat ng attention ibinibigay namin sa kanya sa abot ng aming makakaya and not to the extent na mai-spoil siya."

Edgar Allan has a love interest in the story, played by Mercedes Cabral.

"Yes, yun ang flavor dun [sa story]," sabi pa ni Simon about the romance angle.

"Intriguing naman yung character ni Mercedes, may pagka-misteryosa siya. Tapos, si Intoy, yung anak namin, gumagawa ng kalokohan, na later on, nagi-guilty rin. Kami naman ng mommy niya, supportive na magulang.

"Very strong ang message ng film about relationships. Matatawa ka, mukhang wholesome pero... I don’t know, there’s something [intriguing] in it," nangingiting sambit pa ni Simon.

CUCHERA. Kumpara sa isa niyang kinasasalihang Cinemalaya Filmfest entry, mas kumplikado ang papel ni Simon sa Cuchera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako’y isa sa mga ex-drug mule na nag-venture na maging entrepreneur," pagtukoy ng aktor.

"Kaming dalawa ni Isabel [Maria Isabel Lopez, as his wife], dati kaming nasa ganung illegal trade, I used to be a [drug] courier, kaming dalawa ni Isabel.

"E, tumatanda na kami, sabi ko, ’Recruit na tayo ng iba.’ Later, nag-recruit ako ng mga couriers, na sila na yung magdadala.

"Medyo complicated [ang role]," sabi rin ni Simon. "Pero based on a true story ito. Ang pinagbasehan nila ay yung isa sa mga drug mules sa China na na-interview nila.

"Ang direktor, si Joseph Laban, taga-News and Current Affairs siya ng Channel 7. May na-interview sila na drug mule sa China, na na-deny. So, dun na lang niya in-stretch yung istorya."

Bakit Cuchera ang title, as in babaeng kutsero ba ang papel ni Ma. Isabel Lopez?

"Ang term sa drug pusher, cuchera, cuchero. So, yun. Sa term na mule, or drug mule, pag courier ka, ikaw yung cuchera," pag-explain ni Simon.

Dagdag ng aktor, "May kadiliman yung pelikula, pero hindi siya nananakot. Ipinapakita lang niya na kapag ganito ang ginawa mo, ganito ang puwede mong kahinatnan.

VALUES ORIENTED. Kung ang Cuchera ay isang realistic drama (social realism), ang Ligo Na U, Lapit Na Me borders on the satirical bilang isang sex-oriented comedy.

Also, ang Ligo Na U... ay base sa nobela ni Eros Atalla, na hinalaw ng screenwriter na si Jerry Gracio.

"Iba ang lengguwahe ng pelikula," sabi rin ni Simon, citing as example the somewhat feminist slant ng narrative.

"Ipinapakita na may eksenang sex [sina Mercedes at Edgar Allan], pero hindi sila mag-syota. Yung values na ipinapakita sa pelikula ay isang magandang halimbawa na hindi mo siya dapat pamarisan, or a very good example of not what to do."

Definitely, aniya, para sa adult males and females ang Ligo Na U, Lapit Na Me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Usually, di ba, pag nanonood tayo ng pelikula, ’Ay, ’yan ang gayahin mo.’ Ito naman, ’Ay, ’wag mong gayahin ito!’ Kasi pag ginaya mo, pak, putol ka!" tawa ni Simon.

Seriously, ina-appreciate niya ang pagbibigay-halaga ng kuwento sa papel ng mga magulang sa kanilang mga anak.

"Oo," pagsang-ayon ni Simon. "Dito [sa Ligo Na U...], makikita yung kung gaano kaimportante ang role ng magulang sa buhay ng mga anak. Kasi, kung bibitawan mo sila, maliligaw talaga sila ng landas.

"So, dito, dahil maganda yung values naming mag-asawa, ginayd namin nang maayos si Intoy, yung aming anak. Eventually, na-realize niya ang sitwasyon ng buhay niya."

INDIE SUPPORT. Nananatiling tagasuporta ng indie cinema si Simon Ibarra, bagamat madalas din siyang napapanood ng publiko sa mga teleseryes, tulad ng Babaeng Hampaslupa ng TV5 at soon sa My Binondo Girl ng ABS-CBN, topbilled by Kim Chiu.

"Oo naman, kailangan nating suportahan ang mga indie films, ang mga new breed directors na nangangarap makagawa ng matitinong pelikula. Suportahan natin sila, kasi open ang mangarap.

"Sa panahon na ito, nandiyan [sa indie cinema] ang buhay," paniwala din ni Simon.

"We never know, sa hanay ng mga bagong direktor na ito magmumula ang magdadala na naman ng karangalan sa bansa.

"At kung ako ay magiging artista niya, proud din ako dahil part ako ng kanyang karangalan.

Hindi na mapag-aalinlanganan ang suporta at kontribusyon ni Simon bilang aktor sa naging tagumpay ng Pinoy sa pamamagitan ng indie films.

As early as 2000, sa simula ng bagong milenyo, nasa cast si Simon ang Live Show ni Direk Jose Javier Reyes. Ang pelikula’y naging kalahok sa 50th Berlinale (Berlin International Film Festival) sa Germany.

At sa iba pang internationally acclaimed indie films, tulad ng Kadin (2007) ni Adolf Alix Jr.; Tirador (2007) ni Brillante Mendoza; 100 (2008) ni Chris Martinez; at Bakal Boys (2009) ni Ralston Jover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN